E-WALLET O CASH? USAPAN NG MAKABAGONG PARAAN NG PAGBABAYAD

GEN Z TALKS ni LEA BAJASAN NOON, normal lang ang may makapal na pitaka na puno ng pera at barya. Ngayon, parang kulang ang araw kapag naiwan ko ang cellphone. Dahil dito ko na rin dala ang pera ko. Mula sa milk tea hanggang bayarin sa kuryente, halos lahat pwedeng bayaran gamit ang e-wallet. Pero handa na ba talaga tayong mabuhay nang walang cash? Malaking ginhawa ang dala ng e-wallet. Isang pindot lang sa cellphone, bayad na ang grocery, bills, o pamasahe. Hindi na kailangang pumila at hindi na rin…

Read More

REP. ZALDY CO PROTEKTADO NG MGA KONGRESISTA?

PUNA ni JOEL O. AMONGO NGAYON masusubukan kung gaano katibay ang dibdib ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., sa kanyang paglaban sa mga opisyal ng gobyerno at politicians na nadadawit sa maanomalyang flood control projects sa iba’t ibang lugar sa bansa. Sa impormasyon na ating nakalap mula sa Commission on Audit (COA), ang Philippine Contractors Accreditation Board (PCAB), Kamara, Senado, at contractors ang nagsabwatan kaya nangyari ang mga guni-guni o ghost sa flood control projects. Nakita mismo sa dalawang mata ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr. nang magtungo siya sa Bulacan…

Read More

GOV’T OFFICIALS GUMAGAMIT NG ALIAS PARA MAG-CASINO

INAMIN ni dating Bulacan 1st District Engineer Henry Alcantara na gumagamit siya ng alyas at pekeng ID para makapasok sa casino, sa kabila ng pagbabawal sa mga opisyal at empleyado ng gobyerno na magsugal. Sa pagdinig ng House Infrastructure Committee, sinabi ni Alcantara na iba ang nakalagay na pangalan sa ID na ibinibigay sa kanya. Nang tanungin ni Manila Rep. Joel Chua kung alias ang gamit niya, inamin ito ni Alcantara na dawit din sa mga maanomalyang flood control projects sa Bulacan. Ayon kay Alcantara, nakakasama niya sa casino ang…

Read More

ZALDY CO TAHIMIK SA BUDGET INSERTIONS

HINDI pa rin nagsasalita si Ako Bicol party-list Rep. Elizaldy “Zaldy” Co kahit pa nababanggit ang pangalan niya sa umano’y ‘pinaka-corrupt” na pambansang pondo ngayong taon at maging sa insertions o pagsisingit ng pondo sa infrastructure projects ng Department of Public Works and Highway (DPWH). Tahimik si Co sa kabila ng paulit-ulit na paghingi ng mga kagawad ng media ng kanyang panig sa lumabas na alegasyon sa pagdinig ng House-Infra committee na nag-iimbestiga sa katiwalian sa flood control projects partikular sa pahayag ni dating DPWH Secretary Manuel Bonoan na nadagdagan…

Read More

ConCon ipinorma na sa Kamara AGE REQUIREMENT SA PRESIDENTIAL, VP AT SENATORIAL POSTS IBABABA

UMUSAD na sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukala para amyendahan ang 1987 Constitution sa pamamagitan ng Constitutional Convention (ConCon) upang ibaba ang age requirement ng mga tatakbo sa pagkapangulo, pangalawang pangulo at pagkasenador. Pormal na inihain kahapon ni House Deputy Speaker Paolo Ortega IV ang Resolution of Both Houses (RBH) No. 2 na naglalayong gawing 35 anyos ang minimum age requirement para sa presidential at vice-presidential candidates, at 30 anyos naman para sa mga nagnanais maging senador. Sa ilalim ng kasalukuyang Saligang Batas, kinakailangang 40-anyos ang isang kandidato para…

Read More

ESTUDYANTENG RIDER SUGATAN SA NABUNDOL NA BAKA

LUCENA CITY – Sugatan ang isang estudyanteng nagmamaneho ng motorsiklo nang mabangga ang isang baka na biglang tumawid sa highway sa lungsod. Kinilala ang biktima sa pangalang “Cyrus”, isang 19-anyos na second year criminology student, at residente ng Barangay Ilayang Pulo, Pagbilao, Quezon. Ayon sa report ng Lucena City Police Station, nangyari ang insidente bandang alas-11:45 ng gabi noong Martes habang binabaybay ng biktima ang Ecotourism Road sa Barangay Silangan Mayao. Bigla na lamang ng umanong tumawid ang baka sa kalsada dahilan para mabangga ito ng motorsiklo ng biktima. Malubhang…

Read More

KLASE SA BATANGAS HIGH SCHOOL KANSELADO SA BOMB THREAT

BATANGAS – Kinansela ang klase nitong Miyerkoles sa Batangas City Integrated High School matapos makatanggap ng bomb threat ang pamunuan ng paaralan. Dahil sa banta, agad na pinauwi ang mga estudyante bandang alas-7:00 ng umaga. Agad namang nagresponde ang mga awtoridad, kabilang ang Batangas City Police at canine unit, upang magsagawa ng paghahanap sa buong compound at sa mga silid-aralan. Hindi ito ang unang beses na nakaranas ng ganitong banta ang mga paaralan sa Batangas. Maraming magulang at netizens ang nagpahayag ng kanilang pagkabahala dahil tila sunod-sunod ang mga insidente…

Read More

PAMILYA NIRATRAT SA SULTAN KUDARAT, 3 PATAY

SULTAN KUDARAT – Target ng manhunt operation ang dalawang hindi pa nakikilalang gunman na responsable sa pananambang at pagkamatay ng isang pamilya sa lalawigan. Ayon kay Lt. Col. Jopy Ventura, ang tagapagsalita ng BARM PNP, namatay sa pamamaril si Ibrahim Payapat, ang asawa nitong si Zenaida Kusain, 32, at anak nilang si Aisa, 16, pawang mga residente ng Barangay Rosary Heights 10, Cotabato City. Mapalad namang nakaligtas bagama’t sugatan ang kanilang onse-anyos na anak. Sakay umano ng mga biktima ng tricycle at pauwi sa kanilang bahay nang pagbabarilin ng mga…

Read More

DPWH BUDGET SA 2026 NEP PINAHIHIMAY NI MARCOS

IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Department of Budget and Management (DBM) at Department of Public Works and Highways (DPWH) na magsagawa ng malawakang pagsusuri sa badyet ng DPWH sa ilalim ng 2026 National Expenditure Program (NEP). Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na iginiit ng Pangulo na dapat magresulta ang review sa mga kinakailangang pagbabago upang matiyak ang transparency, accountability, at wastong paggamit ng pera ng taumbayan. Sinabi pa ni Castro na welcome sa administrasyon ang panawagan…

Read More