P106-M KINITA NG BOC SA MGA SUBASTA

MAHIGIT P106 milyon mula sa mga pampublikong subasta ang kinita ng Bureau of Customs (BOC) mula sa nakumpiska at inabandonang kalakal, na isinagawa mula Hulyo hanggang Setyembre sa iba’t ibang pantalan ng bansa. Kabilang sa mga isinubasta sa Port of Manila, Manila International Container Port, at Ninoy Aquino International Airport ang iba’t ibang consumer goods, mga sasakyan, produktong petrolyo, industrial materials, furniture, at iba pa. Batay sa Customs Modernization and Tariff Act, inatasan ang BOC na ipagbili sa publiko, isailalim sa negosasyon, o i-donate ang mga nakumpiska at inabandonang kalakal upang…

Read More

Panukala ni Sen. Erwin sa Senado ‘LICENSE FOR RENT’ MODUS GAWING KRIMEN

INIHAIN ni Senador Erwin Tulfo, acting Chairman ng Senate Blue Ribbon Committee, ang isang panukalang batas upang gawing krimen ang tinatawag na “license for rent” scheme, na lumabas bilang pangunahing modus operandi sa mga nakaraang pagdinig ng Senado tungkol sa flood control scam. Sa ilalim ng iminumungkahing “License Integrity Act,” ang pagpapahiram, paghiram, at mapanlinlang na paggamit ng mga lisensya ay papatawan ng parusang pagkakakulong na hindi bababa sa tatlong (3) taon hanggang hindi hihigit sa labindalawang (12) taon, at/o multa na hindi bababa sa tatlong daang libong piso (P300,000.00)…

Read More

BRING BACK BETTER FUND, BUBUUIN PARA SA KONSTRUKSYON NG MGA NASIRANG BAHAY AT IMPRASTRAKTURA NG LINDOL

PINAG-AARALAN ng Senado na bumuo ng Bring Back Better Fund upang magamit sa reconstruction ng mga nasirang bahay at iba pang imprastraktura dahil sa mga lindol. Ito ang kinumpirma ni Senate Finance Committee Chairman Sherwin Gatchalian. Sinabi ni Gatchalian na plano nilang kunin ang pondo sa Local Support Fund para makatulong sa pagtatayo ng mga bahay ng mga naapektuhan ng lindol. Magiging bahagi anya ito ng 2026 National budget subalit hindi ito bagong item at sa halip ay maglalagay lamang sila ng mga criteria para magamit ang pondo. Ngayong taon,…

Read More

AGARANG PAGPAPALABAS NG 2025 CNA at PBB PANAWAGAN NG DEPED NON-TEACHING PERSONNEL

NANAWAGAN kamakailan ang mga non-teaching personnel ng Department of Education (DepEd) sa ahensya at sa Department of Budget and Management (DBM) na agarang ibigay ang kanilang 2025 Collective Negotiation Agreement (CNA) incentives at Performance-Based Bonus (PBB). Ayon kay Atty. Domingo Alidon, presidente ng DepEd National Employees Union (NEU), dapat nang pagtuunan ng pansin ng DepEd at DBM ang naturang usapin dahil malapit nang matapos ang taon ngunit ang ilalabas pa lamang na PBB ay para sa taong 2023. Paliwanag ni Alidon, bukod sa PBB, makatatanggap din ang mga miyembro at…

Read More

SUV DRIVER SA VIRAL TRAFFIC ALTERCATION SA QC PAPANANAGUTIN

NAGLABAS na ang Land Transportation Office (LTO) ng show cause order laban sa driver ng luxury sport utility vehicle (SUV) na sangkot sa viral na insidente ng alitan sa trapiko sa Quezon City. Ayon kay LTO Chief Assistant Secretary Markus V. Lacanilao, inilabas ang kautusan noong Oktubre 11 upang atasan ang driver na ipaliwanag ang mga pangyayari sa insidente na umani ng malawak na atensyon sa social media. Inutusan din ni Lacanilao si Renante G. Melitante, hepe ng LTO Intelligence and Investigation Division, na magsagawa ng masusing imbestigasyon sa mga…

Read More

SANGA-SANGANG KORUPSYON SA PILIPINAS

CLICKBAIT ni JO BARLIZO SABI ko na nga ba, hindi lang flood control projects ang babahain ng mga isyu. Binasa lang nito ang daan patungo sa iba pang proyektong malamang may kontrobersiya at anomalya. Kasama sa nabasa ang mga proyektong panlansangan, gusali, eskwelahan, tulay at iba pang imprastrakturang paggawa ng gobyerno. Teka, baka madawit pa ang irigasyon. Heto na! Pansamantalang ipinatigil ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon ang road reblocking projects dahil sa mga reklamong pinagkakakitaan umano ang pagbakbak ng mga kalye. Dati, may tanong…

Read More

GREEN CRESCENT MANPOWER TINATAWAGAN NG PANSIN

OFW JUAN ni DR. CHIE LEAGUE UMANDAP ISANG panibagong kaso ng pang-aabuso at kapabayaan ang muling isinumbong sa ating OFW JUAN sa Saksi Ngayon, ng ating kababayang Overseas Filipino Worker (OFW) na si Noyme Olano Silvestre, 33-taong gulang, mula sa Khamis Mushait, Saudi Arabia. Si Noyme ay nagtungo sa Gitnang Silangan sa pamamagitan ng Green Crescent Manpower International Inc. sa Pilipinas at itinalaga sa ilalim ng Qimat Alamal Group of Agency bilang foreign principal. Ngunit imbes na makahanap ng mas maayos na kabuhayan, hirap at panganib ang kanyang dinanas. Ayon…

Read More

KATARUNGAN AT KATOTOHANAN SA HARAP NG BAYAN

TARGET ni KA REX CAYANONG TAMA lamang ang panawagan ng Iglesia Ni Cristo (INC) na gawing bukas sa publiko ang imbestigasyon ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) hinggil sa umano’y malawakang katiwalian sa mga flood control project. Sa panahong laganap daw ang kawalan ng tiwala ng taumbayan sa ilang ahensya ng gobyerno, ang transparency ay isa sa pinakamabisang paraan upang maibalik ang tiwala ng mamamayan. Hindi maikakaila na ang mga proyekto sa imprastraktura, lalo na ang flood control projects, ay ginagastusan ng bilyon-bilyong piso mula sa kaban ng bayan. Kaya…

Read More

4 PATAY SA ARARO NG TRUCK

APAT ang nasawi habang isa ang kritikal matapos araruhin ng isang ten-wheeler truck na nawalan umano ng preno ang tatlong bahay at 11 sasakyan sa Maharlika Highway, Brgy. Isabang, Lucena City, pasado alas-11:20 ng gabi nitong Sabado. Kabilang sa mga nasawi ang driver ng truck, dalawang lalaking sakay ng tricycle, at isang binatang nasa loob ng bahay na nadamay sa aksidente. Ayon sa imbestigasyon ng Lucena City Police, galing pa sa Brgy. Calumpang, Sariaya ang truck na kargado ng mga fertilizer at mabilis ang takbo bago mawalan ng kontrol. Narekober…

Read More