PH ALIPIN NG ISIPANG KOLONYAL

PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA BAKIT mas gusto ng Pinoy ang ‘branded o stateside products’ kaysa gawang atin? Bunga ng kaisipang kolonyal, maraming produkto natin ang pinatay ng importasyon na mas mura kaysa gawang atin. Pinatay ng stateside products at ng importasyon ang matitibay na mga sapatos sa Marikina; hinagod sa hirap ang magsasaka na mura ang bili ng palay, mura ang bili ng traders sa mga alagaing manok, baboy at iba pang negosyong atin. Kahit ano’ng yabang at pagmamalaki ng operasyon laban sa ismagling, umaapaw ang mga tindahan…

Read More

HATOL KAY ALICE GUO BABALA SA LAHAT NG SINDIKATO

UMAASA ang mga mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na magsilbing aral sa lahat ng sindikato, lokal man o dayuhan, ang habambuhay na pagkakakulong kay dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo. Kahapon, hinatulan ng Pasig Regional Trial Court Branch 167 si Guo at pito pang iba sa kasong human trafficking na kaugnay ng operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa Bamban, Tarlac. Bukod sa reclusion perpetua, pinagbabayad din sina Guo at tatlo pang akusado ng tig-P2 million multa at kinumpiska ang buong Baofu compound na ginamit sa POGO operations.…

Read More

PAGHAHANAP SA MGA LABI NG MISSING SABUNGEROS SA TAAL LAKE PATULOY – DOJ

KINUMPIRMA ng Department of Justice (DOJ) na patuloy ang pagsisid at paghahanap ng mga labi ng missing sabungeros sa Taal Lake, Batangas. Apat na buwan mula nang simulan ang operasyon, iniulat ng DOJ na 57 bagong buto ng tao ang nadiskubre sa lawa. Ayon kay DOJ Spokesperson Atty. Polo Martinez, hanggang Martes, November 18, may panibagong kalansay na narekober, kasama na rin ang mga damit, underwear, at bahagi ng sako. Bukod sa operasyon ngayong linggo, may iba pang narekober ang mga tauhan ng PNP-CIDG sa mga hiwalay na araw. Sinabi…

Read More

Sa usapin ng klima, katarungan, transparency BAGSAK NA GRADO IBINIGAY NG CSOs SA ADB

BAGSAK na grado ang ibinigay ng Civil Society Organizations sa Asian Development Bank (ADB) sa isinagawa nitong 2025 Policy Review, kasabay ng paggunita sa ika-sampung taon mula nang lagdaan ang Paris Climate Agreement. Nabatid sa ginanap na press conference nitong Huwebes, Nobyembre 20, 2025, naglabas ng scorecard ang NGO Forum at ang mga kaalyado nitong CSOs. Sinabi ng Forum na “bagsak” ang ADB sa climate leadership, pagprotekta sa karapatang pantao, at pagbibigay makabuluhang partisipasyon sa publiko. Sinabi ni Marjorie Pamintuan ng Recourse, ikinalulungkot din nito na sa usapin ng ADB…

Read More

ALLOWANCES NG MGA PISKAL AT HUKOM INILABAS NA

MAHIGIT P22.3 milyon na allowances para sa mga piskal at hukom na nakatalaga sa Maynila, ang inilabas ng pamahalaang Lungsod ng Maynila, inanunsyo ni Manila Mayor Isko Moreno-Domagoso. Kasunod ito ng pagpapalabas naman ng P317 milyong year-end benefits para sa mga empleyado ng City Hall. Ginawa ng alkalde ang anunsyo matapos ang kanyang pulong noong Miyerkoles, Nobyembre 19, kasama ang mga opisyal ng Office of the City Prosecutors at mga kinatawan ng trial courts ng Maynila. Dumalo sa pagpupulong sina Senior Assistant City Prosecutor Jolas Brutas, Assistant City Prosecutor Jasyrr…

Read More

‘GOV’T EMPLOYEE’ NAMBUDOL SA INUMAN, TIMBOG

CAVITE – Inaresto ang isang nagpakilalang empleyado sa gobyerno na tumangging magbayad matapos uminom at nanutok ng baril sa bayan ng Silang sa lalawigan nitong Huwebes ng madaling araw. Nakapiit na sa Silang Municipal Police Station ang suspek na si alyas “Michael”, 35, isang personal bodyguard, ng Barangay Gregoria De Jesus, GMA, Cavite. Ayon sa reklamo ni alyas “Archie”, 30, doorman ng Highway Star Bar sa Brgy. Banaba, Silang, Cavite, pumasok ang suspek at nag-order ng isang bucket ng beer, pero nang natapos uminom bandang alas-12:45 ng madaling araw at…

Read More

PDEG BUKAS SA IMBESTIGASYON SA 3 NAPATAY SA BUY-BUST

BUKAS sa imbestigasyon ang Police Drug Enforcement Group (PDEG) sa kanilang isinagawang buy-bust operation sa Cubao, Quezon City na nagresulta sa pagkamatay ng tatlong drug suspects. Nanindigan si PDEG Director BGen. Elmer Ragay na lehitimo ang isinagawa nilang buy-bust operation kahit pa nauwi ito sa madugong engkwentro na ikinamatay ng tatlong umano’y drug suspects. Aniya, bukas sila sa anomang imbestigasyon, lalo na sa motu proprio inquiry ng Internal Affairs Service upang suriin ang legalidad at proseso ng operasyon. Sinabi ni Ragay, mula pa noong buwan ng Agosto ay minamanmanan na…

Read More

AUCTION SA 7 LUXURY CARS NG DISCAYAS SINIMULAN NA

SINIMULAN na ang kauna-unahang public auction sa nakumpiskang luxury vehicles ng mga contractor na mag-asawang sina Curlee at Sara Discaya sa tanggapan ng Bureau of Customs sa Port Area, Maynila nitong Huwebes ng umaga. Ayon kay Customs Commissioners Ariel Nepomuceno, pito mula sa 13 luxury cars ang kanilang isusubasta. Aabot aniya sa kabuuang mahigit P100 milyon ang halaga ng pitong magagarang sasakyan na natuklasang walang kaukulang mga dokumento. Kabilang sa isinubasta ang Rolls-Royce Cullinan, 2023 edition na nagkakahalaga ng P45,314,391.11. Kasama rin ang Toyota Tundra (2022) na halagang P4,994,078.00; Toyota…

Read More

PAGBAWI SA PERANG NINAKAW SA FC SCAM PINABIBILISAN

PINABIBILISAN na ng pamahalaan ang pagbawi sa perang ninakaw sa taumbayan ng mga sangkot sa maanomalyang flood control projects, ayon kay DPWH Secretary Vince Dizon. Sa isinagawang public auction sa luxury cars ng mag-asawang contractor na sina Curlee at Sara Discaya sa Bureau of Customs (BOC) nitong Huwebes, Nobyembre 20, sinabi ni Dizon na hindi titigil ang pamahalaan para agarang maibalik ang pera ng taumbayan. Bukod dito, sinisiguro rin na makukulong ang mga dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH), contractors at iba pang indibidwal na sangkot…

Read More