PUNA ni JOEL O. AMONGO HINDI dapat magtapos sa pagbibitiw lang ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan ang isyu sa usapin ng anomalya sa flood control projects. Kung may kasalanan siya ay dapat papanagutin, hindi biro ang nawalang pera sa kaban ng bayan, bilyun-bilyong piso ang pinag-uusapan dito. Kamakalawa, nakatanggap tayo ng impormasyon na nagbitiw na sa tungkulin si DPWH Sec. Bonoan at pinalitan siya ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon. Sabihin na nating walang direktang kinalaman si Sec. Bonoan sa anomalya sa…
Read MoreAuthor: admin 3
INDEPENDENT BODY PARA SA FLOOD CONTROL PROJECT ANOMALIES
AT YOUR SERVICE ni KA FRANCIS SA ganang akin, para walang pagdududa ang publiko, dapat ang mag-iimbestiga sa anomalya sa flood control projects ay independent body. Kamakailan, sinabi ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na magsasagawa sila ng sariling imbestigasyon sa usapin ng flood control project anomalies. Kahit pa sabihin ng Kamara na ang kanilang isasagawang imbestigasyon ay “in aid of legislation” ay hindi pa rin maniniwala ang publiko na magkakaroon ito ng maayos na resulta. Sa pagdinig ng Blue Ribbon Committee ng Senado, maging sa privilege speech ni Senator Panfilo…
Read MoreP3.4-M SHABU NASAMSAM SA HVT SA CEBU
CEBU – Nadakip ang isang lalaki na kabilang sa regional target list ng PDEA-PNP, matapos mahuli sa aktong pagbebenta ng umano’y shabu sa undercover agents sa isinagawang buy-bust operation ng PDEA 7, katuwang ang PNP Drug Enforcement Group at Naval Forces Central, sa Sitio Buanan, Barangay Pung-ol Sibugay, Cebu City, nitong nakalipas na Linggo. Kinilala ni PDEA 7 Regional Director Joel B. Plaza ang suspek na si alyas “Jokjok”, 30, magsasaka, at residente ng nabanggit na lugar. Nakumpiska sa operasyon ang limang pakete ng umano’y shabu na may kabuuang bigat…
Read More1 SA 2 NAGNAKAW AT HUMALAY SA 2 MASAHISTA, ARESTADO
ARESTADO ng Pasay City Police sa lalawigan ng Albay ang isa sa dalawang suspek na nagnakaw at nang-abuso sa dalawa sa 13 massage therapist sa Pasay City noong Agosto 29. Kinilala ang suspek na si alyas “Vince”, ng Legazpi City, Albay. Natunton ito sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya. Matatandaan na pinasok at pinagnakawan ng dalawang armadong lalaki na sakay ng puting motorsiklo, ang mga biktima matapos pasukin ang massage parlor sa Cabrera St., Barangay 140 sa lungsod. Dalawa sa 13 massage therapist ang iniulat na inabuso, habang ang iba ay…
Read MoreGOMA KINONDENA NG HOUSE MEDIA
MARIING kinondena ng mga mamamahayag na nagko-cover sa Mababang Kapulungan ng Kongreso si Leyte 4th District Rep. Richard Gomez dahil sa kanyang mapanirang pahayag laban sa media na nagtangkang kunin ang kanyang panig kaugnay ng mga flood control project sa kanilang lalawigan na gumuho kahit bago pa lamang ipinatayo. “We, members of the media covering the House of Representatives, collectively denounce the baseless and spiteful utterances from Rep. Richard Gomez imputing impropriety in the actions of a number of our colleagues who tried to get his side on a matter…
Read More‘GURONG TULAK’ HULI SA BUY-BUST
NEGROS OCCIDENTAL – Isang guro na hinihinalang tulak ng ilegal na droga, ang nadakip ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency sa ikinasang anti-narcotics operation sa Sitio Tap-ok, Boulevard, Brgy. Enclaro, sa bayan ng Binalbagan sa lalawigan. Itinuturing na isang high value target ang nadakip na drug personality na kinilalang si alyas “Joffel”, 42, guro, binata, at residente ng nasabing lugar. Matapos ang inilatag ng intelligence operation ay ikinasa ang buy-bust operation laban sa target personality dakong alas-11:44 umaga nitong Lunes. Pinangunahan ang operasyon ng PDEA RO NIR-Regional Special…
Read MoreKAPAYAPAAN NG BANSA RESPONSIBILIDAD NG LAHAT NG PINOY – OPAPRU
PINANGUNAHAN ng Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU) ang paggunita sa ika-21 anibersaryo ng pag-obserba sa National Peace Consciousness Month 2025 ngayong Setyembre. Ang tema ngayong Peace Month ay “Mapayapang Bukas, Abot-Kamay sa Bagong Pilipinas”, bilang pagkilala sa nakamit na kapayapaan at pagdiriwang ng hinaharap na puno ng kapayapaan, pagkakaisa at respeto. Sa pangunguna ni OPAPRU Secretary Carlito Galvez Jr., pina-alingawngaw ang kampana ng kapayapaan (peace bell) bilang hudyat ng opisyal na pagsisimula ng Peace Month nitong Lunes, Setyembre 1. Dito ay hinikayat ni Sec.…
Read MoreNABAKANTENG UPUAN NG DUTERTE YOUTH PARTY-LIST PUPUNUAN
MAGSASAGAWA ng magpupulong ang Commission on Elections (Comelec) en banc para desisyunan kung sino ang papalit sa nabakanteng upuan ng Duterte Youth Party-list. Ito ay para talakayin ng Law Department at Supervisory Committee ng Comelec kung sino ang hahalili sa posisyon sakaling maging final and executory ang nasabing desisyon na kinakailangan bago maiproklama ng National Board of Canvassers. Matatandaang kinansela ng en banc ang registration ng nasabing party-list dahil sa mga kakulangan sa publication at hearing na kinakailangang proseso para sa accreditation ng isang party-list. Nilinaw ng Comelec na kailangan…
Read MorePara hindi makapagbenta ng fire extinguisher BFP INSPECTORS PINAGSUSUOT NG BODY CAMS
PINAOOBLIGA ng Department of the Interior and Local Government (DILG) nitong Lunes na magsuot ng body camera ang lahat ng inspector mula sa Bureau of Fire Protection (BFP) simula 2026. Layunin nito na maiwasan ang umano’y ilegal na pagbebenta at pag-endorso ng mga fire extinguisher. “Ngayon, may memorandum circular na kami. Starting next year, nagpa-requisition ako ng 5,000 body cams. Tapos magkaka-system kami. Kasi ‘yung mga fire inspector natin, napaka-notorious sa pagbenta ng fire extinguisher,” ayon kay DILG Secretary Jonvic Remulla sa isang panayam. Dagdag pa niya, “Kung may mag-complain,…
Read More