ISINUSULONG ni Senate President Vicente Sotto III ang panukala upang ire-organize ang Department of Public Works and Highways (DPWH). Inihain ni Sotto ang Senate Bill No. 1835 o An Act Reorganizing the DPWH and Rationalizing the Powers and Functions of the Central, Regional, and District Offices. Layon nitong palakasin ang transparency, efficiency, at accountability sa public infrastructure governance. Ipinaliwanag ni Sotto na mahalaga ang public infrastructure sa nation-building dahil nakapagbibigay ito ng employment at nasosolusyunan ang mga pangangailangan tulad ng ligtas na kalsada, mga tulay, flood control systems at iba…
Read MoreAuthor: admin 3
ISKO: FORTRESS TO FOREST PARK
PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA PINANGUNAHAN ni Manila City Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso noong Martes, Pebrero 24, ang groundbreaking ceremony para sa Binondominium 2 sa San Nicolas, na siyang ikaanim na vertical housing project ng lungsod sa ilalim ng kanyang pamumuno, nangakong tuloy-tuloy ang pabahay para sa maralitang taga-Maynila. Itatayo ang bagong gusali sa 405-square-meter na lote na may kabuuang floor area na 6,277.5 metro kuwadrado. Magkakaroon ito ng 98 residential units na may sukat na tig-40 metro kuwadrado bawat isa. Bawat unit ay may dalawang silid-tulugan, palikuran…
Read MoreILANG PAGLILINIS PA KAILANGAN PARA LUMINIS ANG PNP?
CLICKBAIT ni JO BARLIZO PAULIT-ULIT na lang ang pangako ng Philippine National Police (PNP) sa tuwing magpapalit ito ng liderato na magkakaroon ng paglilinis sa kanilang hanay. Pero mukhang puro salita lang, hanggang press release ika nga. ‘Yung babala sa tiwali o bugok sa kanilang hanay tila pagkatapos ng camera flashes, nagkalimutan na. Hanggang ngayon, marami pa ring pulis ang nasasangkot sa karumal-dumal na krimen. May sangkot sa rape, pagpatay, kidnapping, pagnanakaw, extortion, etc. Taliwas sa kanilang motto na “to serve and protect,” ang naririnig ng taumbayan. Sa halip na…
Read MoreALEGASYON NG 18 EX-MARINES MAY MATINDING IMPLIKASYON
LINAWIN NATIN ni ARDEE DELLOMAS MAY matinding implikasyon sa bansa ang alegasyon ng 18 ex-marines laban sa kasalukuyang gobyerno, lalo na kung ito ay totoo. Kung mapatutunayan, ito ay magpapahiwatig ng malawakang korupsyon at pag-abuso sa kapangyarihan sa loob ng gobyerno. Magugunitang inihayag ng nasabing mga dating miyembro ng Philippines Marines na naghatid sila ng male-maletang pera kina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. at dating House Speaker Martin Romualdez, at iba pang mga opisyal ng gobyerno, na kickback umano mula sa maanomalyang flood control projects. Umabot umano ang nasabing halaga…
Read MoreProvincial rate ibasura na PANTAY NA SAHOD SA PANTAY NA TRABAHO SA BUONG BANSA
Kasama ni PolPHIL Gen. Sec. Ric Serrano si dating AFP Brigadier General at PolPHIL chairman emeritus Danilo Lim. Sa ibabang larawan si Elmer Argano, PolPHIL National President. NAGPAHAYAG ang People’s Progressive Humanist Liberal Party (POLPHIL) ng walang pasubaling suporta sa mga panukalang batas na mag-aalis sa provincial wage rate system, magwawakas sa Regional Wage Boards, at magtatatag ng iisang pambansang sahod para sa lahat ng manggagawang Pilipino. Pinapurihan ni POLPHIL Secretary General Ric Serrano si Kamanggagawa Rep. Eli San Fernando sa pangunguna sa makasaysayang hakbang tungo sa hustisyang pangsahod, katuwang…
Read MoreMakalipas ang siyam na taon MARAWI SIEGE: 300 PA RIN ANG MISSING — ICRC
SIYAM na taon matapos ang 2017 Marawi siege, nasa 300 katao pa rin ang hindi natatagpuan, ayon sa International Committee of the Red Cross (ICRC). Patuloy umanong hinahanap ng kanilang mga pamilya ang mga nawawala na pinaniniwalaang nasawi sa armadong hidwaan sa Marawi. Nitong nakaraang taon, naglabas ng fatwa ang BARMM Darul Ifta na nagpapahintulot sa paghukay ng mga labi sa Maqbara cemetery kasunod ng konsultasyon sa mga ulama. Ayon kay Aleem Ansary Abdulmalik, chairman ng Ulama Council ng Lanao del Sur, layunin ng paghuhukay na makilala ang mga labi…
Read More18K ESTUDYANTENG BULAKENYO TUMANGGAP NG EDUCATIONAL AID
AABOT sa 18,000 estudyante sa Bulacan ang regular na tumatanggap ng educational assistance sa ilalim ng “Tulong Pang-Edukasyon para sa Bulakenyo” scholarship program ng Pamahalaang Panlalawigan. Pinangunahan ni Gov. Daniel Fernando kasama si Vice Gov. Alexis Castro ang Scholarship Grant Payment para sa 1,900 benepisyaryo sa ginanap na general assembly sa Bulacan Capitol Gymnasium. Muling humarap sa publiko si Fernando, at pinasinungalingan ang kumalat sa social media na umano’y nagtatago siya dahil sa insidente ng pananakit kaugnay ng sinasabing road rage. Ang tulong ay P3,000 para sa mga naka-enroll sa…
Read MoreHALOS P4.8-M NATANGAY SA PAMILYANG NILOOBAN, GINAPOS NG 6 ARMADO
TINUTUGIS ng pulisya ang anim na lalaki na sakay ng Toyota Fortuner matapos pasukin at looban ang isang bahay sa subdivision sa Imus kamakalawa ng madaling araw. Ayon sa biktimang si alyas “Marie,” 38, real estate sales officer at residente ng Legian 1 Subdivision, Brgy. Carsadang Bago, dakong alas-3:10 ng umaga nang sirain ng mga suspek ang padlock ng gate at pasukin ang kanilang bahay. Iginapos umano ang biktima, ang kanyang asawa at anak gamit ang tali at tinakpan ng adhesive tape ang kanilang mga bibig bago tinangay ang tinatayang…
Read MoreMAG-AMA BINARIL NG EX-KAGAWAD; 6-ANYOS PATAY
PATAY ang isang 6-anyos na bata matapos pagbabarilin ng dating barangay kagawad ang mag-ama sa Silang kamakalawa ng gabi. Isinugod pa sa Tagaytay Medical Center ang mag-amang sina alyas “Sab,” 35, caretaker, at anak nitong si alyas “Ruel,” 6, kapwa residente ng Brgy. Pasong Lanka, ngunit binawian ng buhay ang bata dahil sa tama ng bala sa ulo. Tinutugis ngayon ang suspek na si alyas “Elpedio,” 68, residente ng Brgy. Ulat at dating barangay kagawad sa ibang barangay. Sa ulat ng Silang Municipal Police Station, dakong alas-8:00 ng gabi nang…
Read More