Binentahan pulis pala GUNRUNNER ARESTADO SA ENTRAP OPERATION

ARESTADO ang isang lalaki makaraang bentahan ng baril ang isang pulis sa entrapment operation sa Caloocan City.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act in relation to the Omnibus Election Code ang suspek na si Jeffrey Raymundo, 37, residente ng lungsod.

Ayon sa ulat, may nagnguso sa mga parak ukol sa ilegal na gawain ng suspek kaya’t ikinasa ang operasyon sa Libis Talisay, Barangay 12, Caloocan City dakong alas-4:10 ng umaga noong Mayo 17, at nang bentahan ni Raymundo ang isang undercover cop ng baril ay dinaluhong ito ng mga parak.

Kinumpiska sa supek ang isang hindi lisensyadong 9mm caliber Uzi, walong bala, isang 9mm magazine, buy-bust money, at sling bag. (ALAIN AJERO)

183

Related posts

Leave a Comment