JOBLESS ARESTADO SA PAGNANAKAW

NAHAHARAP sa kasong “Robbery with Violence Against or Intimidation of Persons sa ilalim ng Revised Penal Code Article 294 ang 21-anyos na most wanted person ng District level, makaraang matunton sa Gate 17 Parola Compound, Barangay 20, Zone 2, Tondo, Manila, Lunes ng gabi.

Sa ulat ni Police Major Rommel Purisima, hepe ng District Special Operation Unit (DSOU) – Manila Police District, bandang 8:30 ng gabi nang makuwelyuhan ang suspek na si Peter John Amurao, jobless, ng Angalo Street, Binondo, Manila.

Nasukol ang suspek sa pinaiiral na ” Oplan Galugad” at Simultanious Anti-Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO) ng DSOU sa direktiba ni MPD – Director Police Brigadier General Andre Perez Dizon.

Sa pangunguna ni Police Lieutenant Lyn Del Monte, team lider ng grupo, kasama si Executive Master Sergeant Dedimo Alviar Jr. at ilang tauhan nito ay nasukol ang suspek. (RENE CRISOSTOMO)

133

Related posts

Leave a Comment