NAGPAHAYAG ng pagdududa ang grupong Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) sa ipinatutupad na pagbabawal ng Land Transportation Office (LTO) sa pagdaan ng mga e-trike at e-bike sa ilang lansangan, at kinuwestiyon kung ang hakbang ay para nga ba sa kaligtasan o may kaakibat na interes pang-ekonomiya. Ayon sa LTO, ang mahigpit na panghuhuli at pag-impound ng mga e-trike at e-bike sa mga piling kalsada ay para sa road safety considerations at hindi para sa business o revenue purposes. Ipinaliwanag ng ahensya na may malaking diperensiya sa bilis ng…
Read MoreAuthor: admin 3
P7.1-M PARTY DRUGS NASABAT NG BOC-PDEA AT PNP
NASA 4,124 party drugs tablets ang nasabat sa isinagawang joint anti-illegal drugs interdiction operation sa cargo facility sa Clark Freeport sa Pampanga noong Sabado. Ayon sa ulat na ibinahagi ng tanggapan ni Bureau of Customs Commissioner Ariel Nepomuceno, tinatayang aabot sa P7.1 milyong halaga ng ecstasy tablets ang nasamsam sa isinagawang joint interdiction operation. Ayon sa report, dalawang kahina-hinalang inbound parcels na naglalaman ng libo-libong party drugs, ang nasabat sa routine inspection nang markahan ito ng Bureau of Customs (BOC) personnel at isailalim sa X-ray screening, kung saan may nakitang…
Read MoreBIGTIME DRUG PUSHER NASAKOTE NG PDEA
MAHIGIT P1.36 milyong halaga ng ilegal na droga ang nahuli sa isang pinaniniwalaang bigtime drug pusher sa ikinasang anti-narcotics operation ng Philippine Drug Enforcement Agency sa bayan ng Guinobatan, lalawigan ng Albay. Ayon sa ulat na ipinarating sa tanggapan ni PDEA Director General Undersecretary Isagani Nerez, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga tauhan mula sa PDEA Regional Office 5 (PDEA RO5), sa pangunguna ng Regional Special Enforcement Team (RSET), sa tulong ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno. Nagresulta ito sa pagkakaaresto sa isang drug personality at pagkumpiska ng hinihinalang ilegal…
Read MoreFLIGHT BAN MALAPIT SA BULKANG MAYON PINALAWIG NG CAAP
PINALAWIG pa ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) kahapon ang pagbabawal sa paglipad ng mga sasakyang panghimpapawid malapit sa Bulkang Mayon dahil sa patuloy nitong volcanic activity. Sa inilabas na Notice to Airmen (NOTAM), pansamantalang ipinagbawal ng CAAP ang lahat ng flight operations malapit sa Mayon mula 11,000 feet above ground level hanggang alas-9:00 ng umaga ngayong Lunes, Enero 5. “Flight operators are advised to avoid flying close to Mayon Volcano, which remains under Alert Level 2,” ayon sa NOTAM. Binigyang-diin din ng CAAP na delikado ang paglipad…
Read MoreE-TRIKE BAN SUPORTADO NI MAYOR NIETO
RIZAL – Suportado ni Cainta Mayor Kit Nieto ang kampanya ng Land Transportation Office (LTO) na ipagbawal ang pagdaan ng mga e-trike, e-bike at ilan pang light electric vehicles (LEV) sa pangunahing mga lansangan na sakop ng nasabing bayan. Kasabay nito, sinabi ng alkalde na magsasagawa ang lokal na pamahalaan ng mahigpit na monitoring upang masukat ang epekto ng implementasyon. Ang resulta nito ay gagawan ng balanseng ulat na isusumite bilang batayan ng mga isyu at rekomendasyon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at LTO. Sa isang press conference kasama…
Read MoreBAGONG TV SA SIMBAHAN, BINITBIT NG 3 AKYAT-BAHAY
CAVITE – Swak sa kulungan ang tatlong hinihinalang akyat-bahay makaraang bitbitin ang isang bagong 43-inches na television na ginagamit sa isang simbahan sa bayan ng Tanza sa lalawigan noong Sabado ng gabi. Hawak na ng pulisya ang mga suspek na sina alyas “Badong”, binata, isang out of school youth, ng Brgy. Julugan 8, “Mark”, 25, tricycle driver, ng Brgy. Amaya, at “Marco”, 22, ng Brgy. Daang Amaya, pawang ng Tanza, Cavite, dahil sa reklamo ni alyas “Rosette”, 32, board leader ng Christian World Ministries Tanza Chapter. Ayon sa ulat, bandang…
Read MoreTRADER BINARIL SA AWAYAN SA LUPA
CAVITE – Sugatan ang isang negosyante makaraang barilin ng kaanak dahil sa awayan sa lupa sa bayan ng Silang sa lalawigan noong Biyernes ng gabi. Unang isinugod sa Saint Mazenod Hospital saka inilipat sa Gen. Emilio Aguinaldo Hospital ang biktimang si alyas “Roy”, isang negosyante, ng Brgy. Ipil 2, Silang, Cavite, dahil sa tama ng bala sa katawan. Kinilala naman ang suspek na si alyas “Aljon”, 33, ng Brgy. Ipil 2, Silang, Cavite. Ayon sa ulat, naninigarilyo ang biktima sa harapan ng isang sari-sari store sa Brgy. Ipil 1 bandang…
Read MoreNEGOSYANTE NAPUTUKAN SA YAGBOLS NG SARILING BARIL
BATANGAS – Matinding kamalasan ang sinapit ng isang negosyante nang maputukan ng sariling baril ang kanyang ari habang nakikipag-inuman sa mga kaibigan sa Brgy. Lucsuhin, sa bayan ng Calatagan sa lalawigan noong Sabado. Ayon sa Calatagan Municipal Police Station, bandang alas-8:30 ng gabi nang mangyari ang insidente sa bahay ng biktima. Batay sa salaysay ng 54-anyos na biktimang kinilalang si “Emil”, nakasukbit sa kanyang baywang ang isang converted improvised caliber .22 handgun nang ito ay biglang pumutok at tinamaan siya sa kanyang ari. Isinugod ang biktima sa Calatagan Medicare Center…
Read MoreVAT GAWING 10% NA LANG – ERWIN TULFO
MANILA, Philippines — Dahil nananatiling pangunahing suliranin ng mga Pilipino ang inflation o pagtaas ng presyo ng mga bilihin, inihain ni Senador Erwin Tulfo ang Senate Bill No. 1552 na naglalayong ibaba ang Value-added Tax (VAT) mula 12% patungong 10%. Ayon kay Tulfo, ang pagbabawas ng VAT ay “agarang magpapataas sa kakayahan ng mga Pilipino na bumili ng mga produkto sa merkado,” na sa huli ay magpapalakas sa Gross Domestic Product (GDP) ng bansa. “Tayo ang isa sa may pinakamataas na VAT sa buong Southeast Asia at mabigat na pasanin…
Read More