LIMANG araw bago ang eleksyon, patuloy na humahataw si Alyansa para sa Bagong Pilipinas senatorial candidate Erwin Tulfo na nananatiling numero uno sa pinakabagong senatorial survey. Sa bagong survey ng WR Numero na isinagawa mula Abril 23 hanggang Abril 30 at nilahukan ng 2,400 na respondents, nagtamo si Tulfo ng 48.7 percent voting preference, tumaas ng 5.3 percent mula sa naunang survey. Nagpakita rin ng matatag na voter base si Tulfo dahil nananatili siyang nasa unahan ng preferences anomang kulay o partido ang sinusuportahan. Numero uno siya sa mga Pro-Marcos…
Read MoreAuthor: admin 3
Sa kabila ng P240-M confi funds ni Mayor Abby Binay MAKATI NAGTALA NG ‘SHARP INCREASE’ SA KIDNAPPING, ROBBERY INCIDENTS
SA kabila nang pagkakaroon ng P240 milyon confidential funds ni Mayor Abby Binay, nagkaroon ng sharp increase o matalim na pagtaas sa insidente ng kidnapping, robbery at iba pang uri ng krimen sa ilang bahagi ng Makati City. Nitong 2022 at 2023, nakapaglaan ang Makati City Council ng halagang P240 milyon kada taon para sa confidential funds na maaaring gamitin ni Binay sa peace and order programs (POPs) na susugpo sa kriminalidad alinsunod sa itinakda ng batas. Sa kabila nito, tumaas ang insidente ng kriminalidad sa ilang bahagi ng lungsod…
Read MoreROSE LIN INENDORSO NG INC AT IBA PANG GRUPO SA DISTRITO 5
NAKUHA ni congressional candidate Ate Rose Nono Lin ang suporta ng religious group na Iglesia ni Cristo (INC). Si Lin ay tumatakbo bilang kinatawan ng Ika-limang distrito ng Quezon City. Agad namang pinasalamatan ni Ate Rose Lin ang tiwala at suporta ng INC at ng iba’t ibang grupo sa lungsod. Aniya, malaking karangalan na mapabilang sa mga kandidato na binigyan ng basbas ng INC ngayong May 12 midterm election. Bukod dito, tumanggap din ng matinding pagsuporta si Ate Rose Lin mula sa malalaking voting blocks tulad ng Muslim groups, senior…
Read MoreTARLAC MAYOR SINITA NG COA SA KWESTYONABLENG P50-M MEDICINE PURCHASE
PINUNA ng Commission on Audit (COA) si Mayor Maria Cristina C. Angeles ng Tarlac dahil sa mga iregularidad sa pagbili ng mahigit P50 milyong halaga ng gamot at medical supplies, na ayon sa COA ay “gross violations of procurement laws and regulations”. Ayon sa Fraud Audit Report No. 2025-003, bumili ang pamahalaang lungsod ng P843,900 na halaga ng gamot na hindi kasama sa Philippine National Formulary (PNF), taliwas sa Executive Order No. 49, s.1993 at DOH Administrative Order 2012-0023 na nag-aatas ng eksklusibong paggamit ng PNF sa lahat ng gamot…
Read MoreMGA BOTANTE ILLITERATE?
MANINIKTIK ni GREGORIO SAMAT NAKABABAHALA ang report ng Philippine Statistics Authority (PSA) na milyong-milyong kababayan natin ang illiterate at ang mga ito ay malamang na mga botante na ngayong 2025 election, kaya ang mga naluklok sa kapangyarihan ay mga walang kwenta at namimili lang ng boto. Sa Functional Literacy, Education and Mass Media Study (FLEMMS) ng PSA, 6 milyon ang hindi marunong magbasa at magsulat at halos 24 milyon ang nakababasa, nakapagsusulat pero hindi naiintindihan ang binabasa. Mapaiiling ka na lang din sa resulta ng pag-aaral ng PSA na halos…
Read MoreATTY. VIC RODRIGUEZ PATULOY NA LUMALAKAS SA MGA PILIPINO.
PUNA ni JOEL O. AMONGO NASAKSIHAN ko sa aking pagsama sa ilang pag-iikot ni dating Executive Secretary Atty. Vic Rodriguez sa iba’t ibang probinsiya sa Gitnang Luzon, kung paano siya tanggapin ng mga tao. Sa motorcade ng DuterTen sa mga bayan ng Pangasinan, mainit na tinanggap ng Pangasinense si Atty. Rodriguez. Sa bawat bayan na dinadaanan ng truck kung saan nakasakay si Atty. Rodriguez, ay maraming mga tao ang sumisenyas sa kanya ng kamao na simbolo na ginagamit din ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Maging ang mga motorista na nakasasalubong…
Read MoreMAGING WAIS SA PAGBOTO
AT YOUR SERVICE ni KA FRANCIS ISANG linggo na lang bago sumapit ang May 12, 2025 election kaya kailangan nating maging matalino sa pagpili ng mga kandidato na ating ihahalal. Sa panahon ng eleksyon lang magkakapantay-pantay ang lahat ng mga Pilipino, maging mahirap man o mayaman kaya samantalahin natin ang pagkakataon na ito na pumili tayo ng mga kandidato na gusto natin. Hindi lang dahil sa binigyan tayo ng maliit na halaga ng pera o anomang ayuda ay iboboto na natin sila, piliin natin ang tunay na may malasakit at…
Read MoreMag-inang Kitty at Honeylet present din DuterTEN QC RALLY DINUMOG NG SUPPORTERS
DUMAGSA ang mga tagasuporta ng mga pambatong senador ni dating pangulong Rodrigo Duterte na tinaguriang DuterTEN noong Linggo, Mayo 4. Ikinatuwa rin ng mga tagasuporta ang pagdalo ng mag-inang Kitty at Honeylet Avancena na personal na ikinampanya ang sampung senatoriables na kinabibilangan ni dating executive secretary Atty. Vic Rodriguez. Kabilang sa mga inilatag ng mga pambatong senador ang pagpapalakas ng imprastruktura, serbisyong pangkalusugan, seguridad, at patuloy na kampanya kontra katiwalian. Kaugnay nito, itinuturing na patunay ng buong pusong suporta ng pamilya Duterte sa PDP-Laban at sa mga kandidatong inendorso ng…
Read MoreSOCIAL MEDIA REGULATION TUWING ELEKSYON INIREKOMENDA
INIREKOMENDA ni Comelec Chairman George Garcia na pag-aralan ng Kongreso na magkaroon ng batas na bibigyang kapangyarihan ang poll body na i-regulate ang paggamit ng social media sa panahon ng eleksyon. Sa pagdinig ng Senate Special Committee on Maritime and Admiralty Zone, sinabi ni Garcia na malaking problema sa ngayon ay ang pagkakalat ng misinformation at disinformation sa social media. Babala ni Garcia na posibleng lumawak pa ito hanggang sa panahon ng presidential elections sa 2028. Ipinaliwanag ng opisyal na sa panahon ng eleksyon ay may kapangyarihan sila na iregulate…
Read More