KINUMPIRMA ng National Police Commission o Napolcom ang isinagawang reassignment sa hanay ng Philippine National Police (PNP) ilang araw makaraang masibak si General Nicolas Torre lll matapos ang en banc session. Sa bagong adopted resolution, mananatili si PLTGEN. Bernard M. Banac bilang Acting Deputy Chief for Administration; Si PMGEN. Robert Alexander A. Morico II – Acting Director, ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG); PMGEN. Anthony A. Aberin, ay mananatiling Regional Director, National Capital Region Police Office (NCRPO); PBGEN. Christopher N. Abrahano – Officer-in-Charge Commander, APC Visayas; PBGEN. Paul Kenneth…
Read MoreAuthor: admin 3
14% SA PAG-AARAL NG MGA BATA NASASAYANG SA PAG-ULAN
NAWAWALAN ng hanggang labing apat na porsyento sa pag-aaral ang mga estudyante dahil sa sunod-sunod na suspensyon ng klase sa gitna ng mga pag-ulan dala ng habagat at bagyo. Ito ang lumabas sa pag-aaral ng chairman ng Institute for Risk and Strategic Studies na si dating House ways and means chairman at Albay Rep. Joey Salceda na lubha nitong ikinabahala dahil apektado ang edukasyon ng mga bata. “Rainy days are stealing learning days. Our calculations show that while the direct loss is about 7 percent of class time each year,…
Read MoreAKTIBONG HENERAL ‘PADRINO’ SA MISSING SABUNGEROS
INIHAYAG ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na isang aktibong heneral ng Philippine National Police (PNP) ang umano’y sangkot sa kontrobersyal na kaso ng mga nawawalang sabungero. Ayon kay Remulla, ang naturang heneral ay tumulong mismo sa mga pangunahing suspek at kalaunan ay naitalaga pa bilang Regional Director, bagay na tinuligsa ng kalihim. “Isa pang heneral na ginawang Regional Director na hindi dapat inilagay sa puwesto. Kasi siya ang nagbigay ng tulong at ayuda sa mga suspek dito sa missing sabungeros case,” pahayag ni Remulla. Dagdag pa ng kalihim, nang…
Read MoreDadaan sa mahigpit na screening INDEPENDENT COMMISSION BUBUUIN VS FLOOD CONTROL PROJECTS
MAGLALABAS si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng isang Executive Order (EO) para pormal na buuin ang isang independent commission na tututok sa imbestigasyon ng mga maanomalyang flood control projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH). Ayon kay Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, dadaan sa mahigpit na screening ang mga miyembro ng komisyon upang matiyak ang pagiging patas at kredibilidad ng imbestigasyon. “This independent commission will be under the executive. They will investigate all documents and complaints and recommend cases to the proper…
Read MoreP100-B SA FLOOD CONTROL PROJECTS INILAGAY SA ‘DI BAHAING LUGAR
NABUKO ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na umaabot sa isang daang bilyong piso ang inilagay ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa mga lugar na hindi binabaha. Sa isang panayam kay Antipolo City Rep. Ronaldo Puno, isiniwalat nito na binubusisi ng mga ito ang P250 billion na halaga ng flood control projects sa 2026 National Expenditure Program (NEP). “Ang unang ginawa nila (House committee on appropriations), yung flood control projects against yung NOAH map. Kung wala ka sa risk area, tinanggal nila. Noong tinanggal nila… from P250 (billion)…
Read MoreAbsent sa hearing ipaaaresto na MARCOLETA SA CONTRACTORS: MAGTURO NA KAYO
PINAIISYUHAN na ng warrant of arrest ang isa sa sampung contractors na pinadalhan ng subpoena ng Senate Blue Ribbon Committee. Ito ay sa kabiguang dumalo sa pagdinig ni Edgar Acosta, pangulo ng Hi-Tone Construction Development Corporation bagama’t may pinadala siyang kinatawan. Nagkaisa ang mga senador na i-cite for contempt ang contractor na magiging batayan ng pag-aresto sa kanya. Nanawagan naman si Senate Blue Ribbon Committee Chairman Rodante Marcoleta na makipagtulungan ang mga contractor at ituro ang mga taga-DPWH o politiko na nasa likod ng mga anomalya. Iginiit ni Marcoleta na…
Read More‘CLEAN SWEEP’ SA DPWH SA PAGPASOK NI DIZON
(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) PAGSUSUMITEHIN ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon ng courtesy resignation ang lahat ng opisyal ng ahensya. Ayon kay Dizon, ito ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magsagawa ng “clean sweep” upang simulan ang paglilinis sa DPWH mula sa katiwalian at iregularidad. Saklaw ng courtesy resignation ang mga undersecretaries, assistant secretaries, division heads, at district engineers. Kasunod nito, isasagawa ang masusing personnel review upang matukoy kung sino ang mananatili at sino ang tuluyang aalisin sa puwesto. Tiniyak ng…
Read MoreSALN NG AKBAYAN REFORM BLOC SA KAMARA ISINAPUBLIKO
SA gitna ng pagdududa sa mga kongresista dahil sa mga anomalya sa flood control projects, isinapubliko ng apat na miyembro ng Kamara ang kanilang Statement of Assets, Liabilities and Networth (SALN). “At a time when trust in government is at its lowest, words are not enough,” ayon sa statement nina Akbayan party-list Reps. Chel Diokno, Perci Cendaña at Dada Kiram Ismula at Dinagat Island Rep. Arlene “Kaka” Bag-ao. Si Diokno ay nagdeklara ng P13, 185, 829.97; P1 million kay Cendaña, P4,045,000 kay Ismula at P19,628,846.05 kay Bag-ao kung saan P4.5…
Read MoreISKO PINANGUNAHAN GROUNDBREAKING CEREMONY NG MANILA-SACRAMENTO FRIENDSHIP LIBRARY
PINANGUNAHAN ni Manila Mayor Isko Moreno-Domagoso ang groundbreaking ceremony ng Manila-Sacramento Friendship Library sa Canonigo corner Zamora Streets, Paco, Maynila para sa kapakinabangan ng mga kabataan at mag-aaral sa Maynila. Sa kanyang talumpati, sinabi ni Domagoso na naipasa ang ganitong pagpopondo sa mga proyekto dahil na rin sa tulong ng mga halal na opisyal ng bayan gayundin sa pamumuno ni Manila Vice Mayor Chi Atenza. Ipinangako ng alkalde sa pamunuan ng library na magkakaroon na ng maayos na pasilidad na hindi na tumutulo kapag tag-ulan. “Magkakaroon na kayo ng maayos…
Read More