CAINTA, Rizal — Bago pa man sumikat ang araw, sa katahimikan ng Sitio Dagat-Dagatan, maririnig na ang mga yapak sa kahoy, ang lagaslas ng tubig, at ang mahinang bulong ng mga dasal. Hindi ito ordinaryong umaga. Para sa mga magulang at mag-aaral dito, bawat pagtawid sa ilog ay laban — laban para sa kinabukasan, laban para sa pangarap. Mahigit dalawang dekada nang ganito ang tanawin. Araw-araw, tinatahak ni Cherry Cruz at ng kanyang anak na si Robelyn, estudyante ng Muntingdilaw National High School, ang mapanganib na ruta mula Sitio Dagat-Dagatan,…
Read MoreAuthor: admin 3
OBRERO TINUBO NG CARETAKER, PATAY
CAVITE – Tinutugis ng pulisya ang isang 30-anyos na caretaker matapos tubuhin at napatay ang isang construction worker na kanyang kinompronta dahil sa matagal nang alitan sa bayan ng Amadeo sa lalawigan noong Sabado ng gabi. Isinugod sa Amadeo RHU ang biktimang si alyas “Sid”, 46, residente ng Southville 2, Brgy. Aguado, Trece Martires City, Cavite subalit namatay habang nilalapatan ng lunas dahil sa sugat dulot ng palo ng matigas na bakal sa ulo. Kinilala naman ang suspek na si alyas “Ronald”, binata, tubong Bicol, tumakas matapos ang insidente. Ayon…
Read More13 GHOST FC PROJECTS NADISKUBRE SA MALOLOS
NAISUMITE na ng Malolos City People’s Audit Team (MCPAT) sa tanggapan ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) ang inisyal na set ng dokumento ng isinagawang imbestigasyon kaugnay ng napaulat na maanomalya at iregularidad na flood control projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa nasasakupan ng City of Malolos, noong Biyernes, Oktubre 10. Nabatid na ang Pamahalaang Lungsod ng Malolos ay naglabas ng Executive Order No. 39, Series of 2025 noong Agosto 29, ilang linggo matapos ang privilege speeches sa Senado kaugnay ng pagkakadiskubre ng mga maanomalyang flood…
Read MorePAGPATAY SA EX-NIA EMPLOYEE INIUUGNAY SA NILANTAD NA KORUPSYON
NANINIWALA si Senador Francis “Kiko” Pangilinan na may kinalaman sa katiwalian sa National Irrigation Administration (NIA) ang pagpaslang sa dating empleyado nitong si Niruh Kyle Antatico, 40-anyos, na binaril ng motorcycle-riding gunmen sa Cagayan de Oro City noong Biyernes, Oktubre 10. “Taos-pusong pakikiramay sa pamilya ni Kyle Antatico, isang matapang na boses laban sa korapsyon,” pahayag ni Pangilinan, chairman ng Senate Committee on Food and Agriculture. “Bawat araw na walang nananagot, lalong nawawalan ng tiwala ang taumbayan sa pamahalaan.” Ayon sa senador, hindi dapat manahimik ang mga otoridad sa harap…
Read MoreP163.2-M SHABU NASABAT SA 3 HVIs SA QUEZON
QUEZON – Tinatayang P163.2 milyong halaga ng ilegal na droga ang nasamsam sa tatlong high value drug personalities na nadakip sa isinagawang joint anti-narcotics operation noong Biyernes sa bayan ng Candelaria, sa lalawigan. Ayon sa ulat na ipinararating kay Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Undersecretary Isagani Nerez, umabot sa 25 kilos ang hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P163.2 milyon. Isinagawa ang pinagsanib na buy-bust operation ng PDEA National Capital Region, PDEA RO4A, Quezon Police Drug Enforcement Unit (PDEU), at Candelaria Police Station noong Sabado ng gabi sa Purok…
Read MoreSolon sa pagtapyas sa pondo ng OVP: BULLY SI VP SARA
KUNG may bully umano sa isyu ng pagtapyas ng Kamara sa pondo ng Office of the Vice President (OVP), hindi ito ang Kongreso kundi mismo si Vice President Sara Duterte, ayon kay Akbayan Rep. Perci Cendaña. Tugon ito ni Cendaña sa pahayag ni Pwersa ng Pilipinong Pandagat (PPP) Rep. Harold Duterte, pinsan ng bise presidente, na tinawag na “bullying disguised as governance” ang ginawang pagbawas ng Kamara sa budget ng OVP. “Linawin natin kung sino ang bully dito. Siya ang nagsabi ng ‘ay di ako pupunta d’yan kung walang masunod…
Read MoreCIA IDINAWIT NI PULONG SA ‘KIDNAPPING’ KAY DU30
IDINAWIT ni Davao City Rep. Paolo “Polong” Duterte ang Central Intelligence Agency (CIA) ng Estados Unidos sa aniya’y kidnapping ng amang si dating pangulong Rodrigo Duterte. Sa kanyang pananalita noong isang linggo, sinabi ng batang Duterte na mananagot ang mga sangkot sa kidnapping ng ama matapos ibasura ng International Criminal Court (ICC) ang interim release ni Du30 kaya mananatili ito sa kulungan sa The Hague, Netherlands. “This decision is a gross and disgraceful miscarriage of justice. It is not law — it is a political theater,” ayon sa mambabatas na…
Read MoreSa P243.2-B unprogrammed funds ‘PORK FIESTA’ SA MARCOS ADMIN TULOY SA 2026
TULOY ang “pista” ng gobyernong Marcos Jr. sa pork barrel sa susunod na taon matapos tablahin ng liderato ng Mababang Kapulungan ang panukala ng oposisyon na burahin sa 2026 national budget ang unprogrammed appropriations (UA) — o ang tinatawag na “pork fund” ng mga makapangyarihan. Ngayong araw, Oktubre 13, inaasahang isasalang sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill 4058 o 2026 House General Appropriations Bill (HGAB) matapos itong aprubahan sa ikalawang pagbasa nitong Biyernes. Natalo sa viva voce voting ang oposisyon — kabilang ang Makabayan bloc at Liberal Party…
Read MorePAGSIKIL SA PDP MAPANGANIB – SPOX
NAGBABALA si deputy spokesman Atty. Ferdinand Topacio laban sa pagtatangka na sikilin ang Partido Demokratiko Pilipino (PDP) na aniya’y “mapanganib” at maaaring magresulta sa karahasan. Ito ay makaraan niyang ideklara ang PDP bilang bagong kinikilalang oposisyon sa bansa. Ginawa ni Topacio ang pahayag sa “MACHRA Balitaan” news forum ng Manila City Hall Reporters’ Association (MACHRA) na ginanap sa Century Seafood Restaurant sa Malate, Manila kamakailan. Ayon kay Topacio, ang anomang pagtatangka na pigilan ang isang lehitimong partidong oposisyon ay lubhang mapanganib para sa gobyerno. Binanggit ng abogado ang pagtatangkang iugnay…
Read More