KALABOSO ang dalawang hinihinalang gunrunner matapos ang magkahiwalay na operasyon ng mga pulis sa Caloocan at Tarlac.
Unang naaresto si alyas Ric sa Brgy. 178, Caloocan City kung saan nasamsam ang isang M1 carbine rifle, isang cal. 5.56 rifle, ilang magasin at mga bala.
Samantala, nahuli naman sa Brgy. Pinasling, Gerona, Tarlac si alyas Asna na nakumpiskahan ng tatlong cal. .45 pistol, isang cal. .25 pistol, pati mga bala at magasin.
Ayon sa ulat kay CIDG Director PMGen Robert Morico III, parehong sangkot umano ang dalawa sa gunrunning sa Bulacan, Tarlac at ilang lungsod sa Metro Manila.
Nasa kustodiya na ng mga otoridad ang mga suspek at mahaharap sa kasong illegal possession at gunrunning.
(TOTO NABAJA)
249 