LINAWIN NATIN ni ARDEE DELLOMAS HUMARUROT agad ang bagong liderato ng Senado sa ilalim ng pamumuno ni Senador Alan Peter Cayetano. Hindi alintana ang mga batikos, dalawang mahahalagang usapin ang agad nitong tinutukan: ang mainit na impeachment proceedings at ang muling imbestigasyon sa bilyon-bilyong pondo ng flood control. Siyempre, dahil nasa Pilipinas tayo, awtomatiko ang mga kritiko—duda at intriga agad ang inuna, nang magkaroon ng Senate leadership change. Kesyo may “hidden agenda” raw, may lutuan, o panggigipit sa pulitika. Ang bilis nating mag-conclude, ‘di ba? Pero bago tayo magpadala sa…
Read MoreAuthor: admin 3
MANONG DM MORALES: TULAY NG PAGBABAGO AT KAPAYAPAAN SA NUEVA ECIJA
TARGET ni KA REX CAYANONG ANG matagumpay na mass withdrawal of support ng mga dating sumusuporta sa mga grupong iniuugnay sa kilusang komunista sa Nueva Ecija ay isang mahalagang hakbang tungo sa kapayapaan at kaunlaran. Sa likod ng tagumpay na ito ay ang dedikasyon ng mga taong nagsikap na mailapit muli ang mamamayan sa pamahalaan, kabilang si Darrel “Manong DM” Morales. Hindi maikakaila ang naging mahalagang papel ni Morales sa pagbibigay ng direksyon at pag-asa sa mga dating sumusuporta sa makakaliwang grupo. Sa pamamagitan ng kanyang pakikipag-ugnayan sa mga komunidad,…
Read MoreDILG: 19 KATAO NAISALBA MULA SA VAN NA NAHULOG SA BANGIN SA MARILAQUE
NASAGIP ang labingsiyam na katao kabilang ang pitong bata matapos mahulog sa bangin ang sinasakyan nilang van sa kahabaan ng Marilaque Highway sa Sta. Maria, Laguna sa tulong ng Unified 911 Emergency Hotline. Ayon sa Department of the Interior and Local Government (DILG), mabilis na nailunsad ang rescue operation matapos makatanggap ng emergency call ukol sa aksidente malapit sa Barangay Laurel. “What could have ended in tragedy instead became a story of swift action, coordination, and lives protected. Moments after an emergency call was placed to 911 reporting the crash…
Read MoreDEATH TOLL SA GUMUHONG GUSALI SA PAMPANGA, UMABOT NA SA 20
UMAKYAT na sa 20 ang bilang ng mga nasawi sa gumuhong nine-storey under-construction building matapos makuha ang tatlo pang bangkay kahapon mula sa guho sa Barangay Balibago, Angeles City, Pampanga. Hanggang nitong Martes ay nagpapatuloy pa rin ang search, rescue and retrieval operations para sa mga pinaniniwalaang nalibing nang buhay sa bumagsak na gusali. Narekober nitong Hunyo 2 ang karagdagang tatlong labi mula sa gumuhong siyam na palapag na gusali dahilan upang tumaas pa ang bilang ng mga nasawi. Ayon kay Angeles City Public Information Officer Jay Pelayo, kabilang sa…
Read MoreSa iregularidad sa P2.2-B learning materials EX-EDUCATION MINISTER IQBAL KAKASUHAN SA OMBUDSMAN
MARIING iniutos ni Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Chief Minister Abdulraof Macacua ang pormal na pagsasampa ng mga kasong kriminal at administratibo laban kay dating Education Minister Mohagher Iqbal sa Office of the Ombudsman. Ang mga kaso ay may kinalaman sa naging resulta ng special audit na isinagawa ng Commission on Audit hinggil sa umano’y iregularidad sa pagbili ng P2.2 bilyong-halaga ng learning at training materials. Nabatid sa kanyang sulat kay Iqbal, sinabi ni Macacua na ang pagsampa ng mga kaso ang magbibigay kay Iqbal ng pagkakataon na…
Read MoreNLEX AT PAMPANGA GOV’T PINALAKAS KAHANDAAN SA KALAMIDAD
NAGSANIB-PUWERSA ang NLEX Corporation at ang Pamahalaang Panlalawigan ng Pampanga upang palakasin ang katatagan ng probinsya sa mga sakuna habang papalapit ang tag-ulan. Nabatid na humigit-kumulang 40 kalahok mula sa mga pangunahing departamento ng provincial government, kabilang ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), Department of Public Works and Highways (DPWH), Office of the Provincial Agriculturist, at Provincial Health Office (PHO), ang dumalo sa dalawang araw na Policy-Making on Disaster Management Workshop noong Mayo 12 at 14 na pinangunahan ng Philippine Disaster Resilience Foundation (PDRF). Ang pangunahing layunin…
Read More4 VLOGGERS TUGIS SA FAKE NEWS SA SC RULING KAY DELA ROSA
KINUMPIRMA ng Department of Justice (DOJ) na natanggap na nito ang referral mula sa Presidential Communications Office (PCO) kaugnay sa social media posts na nagpapakalat umano ng maling impormasyon tungkol sa petisyon ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa sa Korte Suprema. Ito ay matapos iulat na apat na vloggers na gumagamit ng Facebook accounts na KaChizmaze, Booc TVs, Cris Lademora at Lenny Quirz/Linie Quirong ang nagpakalat ng impormasyon na umano’y naglabas ng temporary restraining order (TRO) ang Supreme Court upang pigilan ang warrant of arrest laban kay Dela Rosa. Ayon…
Read MoreMAY SASABIT SA GUN FIRING INCIDENT SA SENADO AT PAGTAKAS NI SEN. BATO
INIHAYAG ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) na may mga kasong inihahanda kaugnay ng insidente ng pamamaril sa Senado at sa umano’y pag-alis o “escape” ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa mula sa Senado. Ayon kay CIDG chief Maj. Gen. Robert Morico II, magkaugnay ang dalawang insidente — ang pamamaril sa loob ng Senado at ang pag-alis ni Dela Rosa ilang oras matapos ito — ngunit nilinaw niyang hiwalay pa ring iniimbestigahan ang mga kaso at wala pang pinal na konklusyon. Kaugnay nito, may ilang personalidad umano…
Read MoreCITIZENS’ ROLE SA VP TRIAL, IKINALUGOD NG PROSECUTION TEAM
MAINIT na tinanggap ni House trial spokesperson at Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong ang paglulunsad ng “Bantay Senado,” isang citizens’ watchdog na magbabantay sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte upang matiyak na magiging transparent, patas at may pananagutan ang proseso. Ayon kay Alonto Adiong, ang pagbuo ng naturang citizens’ watchdog bago pa man magsimula ang paglilitis sa Senado ay nagpapakita ng lumalaking interes ng publiko sa kaso. “We welcome this initiative because citizens have an important role to play in ensuring transparency and accountability throughout the…
Read More