PAGPAPALAKAS SA EXTERNAL DEFENSE NG PINAS HIRIT NI TULFO

NANAWAGAN si House Majority Floor Leader Erwin Tulfo sa Executive Department at sa mga kasamahan sa lehislatura na mag-focus na sa pagpapaigting sa depensa ng Pilipinas laban sa mga bansa na gustong sumakop dito.

Sa isang panayam sa radyo kamakailan, sinabi ni Cong. Tulfo na napapanahon na ring pagtuunan ng pansin ang depensa ng bansa sakaling lusubin ito mula sa labas.

Ayon kay ACT-CIS Rep. Tulfo, “ilan taon nating pinalakas ang ating AFP (Armed Forces of the Philippines) at PNP (Philippine National Police) laban sa sa mga rebelde at terorista”.

“Its time na mag-focus naman tayo sa pagbili ng mga barkong pandigma at mga fighter jets, at kung kaya pa ay samahan ng air defense system din laban sa mga incoming missiles,” dagdag pa ng mambabatas.

Aniya, “hindi naman pwedeng lagi na lang tayo umasa sa ating mga kaibigan para sa ating external security.”

“Ang nangyayari sa West Philippine Sea ay senyales na bulnerable ang bansa na sakupin ng kahit sino na mananakop,” aniya pa.

Suhestiyon niya na maaaring magpasa ang Pilipinas ng “wishlist” sa mga kaalyadong bansa tulad ng US, Japan, South Korea, at iba pa para sa mga kailangang gamit ng AFP kung wala pang budget para dito at kung hindi naman pwedeng mag-loan ang Pilipinas.

“Bakit di natin subukan lumapit sa Amerika dahil nagbibigay naman sila ng military aid o grant sa mga maliliit na bansa na kaalyado nito kapag tingin nila na dehado ang kanilang kaibigan,” paglilinaw ni Tulfo.

Isa ang US sa mga bansang pinoproblema ang sitwasyon sa South China Sea ngayon dahil inangkin na ng China ang buong karagatan at sinakop pa ang mga teritoryo ng ibang bansa tulad ng sa West Philippine Sea.

Ayon kasi sa Amerika, dapat ay malayang makapaglayag ang sinomang bansa sa South China Sea at hindi ito dapat harangin ng China.

85

Related posts

Leave a Comment