ISINUSULONG ni Senador Imee Marcos ang panukala na muling magpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections
Alinsunod sa Senate Bill 2067, nais ni Marcos na maiurong ang eleksyon sa October 2027 na nakatakda ngayong Nobyembre.
Nangangamba si Marcos na posibleng maraming hindi makaboto sa Nobyembre dahil hindi makauwi sa kanilang mga lalawigan bunsod ng mataas na pamasahe at presyo ng mga bilihin.
Ipinaliwanag ng senadora na kasunod ang eleksyon ng paggunita ng Undas na mahalaga para sa mga Pinoy pero posible rin anyang hindi na muna gastusan dahil sa hirap ng buhay.
Kung ipagpapaliban anya ang eleksyon ay magkakaroon ng sapat na panahon ang mga botante na ilipat o ipa-update ang kanilang rehistro.
Maari rin anyang gamitin muna ng gobyerno ang P16 billion na pondo para sa halalan sa pagtulong sa mga apektado ng krisis.
Sa panukala, magpapatuloy sa panunungkulan ang mga kasalukuyang opisyal ng Barangay at SK hanggang maihalal ang kapalit nila sa 2027 na bibigyan ng apat na taong termino.
(DANG SAMSON-GARCIA)
34 