NANAWAGAN ang Philippine National Police (PNP) sa publiko na huwag nang ipakalat o i-share ang mga video ng karahasan sa mga paaralan kasunod ng mga insidenteng naganap sa Tacloban City at General Trias City, Cavite. Ayon kay PNP chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., ang walang habas na pagpapakalat ng mga graphic videos ay lalo lamang nagpapahirap sa mga biktima at kanilang mga pamilya. “The reckless circulation of graphic videos depicting these school tragedies is not just a digital nuisance, it is a profound act of cruelty that re-victimizes survivors…
Read MoreAuthor: admin 3
KASO VS DND SEC. GIBO, BIG JOKE – AFP
ISANG malaking joke umano ang ipinakakalat na ulat na may mga heneral ng militar na naghahanda nang magsampa ng kasong perjury at falsification of public documents laban kay Defense Secretary Gilberto “Gibo” Teodoro Jr., ayon sa Armed Forces of the Philippines (AFP). Pinabulaanan din ni AFP spokesperson for the West Philippine Sea Rear Adm. Roy Vincent Trinidad ang mga alegasyon na may umiiral na tensyon sa pagitan ng militar at ng kalihim ng Department of National Defense. “On the claim that the majority of generals of the AFP would be…
Read MoreDPWH MAKIKIPAG-UGNAYAN SA MERALCO AT MANILA LGU SA PROBLEMA SA PUMPING STATIONS
MAKIKIPAG-UGNAYAN ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Meralco at lokal na pamahalaan ng Maynila para masolusyunan ang problema sa suplay ng kuryente sa Padre Faura Pumping Stations. Sa ginawang inspeksyon ni Highways Secretary Vince Dizon, natuklasan na gumagana lamang ang nasabing pumping stations sa pamamagitan ng generator sets. Ayon kay Dizon, magiging malaking problema ito kung sa kasagsagan ng ulan o bagyo ay maubusan ito ng krudo at tuluyang huminto. Magastos din aniya kung gagamit pa ng krudo sa mga generator para lamang paganahin ang Padre Faura…
Read MoreMAS MALAKING PONDO PARA LGUs ITATAMPOK NI PBBM SA SONA
ITATAMPOK ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang ikalimang State of the Nation Address (SONA) sa Hulyo 27 ang malaking pagtaas ng bahagi ng local government units (LGUs) mula sa national tax collections. Ayon kay Executive Secretary Ralph Recto, tataas ng P129.32 bilyon ang National Tax Allotment (NTA) ng mga LGU sa susunod na taon mula P1.19 trilyon hanggang P1.32 trilyon. “As a former local executive official himself, the President sees and honors these as people’s entitlements. These are guaranteed plowbacks that will go from big cities to the…
Read MoreFLOOD CONTROL PROJECTS IBABALIK SA 2027 BUDGET — PALASYO
IBABALIK ng gobyerno ang pondo para sa flood control projects sa panukalang 2027 national budget matapos hindi ito mapondohan noong nakaraang taon dahil sa kontrobersiya sa umano’y malawakang korapsyon. Kinumpirma ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na maaaring maisama muli sa National Expenditure Program (NEP) para sa 2027 ang mga flood control projects na dati nang ipinatigil. Gayunman, sinabi ni Castro na dadaan muna ang mga ito sa masusing pagsusuri upang matiyak na lehitimo at kinakailangan pa ang mga proyekto bago pondohan. “It depends,…
Read MoreSPEAKER DY NANAWAGAN NG MAS MAHIGPIT NA SCHOOL SAFETY
NAKIKIISA si Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III sa pagdadalamhati ng buong bansa para sa mga biktima ng pamamaril sa San Jose National High School sa Tacloban City. Ipinaabot ng lider ng Kamara ang pakikiramay sa mga pamilya ng mga nasawi at panalangin para sa agarang paggaling ng mga sugatan. “Anumang uri ng karahasan na kumikitil sa buhay ng mga kabataan at sumisira sa kaligtasan ng ating mga paaralan ay isang usaping lubhang nakababahala. Ang mga paaralan ay dapat manatiling lugar ng pagkatuto, seguridad, at oportunidad para sa bawat batang…
Read MoreMas mahigpit na seguridad ilalatag SCHOOL POLICIES REREPASUHIN NG PNP
INATASAN ni DILG Secretary Jonvic Remulla ang Philippine National Police (PNP) na magsagawa ng komprehensibong pagrepaso sa mga umiiral na polisiya sa seguridad sa mga paaralan, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Layunin nitong maiwasan ang pag-ulit ng madugong pamamaril sa San Jose National High School sa Tacloban City noong Lunes na ikinasawi ng tatlong estudyante at ikinasugat ng iba pa. Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni PNP Spokesperson Colonel Allen Rae Co na nire-review na ng PNP ang lahat ng security protocols sa mga institusyong…
Read MoreDOJ INIUTOS MALALIMANG IMBESTIGASYON SA PAMAMARIL SA ESKWELAHAN SA TACLOBAN
INIUTOS ng Department of Justice (DOJ) ang masusi at malalimang imbestigasyon kaugnay ng madugong pamamaril sa Tacloban City na ikinasawi ng tatlong katao at ikinasugat ng lima pa. Ayon sa DOJ, nakipag-ugnayan na ito sa Office of the Regional Prosecutor ng Region VIII upang makalap ang buong detalye ng insidente. Sinabi ni DOJ Spokesperson Atty. Polo Martinez na nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Tacloban City Police Office sa koordinasyon ng Office of the City Prosecutor of Tacloban. Kasalukuyang tinitipon ng mga awtoridad ang mahahalagang impormasyon kabilang ang pagkakakilanlan ng mga nasawi,…
Read MorePAG-AMYENDA SA JUVENILE JUSTICE LAW SA BANSA, DAPAT IPRAYORIDAD!
RAPIDO ni PATRICK TULFO ANG barilang nangyari noong Lunes sa isang paaralan sa Tacloban ay pangatlo nang insidente ng karahasan sa loob ng paaralan, kung saan pawang mga menor de edad ang mga suspek. Tatlo ang patay sa walang habas na pamamaril ng dalawang estudyante sa Tacloban (edad 14 at 16) noong Lunes (June 22, 2026). Noong June 16, 2026 nangyari naman ang pananaksak sa pitong grade 5 students sa isang private school sa Gen. Trias, Cavite kung saan isang Grade 8 na estudyante ang suspek. Isang insidente rin ng…
Read More