PINABABALIK ni Senador Bam Aquino sa Department of Budget and Management ang proposed 2026 budget ng Department of Public Works and Highways. Ito ay makaraang matukoy nila ang maraming red flags sa flood control projects. Sinabi ni Aquino na dapat ayusin muna ang DPWH budget at alisin ang mga natukoy na ghost projects at magsumite sa Senado ng tunay na flood control budget. Naniniwala ang senador na hindi pangkaraniwan ang proseso na kanyang isinusulong pero nagbabakasakali siyang magbigay ng exception sa prosesong ito para sa “real flood control budget” na…
Read MoreAuthor: admin 3
14 LUXURY VEHICLES NG DISCAYAS HAWAK NA NG BOC
KINUMPIRMA kahapon ng Bureau of Customs na hawak na nila ang labing-apat na mamahaling sasakyan ng mag-asawang government contractors na sina Sarah at Curlee Discaya kasunod ng isinagawang pagsalakay sa isa nilang tanggapan sa Pasig City, kabilang dito ang 12 luxury vehicles na pakay ng inisyung search warrant ng Manila Regional Trial Court Branch 18. Sa panayam kay Custom Commissioner Ariel Nepomuceno, inihayag nitong hindi nila titigilan ang paghanap at pagbusisi sa mga mamahaling sasakyan na nakapangalan sa mag-asawang Discaya kasunod ng nakalap na ulat na humigit-kumulang sa 12 sasakyan…
Read MoreTULFO, FRENCH AMBASSADOR TINALAKAY TRANSPO AT INFRA PROJECTS SA PALAWAN
NAKIPAGPULONG si Senador Erwin Tulfo kay French Ambassador Marie Fontanel noong Setyembre 2 upang talakayin ang posibleng pamumuhunan ng France sa transportasyon, imprastraktura, at turismo sa Pilipinas, partikular sa Palawan. Binigyang-diin ni Tulfo ang hakbang ng pamahalaan na pagandahin ang ease of doing business at inihayag ang plano niyang repasuhin ang mandato ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) upang makaakit ng mas maraming dayuhang mamumuhunan. Kabilang sa mga ideyang natalakay ang pagtatayo ng shipyard, railway system, at expressway mula hilaga hanggang timog ng Palawan. Ayon kay Fontanel, mas madali na ngayon…
Read MoreP8-B FIREARM PURCHASE NG DILG-PNP IIMBESTIGAHAN NG KAMARA
IIMBESTIGAHAN ng Kamara ang resolusyon ng DILG at PNP para bumili ng P8 bilyong baril kahit wala sa pondo. Plano ng House committee on public order and safety na silipin ang kontrobersyal na resolusyon ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at Philippine National Police (PNP) kaugnay ng planong pagbili ng P8 bilyong halaga ng baril kahit wala itong pondo. Sa isang press conference kahapon, sinabi ni Antipolo City Rep. Ronaldo Puno, chairman ng National Unity Party (NUP), na hiniling ng kanilang grupo kay Manila Rep. Rolando Valeriano,…
Read More2026 NEP PINABABALIK SA DBM
IPINABABALIK ng mga lider ng iba’t ibang partido sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang 2026 National Expenditure Program (NEP) sa Department of Budget and Management (DBM) matapos lumutang ang mga kwestiyonableng alokasyon, hindi lamang sa Department of Public Works and Highways (DPWH) kundi maging sa iba pang ahensya ng gobyerno. Sa isang press conference kahapon, sinabi ni National Unity Party (NUP) chairman at Antipolo City Rep. Ronaldo Puno na nagpasya silang irekomenda ang pagbabalik ng NEP, kasama ang mga lider mula sa Lakas-CMD, Nationalist People’s Coalition (NPC) at iba pang…
Read MoreDISCAYAS HAHARAPIN MGA IMBESTIGASYON – ABOGADO
NAKAHANDA ang pamilya Discaya na harapin ang lahat ng imbestigasyon na isinasagawa ngayon kaugnay sa mga kontrobersya sa flood control projects. Sa pulong balitaan, tiniyak ni Atty. Cornelio Samaniego lll, tagapagsalita ng pamilya Discaya, buo ang kanilang kooperasyon lalo pa’t walang itinatago ang kanyang kliyente. Ayon pa kay Atty. Samaniego lll, patunay rito ang pagdalo ng kanyang kliyente sa mga pagdinig ng Senado maging ang pagprisinta sa luxury vehicles na hinahanap ng Bureau of Customs. Nakalulungkot lang umano na sa labing limang mga kontraktor na pinangalanan ni Pangulong Bongbong Marcos,…
Read MoreP476-M DROGA SA BALIKBAYAN BOX, NASABAT SA TONDO WAREHOUSE
NASABAT ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) ang halos kalahating bilyong halaga ng umano’y shabu na nakasilid sa balikbayan box na aabot sa halos P476 milyon ang halaga. Ayon sa BOC, may timbang na 70 kilo ang hinihinalang shabu na nasabat sa isang bodega ng LBC sa Manila Multi-Purpose Terminal sa Vitas, Tondo, Manila. Inihalo ang ilegal na droga sa ibang mga produkto at kagamitan na nagmula pa sa Long Beach California. Ang nasabing shipment ay naka-consign sa isang tirahan sa Bacoor, Cavite. Nagbabala naman si Customs Commissioner…
Read More“HUWAG KANG MAGNANAKAW”
KAPE AT BRANDY ni SONNY T. MALLARI MATAGAL ko na itong itinatanong sa sarili ko. Bakit ang Pilipinas na itinuturing na tanging Kristiyanong bansa sa Asya – sa populasyong 115.8 million (2024), ang 85.6 million at kasapi sa simbahang Katoliko Romano – ay laganap ang korapsyon sa gobyerno? Kabi-kabila ang garapalang dekwatan sa pondo ng pamahalaan na mula sa buwis ng taong-bayan. Oo nga at may mga nakawan din sa pribadong sektor, sa iba’t ibang antas ng lipunan kahit sa iskwater area, ngunit kulangot lang ang mga salaping nawawala rito…
Read MoreFOI BILL IPASA NA!
PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA DAHIL sa katakot-takot na isyu ng korapsyon kontra opisyales ng Bayan, napapanahon na magpasa ng Freedom of Information (FOI) law ang ating mga mambubutas este mambabatas. Opo dear readers, matagal nang inupuan sa Kongreso ang FOI Bill e panahon pa ng administrasyon ni dating Presidente Fidel V. Ramos na umabot sa second reading at sa Senado, tinalakay rin ang panukala, pero walang nangyari at hindi na uli napag-usapan. Minalas lang at inabutan ng pandemyang COVID-19 ang huling dalawang taon ni dating Pangulong Rodrigo Roa…
Read More