OIL SPILL SA MINDORO UMABOT NA SA ISLA VERDE SA BATANGAS CITY

UMABOT na sa baybayin ng Isla Verde sa Batangas City, ang oil spill sa Mindoro Oriental, ayon sa opisyal ng Philippine Coast Guard nitong Lunes.

Ang pagkalat ng oil spill sa Verde Island passage na itinuturing na sentro ng marine shore fish biodiversity sa mundo, ang siyang ikinababahala ng mga awtoridad dahil sa posibleng maging pinsala nito sa mas maraming kabuhayan at sa kalikasan.

Nauna nang sinabi ng University of the Philippines Marine Science Institute (UP-MSI) na dapat mapigil ang pag-agos ng langis bago matapos ang panahon ng Amihan na umiihip patungong south direction, dahil kung hindi magagawa, ay maaaring maapektuhan ang mas delikadong biodiversity na nasa mga lugar ng Verde Island Passage.

Base sa datos ng Pag-Asa, ang Amihan ay nasa huling linggo na ngayon.

Ayon pa sa pahayag ng UPMSI nitong  Linggo, base sa pinakahuling satellite image noong Marso 15, ang langis ay tumatagas pa rin mula sa lumubog na tanker.

Nauna rito, nagbabala ang UPMSI na ang oil spill trajectory ay nagpapakita ng pagbabago ng direksyon at naaanod pa norte  kung saan ang Calapan City, Oriental Mindoro ang siyang posibleng dapuan ng karamihan ng langis sa mga petsaang mula Marso 20 hanggang 22.

Ayon sa UPMSI, ang agos ng karagatan pakanluran sa baybayin ng hilagang Mindoro patungo sa Verde Island Passage, ay tinatayang magiging mas malinaw para sa nasabing petsa.

Ang hanging Amihan aniya, na nagtaboy ng karamihan sa tumapong langis sa mga baybayin ng Naujan at Pola noong nakaraang mga linggo, ay mas paiba-iba na ngayon at posibleng maglagay sa sitwasyon na ang langis ay kumalat pa-norte, ayon pa sa pinakabagong advisory ng UPMSI. (NILOU DEL CARMEN)

258

Related posts

Leave a Comment