PATULOY na lumalaban sa kanyang sakit ang Santo Papa sa Vatican City taliwas sa ulat na pumanaw na ito.
Sa ulat ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP), mismong si Cardinal Luis Tagle ang nanguna sa banal na misa sa St. Peter’s Square para ipanalangin ang mabilis na paggaling ni Pope Francis.
Base sa kanyang huling medical bulletin, sumailalim Martes ng gabi ang Santo Papa sa CT scan para mabantayan ang kanyang bilateral pneumonia. (JULIET PACOT)
