9 ‘JUMPER, WIPER BOYS’ NALAMBAT SA MAYNILA

TATLONG “Jumper boys” at anim na “Wiper boys” ang nalambat ng mga tauhan ng Manila Police District sa sunod-sunod na operasyon sa Tondo at Sampaloc, Manila. Isinagawa ang operasyon ayon sa direktiba ni Manila Police District Director, Police Brigadier General Andre Perez Dizon, sa kanyang 14 station commanders na sugpuin ang ilegal na mga aktibidad ng “Jumper boys” at “Wiper boys” na karamihan ay mga menor de edad. Isinagawa ang operasyon mula Setyembre 28 hanggang Oktubre 1, nagresulta sa nakumpiskang mga baril at patalim. Sinampahan ang mga ito ng iba’t…

Read More

HVI TIMBOG SA TINANGGAP NA DAMO MULA SA COURIER

LAGUNA – Arestado ang isang high value individual drug personality matapos nitong i-claim ang isang package na naglalaman ng mga pinatuyong dahon ng marijuana mula sa isang courier services sa Brgy. Langgam, San Pedro City noong Biyernes ng hapon. Huli sa akto ang suspek na si Kim Vladimir Que, habang kinukuha nito sa Flash Home Courier sa Barangay Langgam, ang isang kahon na naglalaman ng mga pinatuyong dahon ng marijuana na tinatayang may timbang na 5.5 kilos at may DDB value na P660,000. Hindi nito alam na may nag-aabang na…

Read More

POSTE TINAMAAN NG KIDLAT, MAG-ASAWA NAKURYENTE

CEBU – Napaso ang iba’t ibang bahagi ng katawan ng mag-asawa nang mabagsakan ng mga kable matapos tamaan ng kidlat ang poste ng kuryente habang dumadaan ang mga ito sakay ng kanilang motorsiklo sa Barangay Laray, bayan ng Consolacion sa lalawigang ito, noong Biyernes ng hapon. Kinilala ng mga biktimang sina Nillo Jusol 52, at Aida Jusol, 48, mga residente ng Barangay Jugan. Ayon sa report ng Consolacion, Cebu, dakong alas 2:00 ng hapon, magkaangkas ang mag-asawa sa motorsiklo at tinatahak ang municipal road sa kasagsagan ng mahinang pag-ulan, ngunit…

Read More

KANDIDATONG KAGAWAD PATAY SA PANANAKSAK SA LAGUNA

LAGUNA – Patay ang isang miyembro ng LGBTQ na kandidato sa pagka-barangay kagawad, matapos saksakin ng kanyang kainuman sa bayan ng Victoria sa lalawigang ito, noong Sabado ng madaling araw. Kinilala ang biktimang si Marvin Laluz, 29, residente ng Brgy. San Felix, Victoria. Ayon sa report ng Victoria police, dakong alas -3:00 ng madaling araw nang madiskubre ang biktima na nakahandusay sa harap ng kanyang bahay at tadtad ng mga tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Agad itong isinugod sa Bay Medical Center subalit idineklarang dead on…

Read More

SIM CARD, NATIONAL ID ISUSUNOD NG HACKERS

HINDI malayong isunod na atakihin ng mga hacker ang database ng subscriber identity module (SIM) card registration at National ID System matapos ang kanilang pag-atake sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth). Babala ito ni House deputy minority leader France Castro kasabay ng apela sa ibang ahensya ng gobyerno partikular sa National Telecommunications Commission (NTC), Department of Information Communication Technology at Philippine Statistics Authority (PSA) na matuto sa karanasan ng PhilHealth. “The PhilHealth hacking should serve as a wake up call for government agencies to be extra vigilant in protecting the…

Read More

MAKABUBUTI BA ANG AI?

PARA maiwasan ang pag-abuso sa artificial intelligence o AI, kailangang mag-usap-usap at magtulungan ang mga sektor at industriyang gumagamit at gagamit pa nito, ayon sa mga ekspertong dumalo sa isang summit ng news site Rappler kamakailan. Sa 2023 Social Good Summit (SGS), na ginanap nitong Setyembre 16 sa Samsung Hall sa Taguig City, pinag-usapan ng mga panelist kung paanong magiging bukas ang mga organisasyon at ang lipunan sa mga reporma at bagong idea sa larangan ng teknolohiya. Sa pamamagitan ng mga ito, anila, mababawasan, kung hindi man mapipigil, ang perwisyong…

Read More

PAGPASOK SA BANSA NG BILYONG DROGA SISILIPIN NG KAMARA

MAGSASAGAWA ng malalimang imbestigasyon ngayon, Oktubre 9, ang House committee on dangerous drugs hinggil sa sunud-sunod na pagpasok ng bilyon-bilyong halaga ng droga sa bansa nitong mga nagdaang araw at linggo. Nitong Oktubre 4, naharang ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Philippine National Police (PNP) at Philippine Coast Guard (PCG) ang 323 kilos ng shabu na nagkakahalaga ng P2.2 bilyon na nakasilid sa isang shipment ng beef jerky galing sa bansang Mexico. Inatasan ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez si Cong. Robert Ace…

Read More

PRESYO NG LANGIS POSIBLENG BUMABA PA

ANG pagbaba ng presyo ng langis sa world market ay isang ‘welcome news’ sa mga mamimili. Inaasahan na mata-translate ito sa mas pagbaba ng fuel costs at sa kalaunan ay mabawasan ang presyur sa inflation. Sa isang news forum sa Quezon City, sinabi ni Rizal Commercial and Banking Corp. (RCBC) chief economist Michael Ricafort na ang presyo ng langis ay nakapagtala ng mahalagang pagbaba sa nakalipas na dalawang araw, bumaba ng US$82 hanggang US$83 kada bariles mula sa US$95 nito lamang Setyembre 28. “At least that’s isa sa mga problema…

Read More

PLAQUE AT CASH SA GILAS, IBA PANG ATLETA SA ASIAN GAMES

PARARANGALAN ng House of Representatives sa pangunguna ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang Gilas Pilipinas Basketball Team matapos iuwi ang gintong medalya sa bansa, makaraan ang 61-taon. Matatandaang tinalo ng Gilas ang Team Jordan sa score na 70-60 sa China noong Biyernes. Ayon kay Speaker Romualdez, “Gilas taught us Filipinos once again our resilience against all odds, yun bang never surrender attitude.” “Maraming salamat Gilas at maraming salamat sa mga atleta na nag-uwi din ng medalya,” dagdag pa ni Speaker Romualdez. Kasama ang lahat ng miyembro ng Kongreso, bibigyan…

Read More