TULAD NI DU30: BATO, GO POSIBLENG ISUNOD SA ICC

MAKIKIPAGTULUNGAN ang pamahalaan sa International Criminal Police Organization (INTERPOL) sakaling maglabas ng arrest warrant ang International Criminal Court (ICC) laban sa mga tinukoy na “co-perpetrators” ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa war on drugs. Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, maaaring sundan ang naging mekanismo sa pag-aresto sa dating pangulo kung hihiling muli ng tulong ang ICC sa Interpol. Kabilang sa pinangalanan ng ICC sina Sen. Ronald dela Rosa, Sen. Bong Go, at dating Justice Secretary Vitaliano Aguirre II, kasama ang iba pang matataas na opisyal ng PNP. Iginiit…

Read More

SUHULAN TALAMAK SA PILIPINAS – SURVEY

NANGUNGUNA ang panunuhol bilang pinakatalamak na uri ng korupsyon sa bansa. Batay sa pinakahuling survey ng OCTA Research, 73% o pito sa bawat sampung Pilipino ang tumukoy sa bribery bilang pangunahing problema. Sumunod ang iregularidad sa paggastos ng pondo (66%), vote buying (62%), at mabagal na pag-usad ng hustisya (54%). Ayon sa OCTA, laganap ang mga naturang uri ng korupsyon sa lahat ng socio economic groups sa buong bansa , indikasyon na ramdam ito sa pang-araw-araw na pamumuhay. Binigyang-diin din ng survey ang pangangailangan ng mas maigting na transparency at…

Read More

Isantabi muna pulitika – Bam KRISIS SA EDUKASYON, TRABAHO, KORUPSYON AKSYUNAN NA

IGINIIT ni Senador Bam Aquino na dapat isantabi muna ang pulitika habang patuloy na hinaharap ng mga Pilipino ang mabibigat na suliranin tulad ng krisis sa edukasyon, kawalan ng trabaho, at katiwalian. Ginawa ng senador ang pahayag bilang reaksyon sa impormasyon na posible siyang sumabak sa 2028 Presidential elections. Sinabi ni Aquino na nakahihiyang mamulitika habang patuloy na dumaranas ng mabibigat na hamon ang sambayanang Pilipino. Naniniwala si Aquino na may tamang panahon para pag-usapan ang 2028, ngunit iginiit niya na dapat unahin ng mga lider na resolbahin ang mga…

Read More

Sa kabila ng iringan sa karagatan DIRECT FUJIAN–CEBU FLIGHTS BINUKSAN

WINELCOME ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagbubukas ng direct flights sa pagitan ng Fujian, China at Cebu. Sa paglulunsad ng Chinatown Revitalization Phase II sa Maynila, pinasalamatan ng Pangulo si Jing Quan sa pag-anunsyo ng bagong ruta. “I thank you very much for the good news that you have brought about the flights going to Cebu,” ayon sa Pangulo. “And I hope that it will be the beginning of more interactions and people-to-people exchange between China and the Philippines,” aniya pa rin. Inaprubahan ng China ang direct flights mula…

Read More

HIGIT 24 PINOY SEAFARERS SA MGA BARKO NG RUSSIA, NANGANGANIB MAIPIT SA GIYERA KONTRA UKRAINE — ERWIN TULFO

MAKIKIPAGPULONG ngayong linggo si Senate Committee on Foreign Relations Chairman Erwin Tulfo sa mga opisyal ng Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Migrant Workers (DMW) tungkol sa dapat gawin sa humigit-kumulang 24 Pinoy seafarers na nakasakay ngayon sa ilang barko ng Russia. Ayon kay Sen. Tulfo, “Gusto nating malaman kung ano ang magiging hakbang ng ating DFA at DMW para sa kaligtasan ng mga seafarers na ito.” Ang impormasyon hinggil sa bilang ng mga Pinoy seaman ay ibinahagi ni Ukraine Ambassador Yuliia Fediv kay Tulfo nang mag-courtesy call…

Read More

BULTO NG MGA PROYEKTO NG DE LEON-OWNED BELL CONSTRUCTION NASA ANTIPOLO

MULA 2017 hanggang 2026, nakuha ng construction company na nakarehistro sa pangalan ng pamilya ng professional volleyball player na si Bea de Leon ang proyektong nagkakahalaga ng P2.2 bilyon sa Antipolo City 1st District sa panahon ng panunungkulan ng tatlong miyembro ng pamilya Puno sa House of Representatives. Sa kasalukuyan, kinakatawan ni Deputy Speaker Ronnie Puno ang Distrito, na dati namang kinatawan ni Roberto Puno mula 2019 hanggang 2025 at ni Cristina Roa-Puno mula 2016 hanggang 2019. Batay sa datos mula sa Department of Public Works and Highways (DPWH) Transparency…

Read More

CAAP NAGSAGAWA NG 3-DAY BOOT CAMP PARA PALAKASIN ANG AVIATION SAFETY

SUMABAK ang mga tauhan ng Civil Aviation Authority of the Philippine sa tatlong araw na boot camp hinggil sa aviation safety sa Talisay, Batangas. Ayon sa CAAP, matagumpay nilang naidaos ang tatlong araw na intensive boot camp noong nagdaang linggo sa Talisay. Layunin ng nasabing inisyatiba na palakasin ang technical compliance ng CAAP bilang paghahanda sa nalalapit na Universal Safety Oversight Audit Programme (USOAP) ng International Civil Aviation Organization (ICAO) sa darating na Setyembre 2026. Nakapaloob sa inilatag na programa ang ilang session na pinangunahan ni Mr. Sandra M.A. Susantha…

Read More

P55.3-M SHABU NADISKUBRE SA BIBLIYA, GERMAN TIMBOG

NASA walong kilo ng umano’y shabu na itinago sa Holy Bible, ang nasabat ng mga operatiba ng Bureau of Customs (BOC) katuwang Philippine Drug Enforcement Agency, sa isinagawang anti-illegal drug interdiction operation na nagresulta sa pagkakadakip sa isang German national sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 noong Sabado. Ayon sa impormasyong ibinahagi ng tanggapan ni BOC Commissioner Ariel Nepomuceno, dumating ang German national sa NAIA mula sa kanyang connecting flight mula sa Addis Ababa, South Africa. Subalit napuna ng matatalas na custom officials sa bagahe nito nang dumaan sa…

Read More

Talamak pa rin smuggling INTEL FUND NG BOC KINUWESTYON

PATULOY pa ring kinukwestyon sa Kongreso kung paano ginagamit ng Bureau of Customs ang kanilang intelligence fund sa gitna ng malawakang pagpupuslit ng sigarilyo sa bansa. Ito ay makaraang kumpirmahin ng BOC ang pagkakaroon nila ng Intelligence fund subalit hindi naman naipaliliwanag kung paano ito ginagamit. Lumutang ang usapin hinggil sa intel fund ng BOC matapos lumitaw sa pag-aaral ng tobacco company na JTI Philippines, na walo sa bawat sampung sigarilyo na ibinebenta sa Mindanao ay smuggled cigarettes. Tanging ang BOC lamang umano ang hindi nakakaalam na sa parteng Mindanao…

Read More