PULIS BINARIL SA SURVEILLANCE OPERATION

CAVITE – Sugatan ang isang pulis nang barilin ng isang suspek nang magsagawa ang mga awtoridad ng surveillance operation sa Bacoor City noong Linggo ng hapon.

Nilalapatan ng lunas sa St. Dominic Hospital ang biktimang si Patrolman Mark Paolo Quizon, 27, nakatalaga sa PNP Intel Section ng Bacoor CPS, dahil sa mga tama ng bala sa kanang dibdib at hita.

Naka-hospital arrest naman ang suspek na si Eugene Palicpic, 33, ng Barangay Zapote 2, Bacoor City, matapos isugod sa Southern Tagalog Regional Hospital, dahil sa sugat sa katawan, habang pinaghahanap ang kasamahan nito na kinilalang si Alberto Cezar.

Ayon sa ulat ni Police Master Sergeant Armando Perez ng Bacoor City Police, bago ang insidente, nakatanggap ng tawag ang Bacoor CPS hinggil sa isang tao na may dalang baril sa Brgy. Zapote 2, Bacoor City, dakong alas-2:30 ng hapon.

Agad namang nagresponde ang mga pulis kung saan pagdating sa lugar ay agad na nagpaputok si Palicpic at tinamaan si Quizon.
Gumanti naman ng putok ang mga pulis kaya tinamaan si Palicpic habang nakatakas si Cezar. (SIGFRED ADSUARA)

234

Related posts

Leave a Comment