4 KATAO DINAMPOT SA DEMOLISYON SA TONDO

DINAKIP ng mga tauhan ng Manila Police District ang apat na residente na humarang at nanakit umano ng mga pulis sa demolisyon sa Mayhaligue Street na sakop ng Brgy. 262 at 264 sa Tondo, Maynila. Kabilang sa hinuli ang umano’y ilang nambato nang simulan muli ang demolisyon na sandaling itinigil dahil sa pagbuhos ng ulan. Atras-abante ang mga tauhan ng District Mobile Force Battalion at ng mga tauhan ng Demolition Team makaraang iutos ni Sheriff Raymundo Roxas ng Metropolitan Trial Court na pansamantalang itigil ang gibaan. Napilitang bombahin ng Bureau…

Read More

Habang may load limit sa San Juanico Bridge SAMAR PORT PAGANAHIN – DOTr

HINILING ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon sa mga opisyal ng Eastern Visayas na paganahin ang Amandayehan port sa Basey, Samar sa loob ng dalawang linggo para tugunan ang mga hadlang sa logistics sa gitna ng San Juanico Bridge load limit. Noong Linggo ay binisita ni Dizon ang Tacloban at Amandayehan ports, kung saan sinabi nito na ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tiyakin ang ‘uninterrupted movement’ ng mga suplay sa pagitan ng Leyte at Samar provinces sa kabila ng limited access sa mahalagang tulay. “This is…

Read More

NEGOSYANTENG TRANSWOMAN, HINALAY NG CHINESE SA RESORT

BATANGAS – Isang 25-anyos na negosyanteng transwoman ang hinalay umano ng isang Chinese national sa isang resort sa Barangay Ligaya, sa bayan ng Mabini sa lalawigan noong Sabado. Ayon sa report ng Mabini Police, personal na nagtungo sa himpilan ng pulisya ang biktimang kinilalang si “Larc”, residente ng Las Piñas City, upang i-report ang insidente. Lumabas sa inisyal na imbestigasyon, bago ang insidente, dakong ala-1:00 ng madaling araw, nakatanggap ng banta ang biktima mula sa suspek, na kinilalang si Ehrron Sy, 23, Chinese national, at isa ring negosyante, na ipakakalat…

Read More

Suspek na ex-tanod, nag-suicide 3 BRGY. OFFICIALS ITINUMBA SA FLAG RAISING CEREMONY

CAVITE – Patay ang tatlong barangay officials makaraang pagbabarilin sa gitna ng isinasagawang flag raising ceremony, ng isang dating barangay tanod at pagkaraan ay nagbaril sa sarili ang suspek sa insidenteng nangyari sa Dasmariñas City nitong Lunes ng umaga. Pawang isinugod sa magkakahiwalay na ospital ang mga biktimang sina alyas “Raul”, barangay chairman; “Marvin”, 54, barangay kagawad, at “Jose”, 65, barangay kagawad, pawang ng Barangay Salitran 3, Dasmariñas City, subalit pawang idineklarang patay na dahil sa tama ng bala sa katawan. Malubha namang nasugatan si alyas “Christine”, SK secretary, na…

Read More

NUEVA VIZCAYA GINGER CAPITAL NG PILIPINAS – DA

UPANG mas mapaunlad ang produkto ng luya, opisyal na idineklara ng Department of Agriculture (DA) ang Nueva Vizcaya bilang “Ginger Capital ng Pilipinas,” hudyat ng mas nakatutok na pagsisikap ng gobyerno na i-channel ang resources tungo sa pagpapalakas ng produksyon ng high-value crop na ito sa Cagayan Valley region. Sinabi ng DA, paulit-ulit na binibigyang-diin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang pangangailangang itaas ang produktibidad sa agrikultura, lalo na para sa mga pampalasa tulad ng luya, bilang pundasyon ng layunin ng kanyang administrasyon na pasiglahin ang ekonomiya sa mga kanayunan…

Read More

‘KASABWAT’ NI HARRY ROQUE AT CASSANDRA ONG HULI NG CIDG

NADAKIP sa inilunsad na manhunt operation ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang umano’y kapwa akusado nina dating presidential spokesman Atty. Harry Roque at Cassandra “Cassy” Ong sa kasong human trafficking sa Pampanga. Ayon kay PNP-CIDG chief, Maj. General Nicolas Torre, nasakote sa ikinasang law enforcement operation ng CIDG Regional Field Unit 3 – Special Operations Team, katuwang ang CIDG Pampanga Provincial Field Unit. ang isa sa mga kapwa akusado nina Roque at Ong na kinilala muna sa alyas “Marlon”, sa Brgy. Tabun, Mabalacat City, Pampanga. Si Marlon ay…

Read More

P15.8-B COUNTERFEIT GUESS PRODUCTS NASAMSAM NG BOC

TINATAYANG aabot sa P15.8 bilyong halaga ng counterfeit Guess products at iba pang brand at fake signature products, ang nasamsam ng mga operatiba ng Bureau of Customs kasama ang mga tauhan ng Guess, sa isang kilalang clothing at accessories company. Sa utos ni President Ferdinand R. Marcos Jr. na wakasan na ang illegal trade at protektahan ang ang Filipino consumers, sinalakay ng Bureau of Customs (BOC), katuwang ang global brand Guess, ang ilang bodega sa Divisoria at dito nadiskubre ang 1.727 milyong piraso ng counterfeit products na nagkakahalaga ng P15.8…

Read More

COSETENG NANGUNGUNA SA 12 APPCU 2025 LAUREATES

PARARANGALAN si dating senator Anna Dominique “Nikki” Marquez-Lim Coseteng, na inilarawan bilang isang “distinguished public servant, educator and cultural and sports advocate”, sa susunod na linggo bilang nag-iisang Hall of Fame laureate ng 5th Award for Promoting Philippines-China Understanding (APPCU). Nangunguna si Coseteng sa 11 pang nanalo na pararangalan sa tatlong iba pang kategorya na inihayag sa press conference noong Lunes ni Chairman Raul L. Lambino ng Association of Philippines-China Understanding (APCU). Ang gabi ng parangal ay gaganapin sa Hunyo 3 sa Manila Hotel, ani Lambino, na minarkahan ang ikalimang…

Read More

MGA PNP CHIEF CONTENDER NAHAHARAP SA HAMON

pulis

MARAMI ang nakatutok ngayon sa mga pinagpipilian na susunod na Philippine National Police (PNP) chief na posibleng mahaharap sa hamon kasunod ng utos ng Malakanyan na dakpin ang isang dating senior police officer na sangkot sa pagdukot at pagpatay sa negosyanteng si Jee Ick Joo. Matatandaang ipinag-utos ni executive secretary at Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) chairman Lucas Bersamin ang paglulunsad ng isang manhunt operation laban kay Rafael Dumlao III na suspek sa pagpatay sa nasabing South Korean businessman noong 2016. Target ni Secretary Bersamin ang mabilis na pag-aresto sa…

Read More