(JESSE RUIZ) DALAWA ang kumpirmadong patay at dalawa rin ang sugatan sa pananalasa ng Super Typhoon Uwan (international name: Fung-wong), ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), Lunes ng umaga. Sa isang Zoom meeting, sinabi ni Office of Civil Defense Director Raffy Alejandro na isa sa mga nasawi ay nalunod sa Bato, Catanduanes, habang isa naman ang nasawi sa Catbalogan City, Samar matapos bumagsak ang isang wooden bridge. Patuloy namang bina-validate ng Department of the Interior and Local Government (DILG) Management of the Dead and…
Read MoreAuthor: admin 3
PI SA ‘BGC BOYS’ NG DPWH INIURONG
IPINAGPALIBAN ng Department of Justice (DOJ) ang nakatakdang preliminary investigation (PI) laban sa tatlong tinaguriang “BGC Boys” na sangkot sa limang reklamo kaugnay ng maanomalyang flood control projects sa Bulacan, dahil sa masamang panahon na dulot ng Bagyong Uwan. Ayon kay DOJ Spokesman Atty. Polo Martinez, ipinagpaliban ang pagdinig kasunod ng suspensyon ng pasok sa government offices na idineklara ng Malacañang sa pamamagitan ng isang executive order. Itinakda na ang pagpapatuloy ng PI sa Biyernes, Nobyembre 14, na siyang kauna-unahang pagdinig ng DOJ upang alamin kung may sapat na batayan…
Read MoreSOLON KAY BATO: PANINDIGAN TAPANG MO
HINAMON ni Akbayan party-list Rep. Perci Cendaña si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa na tuparin ang kanyang pangako na haharapin ang mga kasong inihain laban sa kanya kaugnay ng “war on drugs”. “Dapat harapin ni Senator Bato itong kanyang mga kaso. Dapat niyang panindigan yung tapang niya dati na sinasabing haharapin niya ito,” ani Cendaña. Ginawa ng mambabatas ang pahayag matapos kumalat ang ulat na posibleng dumulog sa korte ang kampo ni Dela Rosa upang pigilan ang arrest warrant na umano’y inilabas ng International Criminal Court (ICC) laban sa kanya.…
Read MoreNARTATEZ PINANGASIWAAN OPERASYON NG PNP SA BAGYONG UWAN
MATAPOS ang pagdaan ng Bagyong Uwan, personal na binisita ni Acting Chief PNP Lt. Gen. Jose Melencio C. Nartatez Jr. ang PNP Command Center (PCC) ngayong Lunes ng umaga upang pangunahan ang pagsubaybay sa mga operasyon ng pulisya at pagtugon sa mga naapektuhang lugar. Kasama si Police Colonel Ramon Pranada, hepe ng PCC, sinuri ni Lt. Gen. Nartatez ang mga ulat mula sa iba’t ibang rehiyon at yunit ng pulis na nakatalaga sa apektadong komunidad. Ipinakita ng pagbisita ang dedikasyon ng pamunuan ng PNP sa maayos na relief, rehabilitasyon, at…
Read More3 BAHAY SA BASECO NA-WASHOUT; HIGIT 30 SA ISLA PUTING BATO NASIRA SA ST UWAN
NA-WASHOUT ang tatlong bahay sa Baseco Compound sa Tondo, Manila habang mahigit 30 bahay ang nasira sa Isla Puting Bato dahil sa paghagupit ng Bagyong Uwan, ayon sa kumpirmasyon ni Manila Mayor Isko Moreno-Domagoso. Ayon sa alkalde, tinangay ng malakas na agos ng tubig at malakas na hampas ng hangin ang tatlong bahay sa Baseco. Bukod dito, sinabayan din ng high tide ang pananalasa ng bagyo nitong Sabado. Samantala, mahigit 30 istruktura na yari sa kawayan ang napinsala sa Isla Puting Bato. Wala naman naiulat na nasaktan sa nasabing insidente…
Read MoreAPEKTADO NA EKONOMIYA SA TALAMAK NA KATIWALIAN
CLICKBAIT ni JO BARLIZO BUMAGAL ang takbo ng ekonomiya ng bansa sa 4% nitong third quarter ng taon. Ito ang pinakamababang lebel sa loob ng higit isang dekada kung hindi isasama ang panahon ng pandemya. Ayan, isa raw sa dahilan ang korupsyon sa flood control projects at ang epekto ng mga kalamidad. Naku, hindi pa mawawala ang isyu ng eskandalo ng korupsyon kaya malabong makamit pa ang paglago ng ekonomiya sa 5.5 hanggang 6.5 porsyento ngayong taon. Dahil lugmok ang ibang nasalanta ng mga kalamidad ay rerendahan din nila ang…
Read MoreTULONG NA WALANG PATID AT SERBISYONG ABOT-KAMAY MULA SA PCSO
TARGET ni KA REX CAYANONG ISANG malinaw na patunay ng tunay na malasakit ng pamahalaan sa mga Pilipino ang pakikiisa ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa programang Lab for All sa Tanza, Cavite nitong Nobyembre 4. Sa pangunguna nina PCSO General Manager Mel Robles at Chairman Felix Reyes, kasama sina Directors Jennifer Guevara at Janet Mercado, mahigit 1,500 Charitimba ang naipamahagi. Isa itong konkretong tulong para sa mga pamilyang nangangailangan ng kaagapay sa kalusugan at pang-araw-araw na buhay. Hindi lingid sa publiko ang malaking layunin ng Lab for All,…
Read MoreOMBUDSMAN NAKURYENTE SA ARREST ORDER VS BATO
TILA nakuryente ang Ombudsman matapos linawin ng Department of Justice (DOJ) na wala pa itong natatanggap na kopya ng umano’y warrant of arrest laban kay Senator Ronald “Bato” dela Rosa mula sa International Criminal Court (ICC). Sa gitna ng mga kumakalat na ulat, sinabi ni Atty. Polo Martinez, tagapagsalita ng DOJ, na wala pa silang kumpirmasyon hinggil sa sinasabing kautusan ng ICC. “As of this hour, we are currently working to verify this information. We have also not yet seen or received a copy of said arrest warrant. We shall…
Read MorePwersahan na sa mga pasaway 1M KATAO INILIKAS SA HAGUPIT NG ST UWAN
NAGBABALA ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa mga residenteng ayaw lumikas sa high-risk areas, kasabay ng utos sa Philippine National Police (PNP) na ipatupad ang pwersahang pagpapalikas kung kinakailangan. Sa inilabas na gabay ng DILG hinggil sa Forced Evacuation and Handling of Residents Refusing to Leave High-Risk Areas, binigyang-diin ng kagawaran na may batas na nagbibigay kapangyarihan sa mga lokal na opisyal at pulis na magsagawa ng mandatory evacuation para sa kaligtasan ng publiko. Ito’y habang naghahanda ang bansa sa Super Typhoon Uwan (international name: Fung-Wong)…
Read More