12 CRIME SUSPECTS NABITAG SA VALENZUELA

UMABOT sa 12 suspek sa iba’t ibang kaso ang nadakip sa loob ng anim na araw sa Valenzuela City.

Mula Setyembre 26 hanggang Oktubre 1, kabilang sa mga arestado sina Johnson Acabal, 49, sa kasong attempted murder; Allan Fadriquilan, 54, sa kasong paglabag sa Republic Act 6425 (Possession or Use of Regulated Drugs); Henedino Leal, 51, sa kasong reckless imprudence resulting in damage to property, at Julius Taguines, 26, sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Nalambat din sina John Israel Remandabam, 33, theft; Rizza Pabilan, 26, (Estafa in relation to Cybercrime Prevention Act of 2012 – two counts); Mark Jason Magbanua, 36, (grave coercion), at Marilou Monis, 43, paglabag sa Ecological Solid Waste Management Act of 2000.

Natiklo rin sina Charielle Allan Fallore, 22, paglabag sa RA 9165; Lawrence Campued, 18, sumuway sa City Ordinance; Eldrin Felizardo, 20, lumabag din sa City Ordinance, at isang 17-anyos na child in conflict with the law (CICL).

Inilipat na sa pangangalaga ng City Social Welfare and Development Office ang hinuling menor de edad.

Bukod sa mga ito, 46 na sugarol ang dinamba nang mabulagang naglalaro ng tong-its, pusoy, cara y cruz at mahjong sa 14 na pasugalan at kinasuhan ng paglabag sa Presidential Decree 1602 o Anti-Illegal Gambling Law. (ALAIN AJERO)

181

Related posts

Leave a Comment