RAPIDO ni PATRICK TULFO MASASABING si Mr. Ramon S. Ang o RSA, ang CEO at chairman ng San Miguel Corporation (pinakamalaking kumpanya sa buong bansa at ika-siyam naman sa buong Southeast Asia), ang pinakamatulungin kundi man isa sa mga pinakamatulungin na bilyonaryo sa bansa. Marami na akong narinig na kuwento ukol sa ginawang pagtulong ni RSA. Ang isa ay tungkol sa isang kasamahan sa hanapbuhay na may malubhang karamdaman. Hindi na umano dapat ire-renew ang sponsorship ng SMB sa programa nito sa radyo. Personal itong sumulat kay RSA at sinabi…
Read MoreAuthor: admin 3
CHIZ ESCUDERO: WALANG UPDATE, PRINSIPYO LANG
CLICKBAIT ni JO BARLIZO ISA sa mga pinakanakatawag-pansin na komento tungkol sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte ay hindi nanggaling sa isang abogado o senador, kundi sa isang netizen. “Chiz Escudero, the current Presiding Officer of the Vice President’s impeachment trial, must be a well-patched version of the Chiz Escudero who served as Senate President of the 19th Congress. Kung sino man ang nag-software update kay Chiz, mabuhay ka!” Marami ang natawa sa biro, pero may punto rin itong gustong ipahiwatig. Sa mga unang linggo ng impeachment trial,…
Read More‘Yang padrino system sa Customs; Congrats, District Collector Zurbito!
PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA Paano raw ba mawawala ang padrino system sa Bureau of Customs (BoC): One way is to file a bill that aims to stop the padrino system. Another way, na ginawa noong 2013 ni Sen. Escudero, ay imbestigahan ang mga padrino ng mga korap na opisyal ng Aduana. Sen. Sherwin “Win” Gatchalian, Sen. Panfilo “Ping” Lacson, Sen. Erwin Tulfo, Sen. Chiz Escudero, Sen. JV Ejercito at Sen. Raffy Tulfo, your honors please, baka nais n’yo pong umpisahan ulit ang imbestigasyon laban sa mga padrino sa…
Read MoreMATALINONG TAO
HOPE ni GUILLER VALENCIA “ANG paraan ng isang hangal ay tama sa kanyang sariling paningin, subalit ang isang matalinong tao ay nakikinig sa payo.” (Kawikaan 12:15) Ano ang “lakad ng isang mangmang?” Mula sa punto ng pananaw ng mga Kawikaan, ang isang hangal ay isang tao na kinamumuhian ang karunungan at tagubilin (Mga Kawikaan 1:7). Iyan ang dahilan kung bakit hindi kinatatakutan ng mga mangmang ang Panginoon, dahil ang takot sa Panginoon ang simula ng karunungan at tagubilin (Mga Kawikaan 1:7). Ang hangal ay hindi bobo, sila ang taong tumangging…
Read MoreMGA MAKABULUHANG PANUKALANG BATAS NG 4K PARTY-LIST AT MAS MALAWAK NA ACCESS SA EDUKASYON ISINUSULONG NI GOV. HELEN TAN
TARGET ni KA REX CAYANONG ANG pag-unlad ng isang bansa ay nagsisimula sa pagbibigay ng sapat na oportunidad sa mamamayan. Kapag may access sa edukasyon at may mga batas na nagbibigay-proteksyon sa bawat sektor, mas nagiging matatag ang pundasyon ng lipunan. Isa sa pinakamahalagang pamumuhunan ng pamahalaan ay ang edukasyon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa sa kabataan at naghahanda sa kanila upang maging produktibong mamamayan sa hinaharap. Kapuri-puri ang hakbang ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon sa pangunguna ni Governor Doktora Helen Tan sa patuloy na pagpapalawak ng scholarship program para…
Read More11 LALAWIGAN SIGNAL NO. 1 SA TD KIYAPO
INILAGAY na sa Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 ng state weather bureau ang 11 lalawigan nitong Huwebes ng umaga habang papalapit ang Tropical Depression Kiyapo sa hilagang dulo ng Luzon, para makapaghanda ang mga lugar na posibleng maapektuhan ng mga pag-ulan, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa). Saklaw ng nasabing babala ang Batanes; Cagayan, kabilang ang Babuyan Islands; Isabela; Apayao; Abra; Kalinga; gitna at silangang bahagi ng Mountain Province; silangang bahagi ng Ifugao; Ilocos Norte; hilagang bahagi ng Ilocos Sur; at hilagang bahagi ng Aurora.…
Read MoreNARATIBO NG CCG SA AYUNGIN INCIDENT TINABLA NG AFP
PINASINUNGALINGAN ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pahayag ng China Coast Guard (CCG) na pinayagan umano silang magsagawa ng medical evacuation para sa dalawang sugatang miyembro ng Philippine Navy matapos ang insidente sa Ayungin Shoal. Ayon sa AFP, fake news ang inilabas na naratibo ng CCG dahil hindi kinakailangan ng Pilipinas na humingi ng pahintulot sa anumang banyagang bansa upang magsagawa ng operasyon sa loob ng sariling Exclusive Economic Zone (EEZ). Iginiit ng AFP na ang naturang pahayag ng CCG ay isang maling naratibo na naglalayong magpakita ng…
Read MorePCG, BFAR MULING HINARANG, BINOMBA NG WATER CANNON NG CCG
MULING nakaranas ng harassment ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) matapos silang harangin, gawan ng dangerous maneuver, at bombahin ng water cannon ng China Coast Guard (CCG) habang nagsasagawa ng misyon malapit sa Bajo de Masinloc. Ayon sa PCG, isa ring barko ng China Coast Guard ang humarang at nagsagawa ng mapanganib na pagmamaniobra ilang metro lamang ang layo sa isa pang sasakyang-pandagat ng BFAR. Sinabi ni PCG Spokesperson for the West Philippine Sea Rear Admiral Jay Tarriela na walang…
Read MoreLALAKI ARESTADO SA ARMAS AT MGA BALA
SWAK sa kulungan ang isang 57-anyos na lalaki matapos arestuhin sa isinagawang search warrant operation at nasamsam ang baril at mga bala sa Barangay Tabon III, Kawit, Cavite noong Miyerkoles ng umaga. Kinilala ang suspek na si alyas “Eman”, residente ng nasabing bayan. Isinagawa ang operasyon ng mga tauhan ng Kawit Municipal Police Station, katuwang ang Cavite Special Weapons and Tactics (SWAT) Unit, Provincial Intelligence Team-Cavite, at Regional Intelligence Unit 4A bandang alas-6:30 ng umaga sa Barangay Tabon, Kawit, Cavite. Ayon sa ulat, sa bisa ng ipinatupad na search warrant,…
Read More