SINGIL NG MERALCO, POSIBLENG BUMABA NGAYONG SETYEMBRE

Magandang balita para sa mga customer ng Meralco dahil inaasahang bababa ang singil  sa kuryente ngayong Setyembre. Ayon kay Joe R. Zaldarriaga, tagapagsalita ng Meralco, ang inaasahang tapyas sa singil ay dulot ng mas mababang generation charge—ang pinakamalaking bahagi ng kabuuang singil sa kuryente. “May nakikita kaming posibilidad na bumaba ang kabuuang singil sa kuryente na sana ay makatulong sa aming mga customer,” ani Zaldarriaga. Ang inaasahang pagbaba sa generation charge ay dahil sa paglakas ng Piso kontra dolyar, na nakaaapekto sa mga gastusin ng mga supplier ng Meralco na…

Read More

HUWAG NATING TANTANAN

DPA ni BERNARD TAGUINOD HINDI natin dapat tantanan ang isyu sa katiwalian sa flood control projects na nagpayaman, hindi lamang sa mga kontraktor kundi maging sa mga corrupt official ng Department of Public Works and Highways (DPWH). Kailangang tiyakin natin na may mananagot, may makukulong at may mababawian ng yaman na mga sangkot sa anomalyang ito at nagpakasasa sa P450 billion flood control projects, hindi lamang ngayong administrasyon kundi maging sa nakaraang administrasyon. Eto na lamang ang paraan para makamit natin ang katarungan dahil hindi tayo China, hindi tayo Singapore,…

Read More

HINDI LAHAT TRAPO

CLICKBAIT ni JO BARLIZO SA panahong ang pulitika sa Pilipinas ay mistulang walang katapusang ingay — siraan dito, intriga doon — madali nang mawalan ng pag-asa. Ngunit sa gitna ng magulong entablado, may dalawang pangalan na nangingibabaw hindi dahil sa kontrobersiya, kundi dahil sa kanilang trabaho: DBM Secretary Amenah Pangandaman at DPWH Secretary Vince Dizon. Si Pangandaman, maituturing na bagong bantay ng kaban ng bayan. Taon-taon, ang pambansang budget ay tila laruan ng mga makapangyarihan: biglaang insert, misteryosong dagdag, at kung anu-anong palusot. Para tayong nanonood ng palabas sa perya…

Read More

MAG-ASAWANG CURLEE AT SARAH DISCAYA KUMANTA NA!

PUNA ni JOEL O. AMONGO IKINANTA na ng mag-asawang Curlee at Sarah Discaya sa pagdinig ng Blue Ribbon Committee ng Senado kahapon, kung sinong mga opisyal ng Department of Public and Works and Highways (DPWH) at mga mambabatas ang nanghihingi sa kanila ng komisyon sa kanilang mga kontrata sa gobyerno. Kabilang sa mga nanghihingi umano ng 10 hanggang 25 porsyento sa kanilang mga nakuhang kontrata sa flood control projects sa iba’t ibang lugar ay sina Pasig City Cong. Roman Romulo; Cong. Jojo Ang ng USWAG Ilongo Party-list; Cong. Michael Patrick…

Read More

ENGR. ALCANTARA ET AL PASOK SA ADMINISTRATIVE CASE

AT YOUR SERVICE ni KA FRANCIS SINABI ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Sec. Vince Dizon na pasok sa kasong administratibo si DPWH Engineer Henry Alcantara sa nangyaring maanomalyang flood control projects sa Bulacan. Si Engr. Alcantara ay dating District Engineer (DE) ng DPWH Bulacan 1st District Engineering Office, na nadawit sa nasabing maanomalyang proyekto sa lalawigan ng Bulacan. Binigyang-diin ng bagong talagang kalihim ng DPWH sa kanyang pitong pahinang desisyon, na napatunayang may pananagutan si Engr. Alcantara sa mga sumusunod na mabibigat na kasong administratibo: Disloyalty to…

Read More

LALAKI BINARIL NG BAYAW, PATAY

BATANGAS – Patay ang isang lalaki makaraang pagbabarilin ng kanyang bayaw sa Barangay Nagsaulay, bayan ng San Juan sa lalawigan noong Linggo ng umaga. Kinilala ang biktimang si Guillermo Dimaculangan, 69, residente ng Barangay Nagsaulay, habang ang suspek ay ang kanyang bayaw na si “Sireneo”, 69, residente ng Barangay Bulsa sa nasabing bayan. Ayon sa ulat, nangyari ang insidente dakong alas-9:00 ng umaga noong Linggo nang magselos ang suspek sa biktima dahil sa umano’y pang-aakit sa kanyang misis. Humantong ito sa pamamaril ng suspek sa biktima habang naglalakad sa kalsada…

Read More

LALAKI TINARAKAN SA PIYESTAHAN

QUEZON – Nalagutan ng hininga habang nilalapatan ng lunas sa ospital ang isang lalaking namiyesta sa Brgy. Liwayway sa bayan ng Mauban sa lalawigan makaraang tarakan ng itak ng isang tagaroon. Ayon sa report ng Mauban Police, kinilala ang biktimang sa pangalang “Bryan”, 34, isang magsasaka at residente ng Brgy. Alitap sa nabanggit na bayan. Nangyari ang insidente dakong alas-2:00 ng madaling araw nitong Lunes habang papasakay na ang biktima sa kanyang motorsiklo para umuwi. Bigla na lamang umanong sumulpot mula sa likod ang suspek na kinilala sa pangalang “Ald”,…

Read More

BATA NAHAGIP NG KIDLAT SA LAGUNA

LAGUNA – Sugatan ang isang bata matapos na mahagip ng kidlat habang naliligo sa isang ilog sa bayan ng Nagcarlan sa lalawigan noong Linggo. Kinilala ang biktimang si Jake Saloma, residente ng Barangay Santa Lucia. Ayon sa isang nakasaksi, masama ang panahon sa lugar nang gumuhit ang matalim na kidlat na tumama sa malaking puno kung saan nasa ilalim nito ang mga batang naliligo bandang alas-2:45 ng hapon. Napag-alaman na ang biktima ay naglalambitin sa lubid na nakatali sa puno na tinamaan ng kidlat. Gumapang ang boltahe ng kidlat patungo…

Read More

Naglilinis ng baril ARMY RESERVIST NAPUTUKAN SA MUKHA

CAVITE – Naka-hospital arrest ang isang 29-anyos na Army Reservist makaraang naputukan sa mukha habang nililinis ang kanyang baril sa kanilang kuwarto sa Dasmariñas City noong Linggo ng gabi. Nilalapatan ng lunas sa Pagamutan ng Dasmariñas si Joseph Gatmaitan y Mauricio, ng Barangay Sampaloc 4, Dasmariñas City dahil sa sugat sa kanyang mukha. Si Gatmaitan ay sinampahan ng kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act. Ayon kay “Christine”, 22, girlfriend ni Gatmaitan, nililinis ng biktima ang kanyang baril sa kuwarto ng kanilang bahay sa Brgy.…

Read More