VACC NANAWAGAN NG HUSTISYA PARA SA MISSING SABUNGEROS

NANAWAGAN ang Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) sa Department of Justice (DOJ) at iba pang law enforcement agencies na tiyaking magpapatuloy ang imbestigasyon sa kaso ng mga nawawalang sabungero hanggang sa mapanagot ang mga responsable. Sa isang press conference, sinabi ni VACC National President Arsenio “Boy” Evangelista na hindi dapat mawalan ng pag-asa ang mga pamilya ng mga biktima sa kanilang paghahangad ng hustisya. Ayon kay Evangelista, nauunawaan niya ang kanilang pinagdaraanan dahil siya mismo ay naging biktima ng karahasan matapos mawalan ng anak. Hinikayat din niya ang mga…

Read More

‘RESTITUTION OMBUDSMAN STYLE’ IS A CRIMINAL ACT – TOPACIO

NAGBABALA si Atty. Ferdie Topacio na ang umano’y “restitution” na iniaalok sa mga akusado sa isyu ng mga umano’y ghost flood control projects sa Office of the Ombudsman (OMB) ay walang batayan sa batas. Ayon kay Topacio, hindi pinahihintulutan ng umiiral na batas ang ganitong uri ng kasunduan. “That (restitution) is not sanctioned by law,” ani Topacio. Ginawa ni Topacio ang pahayag matapos lumabas ang mga ulat na may mga umano’y “middlemen” na naghihikayat sa mga sangkot sa flood control anomaly na magsauli ng bahagi ng umano’y nakaw na pondo…

Read More

LGU, AYTA COUNCIL, LAND OWNER ‘WAG SISIHIN SA ISYU NG BASURA SA SUBIC – NITA

IGINIIT ng National Institute for Transparency and Accountability (NITA) na hindi dapat sisihin ang lokal na pamahalaan ng Subic, ang pribadong may-ari ng lupa, at ang Ayta Ambala Council kaugnay ng pansamantalang tapunan ng basura sa Barangay Naugsol, Subic, Zambales. Ayon kay NITA Executive Director at Spokesperson Carlos Ayala, napulitika lamang ang usapin kahit ang paggamit sa lugar ay bunga ng pagtutulungan ng iba’t ibang sektor noong kasagsagan ng pandemya. Sinabi ni Ayala na nagsagawa ang NITA ng site inspection at nakipagpulong sa mga kinatawan ng lokal na pamahalaan, mga…

Read More

PAGPUTOL NG MGA PUNO SA MAYNILA IPINATITIGIL SA KORTE SUPREMA

NAGSAGAWA ng pagkilos ang mga grupo ng mga estudyante sa Korte Suprema upang hilingin ang pagpapatigil sa pagputol ng mga puno sa Maynila kaugnay ng planong pagtatayo ng Southern Access Link Expressway (SALEX). Naghain ng petisyon ang mga estudyante upang pigilan ang San Miguel Corporation (SMC) sa pagputol ng mga puno sa kahabaan ng Quirino Avenue at Roxas Boulevard bilang bahagi ng proyekto. Ayon sa isa sa mga petitioner na si Joaquin Bautista, humiling sila sa Korte Suprema na magpalabas ng Temporary Environmental Protection Order (TEPO) laban sa SMC SALEX…

Read More

DEATH PENALTY SA PLUNDER ISINUSULONG NG VACC

ISINUSULONG ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) ang muling pagpapatupad ng parusang kamatayan para sa kasong plunder. Ayon kay VACC President Arsenio “Boy” Evangelista, maituturing na pagsabotahe sa ekonomiya ang pagnanakaw ng pondo ng bayan kaya nararapat lamang na patawan ito ng pinakamabigat na kaparusahan. Inamin ni Evangelista na mahirap maisulong ang panukala dahil maaaring maapektuhan maging ang mga mambabatas, ngunit iginiit niyang kinakailangan na itong isabatas. Kinuwestyon din niya ang umano’y pagmaniobra ng ilang opisyal ng pamahalaan sa isyu ng flood control scandal. Aniya, tila may pagtatangkang hindi…

Read More

3 GRUPO PINAYAGAN MAG-RALLY SA IKA-5 SONA NI PBBM

PATULOY ang paghahanda ng Philippine National Police (PNP) para sa ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Hulyo 27. Sa press briefing sa Camp Crame, sinabi ni PNP Public Information Office Chief PCol. Allen Rae Co na tatlong grupo pa lamang ang nabigyan ng permit upang magsagawa ng rally sa araw ng SONA. Kabilang dito ang grupong BAYAN, na magsasagawa ng kilos-protesta sa harap ng St. Peter Parish Church sa Commonwealth Avenue mula alas-7:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon. Pinayagan din ang…

Read More

2 SUSPEK SA PAGPATAY SA LADY VLOGGER, HAWAK NA NG PNP

KINUMPIRMA ng Philippine National Police (PNP) na nasa kustodiya na nila ang dalawang suspek sa pagpatay kay Alicia Lipata sa Caloocan City. Ayon kay PNP-Public Information Office chief, PCol. Allen Rae Co, naaresto ang gunman na kinilalang si alyas “MS” at driver ng motorsiklo na si alyas “JA”. Sinabi ni Co, naaresto ang mga suspek sa ikinasang manhunt operation nitong Huwebes ng umaga sa Mabalacat, Pampanga. Nakumpiska sa mga suspek ang dalawang hand grenades, caliber .45 at 9mm pistol. Samantala, nasampahan na rin ang mga suspek ng kasong murder, at…

Read More

Kasunod ng paluan sa Ayungin Shoal PBBM GUSTONG I-RESET RELASYON NG PH AT CHINA

NAIS ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na maibalik sa maayos na kalagayan ang relasyon ng Pilipinas at China matapos ang kamakailang insidente sa Ayungin Shoal. Ito ang inihayag ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro matapos ipatawag ng Pangulo sa Malacañang si Chinese Ambassador to the Philippines Jing Quan upang talakayin ang patuloy na pangamba ng Pilipinas sa mga kilos ng Beijing sa loob ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng bansa. Ayon kay Castro, layunin ng Pangulo na hindi na maulit ang mga nagdaang…

Read More

DOUBLE APPROPRIATIONS SA INFRA PROJECTS SA TAGUIG NATUKLASAN

BUKOD sa umano’y ghost projects, ibinunyag ni Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson na may natuklasan din silang posibleng double appropriations sa iisang proyekto sa Taguig City. Sinabi ni Lacson na may tatlong karagdagang slope protection projects na nagkakahalaga ng P100 million ang nakita nila sa ilalim ng 2025 General Appropriations Act. Kaya naman umakyat na sa P2.285 billion ang kabuuang budget insertions para sa Taguig City na balwarte ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano. Una nang kinumpirma ni Lacson na may nasilip silang dalawang posibleng ghost infrastructure projects. Sinabi rin…

Read More