BINATILYO NALIGO SA DAM, PATAY SA KIDLAT

BULACAN – Isang 17-anyos na binatilyo ang namatay habang naliligo sa Bustos Dam nang biglang bumuhos ang malakas na ulan kasabay ng matalim na kidlat na tumama sa biktima sa bayan ng Bustos sa lalawigang ito, noong Martes.

Base sa report ng pulisya, hindi pinangalanan ang biktimang binatilyo na nagawa pang maisugod sa pagamutan ngunit idineklarang dead on arrival bunga ng matinding sugat sa ulo at katawan matapos tamaan ng kidlat.

Hindi naging madali ang pagsagip at pagkuha sa biktimang habang nasa malalim na bahagi ng dam dahil sa malakas na ulan at patuloy na pagkidlat hanggang sa maiahon ito at madala sa Bustos Community Hospital ngunit hindi umabot nang buhay. (GINA BORLONGAN)

95

Related posts

Leave a Comment