NAGHAHANDA ang NLEX Corporation ng P200-milyong technology upgrade para sa Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX) upang mas maging tuloy-tuloy at ligtas ang biyahe sa kahabaan ng 94-kilometrong expressway.
Kasama sa proyekto ang paglalagay ng karagdagang CCTV at speed camera, at modernisasyon ng computer system para mas maayos ang pagproseso ng data at mas mahigpit na road discipline.
“Mahalaga ang upgrade na ito para sa mas mabilis, maayos at ligtas na biyahe. Lalo nitong mapapahusay ang tiwala ng mga motorista,” ani NLEX President at GM Luis Reñon.
Bukod dito, tuloy din ang pavement repair program, pagpapalakas sa Pasig-Potrero Bridge katuwang ang BCDA, at mga regular na gawain gaya ng pagtatabas ng puno, pagkukumpuni at pagpipinta ng signage, at paglilinis ng drainage.
Patunay umano ito ng pangako ng NLEX Corp. na maghatid ng mas ligtas at maginhawang biyahe sa lahat ng motorista.
127 