BOC AT BI, BUMUO NG JOINT SOP PARA SA COORDINATED BORDER OPERATIONS

SUMAILALIM sa kauna-unahang magkasanib na pagsasanay ang Bureau of Customs (BOC) at Bureau of Immigration (BI) bilang bahagi ng BOC-BI Coordinated Border Operations Training na naglalayong palakasin ang seguridad sa mga border ng bansa at paigtingin ang koordinasyon ng dalawang ahensya.

Layunin ng programa na mapahusay ang kaalaman at kakayahan ng mga tauhan ng BOC at BI hinggil sa mga batas ng Customs at Immigration, operational procedures at risk management.

Tinalakay sa pagsasanay ang risk assessment, intelligence sharing, watchlist verification at tamang proseso ng referral para sa mas epektibong pagbabantay sa mga border.

Isa sa pangunahing naging resulta ng pagsasanay ang pagbuo ng panukalang Joint Standard Operating Procedure (SOP), na naglalaman ng mga protocol para sa mas mabilis na pagpapalitan ng impormasyon, coordinated screening at secondary inspection.

Ayon kay BOC Commissioner Ariel F. Nepomuceno, ang hakbang ay alinsunod sa utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na pag-isahin ang lakas at estratehiya ng mga ahensya ng pamahalaan laban sa mga banta sa seguridad at smuggling, habang pinapadali ang legal na kalakalan at pagbibiyahe.

(JESSE RUIZ)

74

Related posts

Leave a Comment