NAGSAMA-SAMA ang limang House Speakers upang magbigay-tribute sa yumaong si Jose de Venecia Jr., pinakamahabang nagsilbi bilang lider ng House of Representatives of the Philippines. Pinangunahan ni House Speaker Faustino Dy ang pagkilala. “We gather as one House to honor the life of Speaker De Venecia that shaped this institution and influenced the course of our democracy,” ani Dy. Kabilang sa nagbigay ng eulogy sina dating Speakers Gloria Macapagal Arroyo, Manuel Villar Jr., Feliciano Belmonte Jr. at Martin Romualdez. Tinawag ni Arroyo si De Venecia na isang “statesman” na may…
Read MoreAuthor: admin 3
‘CHINESE SPY’ ARESTADO SA BI
BUNSOD ng umano’y paniniktik at banta sa pambansang seguridad, inaresto ang isang hinihinalang Chinese spy na Mongolian national sa Iba, Zambales. Sa pakikipag-ugnayan ng mga operatiba ng Bureau of Immigration Intelligence Division–Special Response Team sa Armed Forces of the Philippines, kabilang ang 69th Infantry Battalion at 7th Infantry Division, isinagawa ang operasyon noong Pebrero 12 sa isang aviation school sa Barangay Lipa Dingin. Kinilala ang naaresto na si Boldbaatar Bold-Erdene, 30-anyos, graduating pilot student ng nasabing akademya. Siya ay itinuturing ng Immigration Bureau bilang undesirable alien dahil sa umano’y paglabag…
Read MoreSUNDALO PATAY SA ENGKWENTRO
PATAY ang isang sundalo habang sugatan ang isa pa sa sunud-sunod na engkwentro laban sa mga hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Barangay Santo Niño, Tanjay City kamakalawa. Tinukoy ni Brig. Gen. Jason Jumawan, commander ng 302nd Infantry Brigade ng Philippine Army, na ang nasawi ay isang corporal mula sa 11th Infantry Battalion na nakabase sa Tapaz, Capiz. Ayon kay Jumawan, nagsasagawa ng combat patrol operation ang mga sundalo matapos makatanggap ng sumbong mula sa mga residente hinggil sa presensya ng armadong grupo na umano’y nang-aabuso at nagsasagawa…
Read More423K BAHAY NAITAYO SA ILALIM NG 4PH — MARCOS
INIULAT ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mahigit 423,000 housing units ang naitayo o napondohan mula Hulyo 2022 hanggang Enero 2026 sa ilalim ng Expanded Pambansang Pabahay Para sa Pilipino (4PH) Program. “Mula Hulyo 2022 hanggang Enero 2026, tayo ay nakagawa at nakapag-finance ng higit 423,000 housing unit,” pahayag ng Pangulo sa okasyon sa Taytay. Ayon sa Pangulo, pinabilis ang konstruksyon at pinagaan ang proseso sa pamamagitan ng pagpapababa ng interest rates sa housing loans upang mas maraming miyembro ng Pag-IBIG Fund ang makinabang. Binigyang-diin din ang paggamit ng makabagong…
Read MorePANLOLOOB SA PAWNSHOP NAPURNADA SA ALARMA
CAVITE – Pinaghahanap ng mga pulis ang isang lalaki na pumasok sa isang pawnshop sa bayan ng Silang sa lalawigan, subalit napurnadang tumangay ng kahit anomang bagay makaraang tumunog ang alarm nito noong Sabado ng gabi. Ayon sa ulat, bandang alas-9:35 ng gabi, pinasok ng ‘di nakilalang suspek ang Villarica Pawnshop sa AFP Housing sa Brgy. Bulihan, Silang, Cavite sa pamamagitan ng pagsira sa bubong nito gamit ang steel bar. Ngunit nang makapasok ay biglang tumunog ang alarm na nakaagaw ng atensiyon sa bystanders na humingi ng tulong sa mga…
Read MoreSENIOR CITIZEN TIMBOG SA 4 RAPE CASES
ARESTADO ng mga operatiba ng Manila Police District-District Police Intelligence and Operations Unit (DPIOU), na pinamumunuan ni PMaj. Kevin Rey Bautista, ang isang 62-anyos na lalaking “wanted” sa kasong statutory rape at three counts of rape. Ani Bautista, isinagawa ang Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO) sa pamamagitan ng intelligence-driven police operation na nagresulta sa pagkakadakip sa akusadong taga-Zapanta Street, Malate, Manila. Kinilala lamang sa alyas na “Jun,” siya ay naaresto sa Sitio Greenfield’s, Brgy. San Vicente, Municipality of Macalelon, Quezon Province, dakong alas-2:30 ng hapon noong Pebrero 12, 2026,…
Read MoreP100-B HALAGA NG DROGA NAKUMPISKA SA 3 TAON — PNP
IPINAGMALAKI ng Philippine National Police (PNP) na umabot sa P100 bilyon ang halaga ng ilegal na droga na nakumpiska sa loob ng tatlong taon. Ayon kay PNP Chief Jose Melencio Nartatez, resulta ito ng tuluy-tuloy at intelligence-driven operations laban sa mga sindikato ng droga. Alinsunod aniya ito sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ipatupad ang mga operasyon na may paggalang sa karapatang pantao at sa tuntunin ng batas. Una nang sinabi ni Interior Secretary Jonvic Remulla na tinatayang P99.5 bilyon ang nakumpiskang droga sa nakalipas na tatlong taon…
Read MoreIpatutupad ngayong Martes IKA-8 DAGDAG-PRESYO SA DIESEL, IKA-6 SA GASOLINA
MULING haharap ang mga motorista sa panibagong oil price hike ngayong Martes. Sa magkakahiwalay na abiso ng Shell, Clean Fuel, Petro Gazz, Uni Oil, Sea Oil at PTT, epektibo alas-6 ng umaga, magtataas ng presyo ng: Gasolina – P1.20 kada litro Diesel – P0.60 kada litro Kerosene – P0.60 kada litro Ayon sa Oil Industry Management Bureau ng Department of Energy, ito na ang ika-walong sunod na pagtaas sa diesel at kerosene at ika-anim naman sa gasolina. Nauna nang nagbabala ang DOE na posibleng may panibagong price adjustment dahil sa…
Read MorePAPEL NG MERALCO SA ELECTRIFICATION PINURI NI MARCOS
KINILALA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mahalagang papel ng Manila Electric Company (Meralco) sa pagsusulong ng renewable energy projects gaya ng Terra Solar Project at sa pagpapalawak ng electrification sa mga komunidad. Sa briefing sa Malacañang, sinabi ni Palace Press Officer Claire Castro na para sa Pangulo, hindi dapat mapag-iwanan sa dilim ang bawat pamilyang Pilipino. Kamakailan, sa Collective Response to Presidential Commitments in the Energy Sector, binigyang-diin ng Pangulo ang pagpapalawak ng koneksiyon, pagpapalakas ng kapasidad, at pagpapababa ng presyo ng kuryente lalo na para sa mga nasa…
Read More