BULACAN SOLAR

KASABAY ng pagiging ­moderno ng panahon ay ang paglala ng mga suliraning pangkapaligiran ng mundo. Isa na dyan ang suliranin ng climate change. Ayon sa National Oceanic and Atmosphere Administration, ang nakaraang apat na taon ay maituturing na pinakamainit sa loob ng 139 na taon. Ito ay resulta ng inilalabas na greenhouse gas ng mga tao sa kapaligiran. Ang mga greenhouse gas na ito ay kadalasang carbon dioxide mula sa pagsusunog ng petrolyo.

Magandang balita naman dahil kasabay ng pagiging moderno ng panahon ay ang pagkakaroon ng modernong teknolohiya na may kakayahang tumugon sa nasabing suliranin.

Isa sa mga industriyang nagsusumikap aksyunan ang usapin ukol sa climate change ay ang industriya ng ­koryente. Sinisiguro ng industriya ang pagkakaroon ng sapat na ­supply ng koryente para sa bansa. Ito ay lubhang mahalaga ngayong panahon ng pandemya, at sa muling pagbangon ng ekonomiya mula sa epekto nito.

Noong unang bahagi ng buwan, sa pamamagitan ng MGen Renewable Energy, Inc. (MGreen), ang sangay ng MERALCO PowerGen (MGen) na naka-pokus sa renewable energy, ay ­sinimulan nito ang operasyon ng Php4.25 billion na solar plant sa San Miguel, Bulacan. Ang nasabing solar plant ay may 72 ektarya ang laki at tinawag na BulacanSol.

Ang opisyal na paglulunsad ng BulacanSol ay resulta ng kagustuhan at ng pagsusumikap ng MGen na ­makapaghatid ng malinis at renewable na koryente  sa mga customer nito.
Ayon kay MERALCO President & CEO Atty. Ray C. Espinosa, “In June 2019, we first announced that we will be joining the shift to ­renewable energy by adopting ­sustainable practices for the One ­

MERALCO Group. Today, we realize the first ­renewable power plant – the first of ­several that One Meralco has lined up for investment and sourcing.”

Sa muling paglala sa ­pinagdaanang mga pagsubok ng nasabing proyekto, kasama ang mga pabagu-bagong panahon at ang ­pagpapatupad ng mga lockdown, ibinahagi ni MGen President & CEO Rogelio L. Singson, “our team worked long hours to ­commission this solar project. This achievement is really all about teamwork, strive for ­excellence and hard work.”

Binigyang pagkilala rin ni Singson ang matinding suporta na kanilang natanggap mula sa lokal na pamahalaan ng San Miguel na pinangunahan ni Mayor Roderick Tiongson, mga ahensya ng pamahalaan kabilang ang Department of Energy (DOE) at Energy ­Regulatory Commission (ERC), at maging ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na siyang nagbigay ng suporta sa pagkuha ng right-of-way para sa 74 na poste at drainage system sa planta.

Ang BulacanSol ay isang pagpapatotoo sa dedikasyon ng MGen na makapagtayo at makapaglunsad ng mga proyektong may ­pagpapahalaga sa kapaligiran. Umpisa pa lamang ito. Pahayag ni Singson, “we will develop more ­renewable projects and at the same time be conscious of our need to ­generate lowest cost ­electricity to reach the farthest communities in the country.”

Batid ng MGen na mahaba pa ang landas na ­kanilang tatahakin sa industriya ng renewable energy, ngunit nangangako ito na magpapatuloy sa pagsusumikap at sa dedikasyon nito para sa pagtatagumpay ng mga susunod pa nitong proyekto.

Tiyak na marami pang ­susunod na proyekto ang MGen, sa pamamagitan ng MGreen, na karapat-dapat abangan. Hindi magtatagal ay lalaki ang kontribusyon nito sa paghahatid ng liwanag sa bansa, at sa pagpapatotoo sa tagline ng Meralco na “Ang Liwanag ng Bukas.”

218

Related posts

Leave a Comment