UMABOT sa 29 local candidates ang inisyuhan ng show cause orders ng Commission on Elections o Comelec Committee on Kontra Bigay (CKB) dahil sa posibleng vote buying na itinuturing na isa sa mga election offense at posibleng ground for disqualification. Inihayag ng Commission on Elections (Comelec), may tatlong araw na ultimatum na ibinigay para sagutin ng unang sa siyam na kandidato na tatakbo sa May 12 elections, ang inilabas na show cause orders (SCO) dahil sa mga alegasyong paglabag sa mga patakaran ng kampanya. Kabilang sa mga paratang ang pagbili…
Read MoreAuthor: admin 3
POPE MOBILE MASISILAYAN SA SANCTUARIO DE SAN ANTONIO PARISH
MASISILAYAN na sa Sanctuario de San Antonio parish sa Forbes Park, Makati City simula Abril 25 ang naka-display na sasakyang ginamit ni Pope Francis nang bumisita ito sa Pilipinas noong 2015. Ang “Pope Mobile” o karaniwang tinawag na “Pope Jeep” dahil ito ay hawig sa pampublikong jeepney na dumaraan sa mga lansangan ng Maynila, ay maaaring masilayan hanggang Linggo, Mayo 4, 2025 sa ganap na ika-6:00 ng gabi. Ginamit ng papa ang isang customized jeepney bilang kanyang POPE MOBILE, isang sasakyan na idinisenyo upang ipakita ang diwa ng talino ng…
Read MoreTUMARGET KAY MAYOR JOEL RUMA, SNIPER– PNP
POSIBLENG sniper ang bumaril kay Rizal, Cagayan Mayor Joel Ruma na naging sanhi ng kanyang pagkamatay habang nangangampanya sa Barangay Iluhu sa nabanggit na bayan. Ayon kay PNP Public Information Office chief, Police Col. Randulph Tuaño, lumitaw sa paunang imbestigasyon na may isang tama ng bala ng 5.56 caliber sa balikat ni Ruma at tinamaan din ang kanyang vital organ na tumagos sa katawan na nagresulta sa kamatayan nito. Ayon sa ulat na nakarating sa Camp Crame, isang putok ang narinig sa malayo na pinaghinalaang sniper na bumaril sa alkalde…
Read MorePAGBABANTA SA ILANG MEDIAMEN IDINULOG NG PTFoMS SA PNP
PATULOY ang pakikipag-ugnayan ng Presidential Task Force on Media Security (PTFOMS) sa pamunuan ng Philippine National Police kasunod ng mga ulat na tumitindi ang banta sa seguridad ng mga kasapi ng media habang papalapit ang May 2025 Midterm election. Ayon kay kay PTFOMS Executive Director Undersecretary Jose Torres Jr., kasalukuyang nakikipag-ugnayan sila sa PNP upang beripikahin ang mga paratang at magsagawa ng threat assessment upang masuri ang mga banta sa seguridad ng mga mamamahayag lalo na ngayong election period. Tahasang inihayag ni Usec Jose Torres Jr., siniseryoso ng kanilang tanggapan…
Read MoreBARIL, BALA NABUKING SA CHECKPOINT
CAVITE – Nabuking ang itinatagong baril at bala ng isang motorcycle rider na unang sinita dahil sa hindi pagsusuot ng helmet sa Naic City noong Huwebes ng gabi. Nahaharap sa kasong paglabag saRepublic Act No. 10591o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act na may kaugnayan saOmnibus Election Code (BP Blg. 881) at resistance and disobedience ang suspek na si alyas “Mario”, 36, isang laborer, at residente ng Brgy. Timalan, Concepcion, Naic, Cavite. Ayon sa ulat, bandang alas-9:45 ng gabi, pinara ang minamanehong motorsiklo ng suspek ng mga operatiba ng Naic…
Read MoreMAHIGIT P1-M SHABU NASABAT SA BUY-BUST
CAVITE – Mahigit P1 milyong halaga ng umano’y shabu ang nasamsam matapos maaresto ang isang hinihinalang tulak na nasa listahan ng high value individuals (HVIs) ng pulisya, sa isinagawang buy-bust operation sa Bacoor City noong Huwebes ng gabi. Ayon sa ulat, bandang alas-8:45 ng gabi, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Drug Enforcement Unit ang Bacoor Component City Police Station sa Brgy. Zapote 11, Bacoor City na nagresulta sa pagkakaaresto kay alyas “Kuya”. Nakumpiska mula sa suspek ang tinatayang 180 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug…
Read MoreCHINESE-CONTROLLED SENATE, HOR IBINABALA NI TULFO
At a press conference, senatorial frontrunner ACT-CIS Rep. Erwin Tulfo said foreign interference is real and coordinated, aiming to install a legislature that would follow Beijing’s agenda and weaken Philippine sovereignty. “Obviously, ang lumalabas, parang gusto ng China ay Chinese-controlled Senate, Chinese-controlled House of Representatives,” Tulfo said. “Kaya nasa kamay po ng tao, ng Pilipino, ng mga botante natin. If you want a Chinese-controlled Senate and House of Representatives, then alam niyo na ho what’s going to happen,” he warned. Tulfo said the Chinese campaign goes beyond disinformation and includes…
Read MoreVP SARA, ISKO SANIB-PWERSA
NAGSANIB-PWERSA na sina Vice President Sara Duterte at Manila mayoral candidate Isko Moreno. Kasunod ito ng pagdalo ni VP Sara sa campaign rally ng Yorme’s Choice sa Mayhaligue, Distrito dos ng Maynila noong Huwebes ng gabi at pag-endorso ng Bise Presidente sa Team Duterte para sa May 12 elections. Sinuportahan din ni VP Sara si Isko na tumatakbong alkalde ng Maynila gayundin ang kanyang buong tiket dahil naniniwala siyang maganda ang kanilang mga layunin na mamuno sa lungsod. Inilarawan niya kung gaano kabuti ang pamamalakad ni Domagoso sa Maynila noong…
Read MoreKAHALAGAHAN NG TURISMO, INFRA DEVELOPMENT SA PAG-UNLAD DINIINAN NI CAMILLE VILLAR
SA pagbanggit sa malaking potensyal ng Benguet bilang destinasyon ng turismo, nangako ang millennial senatorial candidate na si Camille Villar na itutulak ang higit pang mga proyekto na magtataguyod sa lalawigan at sa natitirang bahagi ng Cordillera Autonomous Region (CAR) bilang pangunahing destinasyon sa paglalakbay sa bansa. Sa pagsasalita sa ika-113 Founding Anniversary ng Itogon noong Huwebes, ipinahayag ni Camille Villar ang kanyang paghanga sa mamamayan nito, sa mayamang kasaysayan at likas na yaman nito. Nangako ang batang Villar na ipagpapatuloy ang mga proyektong magsusulong ng pag-unlad sa rehiyon, na…
Read More