RAPIDO ni PATRICK TULFO MARAMI ang nagulat sa resulta ng ginaganap pa ring bilangan sa midterm elections noong Lunes. Dahil taliwas sa mga survey, ilang araw bago ang botohan, ay hindi tumugma ang mga ito sa lumalabas na resulta sa ngayon. Hindi na nakapagtataka kung nangunguna sa bilangan ngayon si Sen. Bong Go, dahil ‘yan ang mga lumabas sa mga huling survey. Pero ang pag-angat ni Sen. Bato Dela Rosa sa ikatlong posisyon at ang ika-anim na pwesto ni Cong. Rodante Marcoleta ang ikinagulat ng mga eksperto dahil nasa baba…
Read MoreAuthor: admin 3
Maynila, muling dadakila: Yorme Isko
PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA Muli nating padadakilain ang Maynila! Ito ang ipinangako ni Isko Moreno Domagoso kasunod ng hindi na mapipigil na muling pag-upo niya bilang alkalde ng Lungsod ng Maynila — na habang isinusulat ito ay tumatanggap ng pinakamalaking boto mula sa mga Batang Maynila, mga lola, lolo, single parents, PWDs at iba’t ibang sektor ng mahihirap na mamamayan. Sa huling bilang, tumanggap si Yorme Isko ng pinakamataas na botong 559,010, na tumitiyak ng kanyang panalo laban kay incumbent Mayor Dr. Honey Lacuna-Pangan na nakakuha lamang ng…
Read MoreBAGONG YUGTO NG PAGLILINGKOD: TAGUMPAY NI CONG. BRYAN YAMSUAN SA PARAÑAQUE CITY
TARGET ni KA REX CAYANONG SA bawat halalan, ipinakikita ng sambayanan ang tunay na lakas ng demokrasya—ang kapangyarihang pumili ng mga pinunong sa tingin nila’y karapat-dapat mamuno at magsilbi. Kaya naman, sa lungsod ng Parañaque, malinaw na ipinahayag ng mamamayan ang kanilang tiwala, pag-asa, at paniniwala sa isang bagong pamumuno sa pamamagitan ng pagkapanalo ni Congressman Bryan Yamsuan sa katatapos lamang na halalan. Sa kabuuang 61,378 boto, tinalo ni Cong. Yamsuan si dating kongresista Gus Tambunting, na nagtamo ng 53,497 boto—isang malinaw na mandato mula sa taumbayan na naghahangad ng pagbabago…
Read More“Magsara na kayo!” SURVEY FIRMS INANCHA NG NETIZENS
KATAKOT-TAKOT na kantyaw at panlalait ang inabot ng mga survey firm sa bansa matapos umalagwa at hindi malaglag sa Top 5 sina dating senador Bam Aquino at Kiko Pangilinan. Habang palapit ang pagtatapos ng bilangan, napagdiskitahan ng mga netizen ang mga survey firm na anila’y ginagamit lang para ikondisyon ang isipan ng mga botante at wala nang kredibilidad. Sa ginanap na national at local elections ay napatunayan anila ang matagal nang duda sa mga kompanyang nagsa-survey. Basahin ang ilan sa mga komentong nasa X: Bench: To: SWS, Pulse Asia, Octa…
Read MoreATTY. VIC RODRIGUEZ: TULOY ANG LABAN KONTRA KORUPSYON
(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) BAGO matapos ang bilangan sa katatapos na national at local elections ay agad nagpaabot ng kanyang taos-pusong pasasalamat si senatorial candidate Atty. Vic Rodriguez sa mga taong nakasama niya sa panahon ng kampanya, higit sa lahat sa mga nagtiwala sa kanya. Sa pamamagitan ng kanyang Facebook page, nag-post si Rodriguez nitong Martes ng pasasalamat at pagtiyak na hindi siya titigil sa paglaban kontra korupsyon. Bagaman hindi pinalad sa katatapos na halalan, pinasalamatan niya ang lahat ng kumilala sa kakayahan niyang mamuno. Narito ang bahagi ng kanyang…
Read MoreComelec sa mga kandidato: 5-ARAW LANG PARA BAKLASIN CAMPAIGN MATERIALS
BINIGYAN ng Commission on Elections (Comelec) ng limang araw ang mga kandidato na tanggalin online at baklasin ang kanilang mga campaign material. Ito ay para hindi sila maharap sa election offenses base na rin sa resolusyon ng fair election act na posibleng maging dahilan ng diskwalipikasyon. Ayon kay Atty. Rex Laudiangco, tagapagsalita ng Comelec, nakatutok ang Task Force Baklas para mapanagot ang mga hindi susunod. Matatandaan pinakita ng Comelec na seryoso sila na ipatupad ang nasabing resolusyon. Sinampahan ng Task Force Baklas ng disqualification case ang mga kandidatong naglagay ng…
Read More27 INSIDENTE NG KARAHASAN SA ELEKSYON NAITALA NG PNP
BAGAMAN iniulat ng Pambansang Pulisya na batay sa kanilang datos ay mapayapa sa pangkalahatan ang katatapos na halalan, nakapagtala ng 27 insidente ng karahasan nitong Mayo 12, election day. Sinabi ni PNP-PIO chief PCol. Randolph Tuaño, na may kabuuang 46 validated related incidents simula sa buwan ng Enero 2025. Sa mismong araw ng eleksyon ay nakapagtala ng 27 insidente na may kinalaman sa eleksyon, lima ang naitalang pamamaril, tatlong pagsabog, pambubugbog at iba pang insidente. Ayon kay Tuaño, 14 ang naganap sa Bansamoro Autonomous Region (BARM) kung saan lima ang…
Read MoreERWIN TULFO HANDANG MAKIPAGTRABAHO SA LAHAT
SA pagtatapos ng bilangan ng mga nanalo sa Halalan 2025, ipinahayag ni Erwin Tulfo, isa sa mga inaasahang panalo sa Senado, ang kanyang kagustuhan na makipagkaisa sa mga kasalukuyang senador at mga kapwa niya senator-elect, saanman sila nanggaling. Sa isang pahayag, sinabi ni Tulfo, “Pagod na ang mga Pilipino sa mga away-pulitika. Ang dapat na makita nila ay yung nagkakaisang mga senador, mga lingkod-bayan. Kaya iyan ang una kong gagawin kapag ako ay maupo sa Senado: kausapin ang bawat hanay.” Sabi pa niya, “Uupo tayo kasama ang Senate President, ang…
Read MorePINAGBAWALANG UMIGIB NIRATRAT; 1 PATAY, 1 KRITIKAL
CAVITE – Patay ang isang construction worker habang inoobserbahan sa ospital ang kasama nito makaraang pagbabarilin ng suspek na nagbawal sa kanila na mag-igib ng tubig sa isang water pump sa bayan ng Noveleta sa lalawigan noong Lunes ng gabi. Kinilala ang namatay na si Johnwil Fulipinas, 41, habang kritikal ang kalagayan sa ospital ni Crispin Delos Santos, 35, kapwa construction worker. Pinaghahanap naman ng mga awtoridad ang suspek na si alyas “Tomasito”, ng Brgy. San Rafael 33, Noveleta, Cavite na tumakas matapos ang pamamaril. Ayon sa ulat, nagtungo ang…
Read More