NAIS ni Senador Erwin Tulfo na magpaliwanag ang Department of Health (DOH) kaugnay ng hindi nito pagbibigay ng guarantee letter o GL sa mahihirap na pasyente kahit sa pampublikong ospital. Sa isang panayam, binahagi ng Senador na ilang mahihirap na indibidwal na humingi ng tulong sa kanyang opisina ang pinapunta nila sa DOH para kumuha ng GL ang pinabalik na lang daw sa ibang araw. Aniya, “May isang pasyente na nais magpagamot sa Philippine Heart Center tapos sinabihan na bumalik na lang sa ibang araw.’” Dagdag pa ni Sen. Tulfo,…
Read MoreAuthor: admin 3
MANHUNT TULOY KAY DUMLAO
IBINASURA ng Ikalawang Dibisyon ng Korte Suprema ang mga legal na hakbang na isinampa ng dating opisyal ng pulisya na si Rafael Dumlao III, ang pangunahing suspek sa pagdukot at pagpatay noong 2016 sa negosyanteng Koreano na si Jee Ick-Joo sa loob ng Camp Crame. Sa kanilang resolusyon noong Hunyo 30, 2025, tinanggihan ng Korte Suprema ang petisyon ni Dumlao para sa injunction at Temporary Restraining Order (TRO) sa G.R. No. 275729, dahil sa hindi pagpapakita ng grave abuse of discretion. Tinanggihan din ng Korte ang petisyon para sa review…
Read MoreSEND-OFF EVENT NG PINOY TALENTS PARA SA WCOPA
NAKIISA si Senadora Cynthia Villar sa Feel It Pilipinas: Blue Jacket Ceremony 2025, isang send-off event para sa 56 na mahuhusay na indibidwal na kakatawan sa Pilipinas sa World Championships of Performing Arts (WCOPA)—na kilala bilang Olympics ng performing arts—na gaganapin sa Long Beach, California, USA mula Hulyo 17 hanggang 25. Suportado ni Villar ang talento ng mga Pilipino kaya itinatag niya ang Villar School of Performing Arts sa Las Piñas City bilang tahanan ng WCOPA Philippines. Hindi lamang ito training ground para sa mga world-class na performers, kundi isang…
Read MoreKasunduan para sa BARMM-FDA nilagdaan: layuning palakasin pa ang regulasyong pangkalusugan sa rehiyon
COTABATO City – Nilagdaan na dito nuong Hulyo 10, 2025 ang isang kasunduan na lalong magpapalakas sa mga programang pangkalusugan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao. Ang Ministry of Health ng BARMM at ang Food and Drugs Administration ng Department of Health ang naglatag sa isang Memorandum of Agreement (MoA) ng mga detalye kung paano mabantayan ang merkado laban sa pekeng mga gamot at pagkain at cosmetics na umano’y mapanganib sa kalusugan ng tao. Ayon kay BARMM Health Minister Dr. Kadil Sinolinding Jr., ang pagkakaroon ng sariling FDA sa…
Read MoreSENADO, KAMARA PINAGSUSUMITE NG DOKUMENTO NG SC KAUGNAY SA IMPEACHMENT COMPLAINT VS VP DUTERTE
IPINAG-UTOS ng Supreme Court En Banc sa Senado at House of Representatives na magsumite ng mga dokumento at sinumpaang impormasyon para makatulong sa pagresolba ng mga petisyon laban sa impeachment complaint na isinampa laban kay Vice President Sara Duterte. Kabilang sa hinihingi ng korte ang status ng unang tatlong reklamong impeachment na isinampa ng private citizens. Ang eksaktong petsa kung kailan inendorso sa Kongreso ang mga reklamong ito. Kung may kapangyarihan ba ang Secretary General ng Kamara na magdesisyon kung kailan ipapasa sa Speaker ang isang na-endorso nang impeachment complaint.…
Read MoreNatagpuan ng PCG sa ilalim ng Taal Lake SAKO-SAKONG MGA BUTO NG TAO ISASALANG SA FORENSIC ANALYSIS
MAY natagpuang ilang sako ng mga buto sa ilalim ng Taal Lake ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard na nagsasagawa ng search and retrieval operation sa nasabing lawa na sinasabing pinagtapunan ng bangkay ng 34 na nawawalang sabungero, ayon sa lumantad na whistleblowers na si Julie Patidongan alyas “Totoy”. Sa inisyal na ulat kahapon, sa pagpapatuloy ng isinasagawang search and retrieval operation ng coast guard sa Taal Lake sa bahagi ng Batangas, ay ilan pang mga sako ang nadiskubre ng technical divers ng PCG sa nasabing lawa. Hindi kaagad…
Read MoreSUSPEK SA ONLINE SALE NG FAKE CAAP LICENSE LAGLAG SA NBI
ARESTADO sa mga tauhan ng National Bureau of Investigation-Cavite North District Office (CAVIDO North), ang isang indibidwal na sangkot sa distribusyon ng pekeng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) licenses, noong Hulyo 8. Ayon sa ulat ni NBI Director Jaime B. Santiago, nakatanggap ang NBI ng sulat mula sa CAAP Security and Intelligence Service (CSIS) na humihingi ng tulong para sa imbestigasyon sa online sale ng fake CAAP licenses, na umano’y talamak na at nagsi-circulate sa social media. Sa pamamagitan ng nasabing modus, ang mga indibidwal o grupo ay…
Read MoreNBI PROBE SA UMANO’Y ANOMALYA SA ELEKSYON, WELCOME SA COMELEC
HANDANG humarap ang mga opisyal ng Commission on Elections (Comelec) sa anomang imbestigasyon kaugnay ng nakaraang halalan. Ayon kay COMELEC Chairman George Erwin Garcia, matagal na nilang sinagot at pinabulaanan ang mga paratang na ibinabato laban sa kanila. Aniya, ang halalan ay naging maayos, matapat at tahimik at pinatotohanan ng mga grupong tumutok nito tulad ng PPCRV, European Union, ilang embahada, simbahan, paaralan, at iba pang mga organisasyon. Ayon kay Garcia, ang mga salungat na opinyon ay bahagi ng isang bansang may demokrasya. Ginawa ni Garcia ang pahayag kasunod ng…
Read More‘REGISTER ANYTIME, ANYWHERE’ PILOT TESTING ISASAGAWA
ISASAGAWA na ng Commission on Elections (Comelec) ang pilot testing ng ‘Register Anytime, Anywhere’ program nito sa National Capital Region (NCR) kapag natuloy ang voters registration sa susunod na buwan. Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, asahan ang pagsasagawa ng voters registration sa piling hospitals, call centers, transport terminals, airports at iba pang public places. Mayroon din aniyang registration kahit sa gabi. Aniya, kapag mayroon nang mas mahabang panahon ng voters registration, maaari nang gamitin ang programang ito sa buong bansa. Kahit na ang nationwide voter registration period ay mula…
Read More