DPA ni BERNARD TAGUINOD PANAHON na naman ng balimbingan sa mundo ng pulitika dahil pagkatapos ng eleksyon ay may mga nanalong congressman ang inaakala mong magiging fiscalizer sa Kongreso dahil mula sila sa partidong nagpapakilalang oposisyon pero sasama na sa administrasyon. Tulad na lamang nitong 4 sa 6 congressmen na nanalo sa ilalim ng Liberal Party (LP) na kinumpirma ni Quezon Rep. David Suarez na lumagda na raw sa manifesto para suportahan ang speakership bid ulit ni Tacloban Rep. Martin Romualdez. Hindi pa pinangangalanan kung sino ang LP solons na…
Read MoreAuthor: admin 3
PAGIGING BUKAS NI PBBM NA MAKIPAG-USAP SA MGA DUTERTE PINAGDUDAHAN
PUNA ni JOEL O. AMONGO AKALA ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., ay huhupa na ang galit sa kanya ng taumbayan dahil sinabi niya na bukas siyang makipag-usap sa mga Duterte, sa panayam sa kanya ni Anthony Taberna kamakailan, ngunit nagkakamali siya. Kabaliktaran ang nangyari, lalo pang naglabasan ang iba’t ibang reaksyon ng netizens laban kay PBBM. Nariyan ang mga nagsabi na totoo ang sinabi kamakailan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na mahinang klaseng lider o weak leader si PBBM. Bakit kamo? Walang tibay na maaasahan sa kanya ang mga…
Read MoreBAYANING PULIS
AT YOUR SERVICE ni KA FRANCIS BINIGYANG-PUGAY ni Philippine National Police (PNP) chief, General Rommel Marbil, si Police Staff Sergeant Carlo Sotelo Navarro, 45-anyos, nakatalaga sa BF Homes Police Substation (SS-5). Ito ay pagtalima sa kautusan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa tapat at matapang na serbisyo sa sambayanang Pilipino na ipinamalas ni Sgt. Navarro, ang kanyang wagas na katapangan habang tumutugon sa tawag sa kanyang tungkulin bilang isang awtoridad noong Mayo 23, 2025. Bandang alas-10:45 ng umaga ay nagresponde sina PSSg. Navarro at PSSg. Maret, kasama ang…
Read MoreLotilla sa DENR kinuwestyon RESHUFFLE NI BBM SABLAY PA RIN?
PINAGDUDAHAN ng incoming na mambabatas sa Kamara ang pagiging epektibo ng pagbalasa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang mga gabinete dahil may ilan sa kanila na hindi nababagay sa pinaglagyang pwesto. Inihalimbawa si Department of Energy (DOE) Sec. Raphael “Popo” Lotilla na inilipat ni Marcos sa DENR matapos tanggapin ang courtesy resignation ni dating DENR Secretary Maria Antonia Yulo Loyzaga. Nababahala si Act Teacher Rep-elect Antonio Tinio sa pagkakaugnay umano ni Lotilla noon sa mga industriya na laging tumututol kapag may aksyon para protektahan ang kapaligiran. “Secretary Lotilla’s background…
Read MorePSA, NBI HINAHANAP NA SINA ‘MARIAN RIVERA’ AT “CHEL DIOKNO’
KUMIKILOS na ang Philippine Statistics Authority (PSA) at National Bureau of Investigation (NBI) para alamin kung may kapangalan si party-list representative-elect Atty. Chel Diokno at aktres na si Marian Rivera na parehong tumanggap umano ng confidential funds ni Vice President Sara Duterte-Carpio. Kasunod ito ng paghingi ng Kamara ng tulong sa dalawang nabanggit na ahensya matapos matuklasang may recipient na nagngangalang ‘Chel Diokno’ at ‘Marian Rivera’ sa confidential funds ng pangalawang pangulo at pumirma pa sa acknowledgement receipt (AR). Ayon kay Lanao del Sur congressman Zia Alonto Adiong ng Lanao…
Read MoreALOKASYON NG PARTY-LIST SEATS KINUWESTYON SA SC
NAGHAIN ng petisyon ang OFW Party-list sa Korte Suprema (SC) nitong Lunes upang humiling ng muling pagsusuri sa pagkalkula para sa mga partidong maaaring makaupo sa ika-20 Kongreso. Sa kanilang petisyon para sa certiorari, pinarerepaso ng grupo ang pagkalkula ng alokasyon ng mga panalong party-list seats gamit ang isang formula na hindi nagpapahintulot ng karagdagang upuan para sa mga nakakuha ng 2% ng kabuuang boto. Nakakuha ng tig-tatlong upuan ang Akbayan, Duterte Youth at Tingog. Tig-dalawang upuan naman ang napanalunan ng 4Ps, ACT-CIS at AKO BICOL. Sa kabuuan, may 48…
Read MoreMatapos mangulelat sa midterm polls NETIZENS ‘RERESBAKAN’ NI REVILLA
AMINADO si Senador Ramon Bong Revilla Jr. na isa sa naging dahilan ng kanyang pagkatalo sa nakalipas na halalan ay ang naglipanang fake news na tinarget ang kanyang pagkatao. Dahil dito, sinabi ni Revilla na panahon nang aksyunan ang mga nagpapakalat ng fake news para na rin sa kapakanan ng kabataan na naloloko sa iba’t ibang pahayag dahil hindi nila alam ang mga pangyayari sa nakalipas na mga taon. Aminado si Revilla na malungkot siya sa naging resulta ng halalan subalit binigyang-diin na inirerespeto niya ang naging pasya ng taumbayan…
Read MorePUBLIKO PINAG-IINGAT SA MGA SAKIT NA DALA NG PABAGO-BAGONG PANAHON
PINAALALAHANAN ng Department of Health (DOH) ang publiko na maaaring magdala ng mala-trangkasong sakit o influenza-like illness (ILI) ang nararanasang pabago-bagong panahon. Ayon kay Health Secretary Ted Herbosa, bagama’t mas mababa ang bilang ng mga naitatalang kaso ng ILI ngayong taon kumpara sa kaparehong panahon noong 2024, ay hindi aniya dapat magpabaya ang publiko. Kaya naman payo ng kalihim, kung nakararamdam na ng sintomas ng malatrangkasong sakit ay ugaliing magsuot ng face mask, manatili sa bahay, takpan ang ilong at bibig kapag umuubo, siguruhin ang magandang airflow, kumain ng masusustansyang…
Read MoreSUSPEK SA PAGPATAY SA GINANG NA ITINAPON SA PAYATAS, ARESTADO
IBINIDA ni Quezon City Police District DDDA officer-in-charge Colonel Randy Glenn Silvio ang matagumpay na pagkakaaresto sa isang alyas ‘Felimon’, 47 taong gulang at residente ng Barangay Payatas sa Lungsod Quezon, na suspek sa pamamaslang sa isang ginang nitong nakalipas na Mayo 14, 2025. Sinabi ng QCPD na nadakip ang suspek sa isinagawang manhunt operation ng Payatas Bagong Silangan Police Station (PS 13) dakong alas-8:00 ng gabi noong Mayo 23, 2025 sa San Antonio Subdivision sa Brgy. Langkiwa sa Biñan City, Laguna. Batay sa ulat ni QCPD PS 13 chief…
Read More