CALL CENTER AGENT ‘SINUWAG’ NG KOTSE, PATAY

BINAWIAN ng buhay ang isang call center agent makaraang salpukin ng rumaragasang sasakyan sa may Quirino Hiway sa Novaliches, Quezon City nitong madaling araw ng Martes (Marso 25, 2025). Nakilala ang biktima na si Den Adrian John Viaje, 29 anyos, may-asawa at residente ng No. B-1 L-5, GoodWill Townhomes I, Barangay Bagbag, Novaliches. Nabatid na si Viaje ay nasawi habang ginagamot sa Quezon City General Hospital makaraang isugod sa naturang ospital. Sinabi sa investigation report ni PSMS Romeo Manzon Jr., imbestigador ng Quezon City Police District Traffic Sector 2, naganap…

Read More

PAG-ARESTO KAY FPRRD PINAGPLANUHAN NG ‘CORE GROUP’

‘SMOKING gun’ na maituturing ang pagsisiwalat ni DILG Sec. Jonvic Remulla hinggil na may “core group” na nagplano ng pag-aresto kay dating pangulong Rodrigo Duterte. Ayon kay Senator Imee Marcos, ipinakikita nito na “planado at labag sa Konstitusyon” ang hakbang ng ilang matataas na opisyal ng pamahalaan. “Ang pahayag ni Kalihim Jonvic Remulla ng Department of the Interior and Local Government na ang umano’y planong pag-aresto ay base lang sa tsismis, ay hindi kapani-paniwala,” sabi ni Marcos sa isang press briefing nitong Huwebes. Dagdag pa niya, ang hindi kapani-paniwalang pahayag…

Read More

ENRILE UTAK MARTIAL LAW PA RIN – OFWs

INUPAKAN ng isang grupo ng overseas Filipinos si Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile na tila nagbabalik umano sa dating estilo ng panggigipit. Ito’y kasunod ng pagbabanta ng ilang OFW groups na nagsusulong ng Zero Remittance Week bilang protesta sa pagkakaaresto kay dating pangulong Rodrigo Duterte. Ayon kay AKO-OFW nominee Joseph Rivera, walang rason para bawiin ang tax privileges ng mga OFW kabilang na ang income tax exemption, travel tax exemption, at marami pang iba. Dahil dito, bumuhos ang suporta ng overseas Filipino workers (OFW) sa AKO-OFW Party-list dahil…

Read More

ZERO REMITTANCE WEEK KALMADONG PROTESTA

ISANG mahinahon at kalmadong pagpapakita ng pagsalungat sa ginawa ng administrasyon, ang plano ng overseas Filipino workers (OFWs) na zero remittance week simula ngayon, Marso 28, kaysa mag-alsa, ayon kay dating Chief Presidential Counsel Atty. Salvador Panelo sa “Meet the Manila Press” forum nitong Huwebes. Sinabi ni Panelo, isang linggo lang naman ang gagawing sakripisyo ng mga OFW sa kanilang pamilya na hindi makapagpadala ng pera. Aniya, hindi naman ito makaaapekto sa kanilang pang-araw-araw at hindi rin makakaapekto sa ekonomiya. Sinabi rin ni Panelo, kusang gagawin ito ng mga OFW…

Read More

NSC, PNP at AFP nagmamatyag BIRTHDAY NI DIGONG WALANG VALIDATED THREAT

WALANG nasasagap na anomang banta sa seguridad ng bansa ang tanggapan ng National Security Council, maging ang Philippine National Police at Armed Forces of the Philippine, kaugnay sa pagdiriwang ng ika-80 kaarawan ng nakakulong na si dating Presidente Rodrigo Roa Duterte sa The Hague, Netherland. Ayon sa National Security Council (NSC), tuloy-tuloy ang kanilang ginagawang pagmamatyag sa mga kaganapan at mga aktibidad na may kaugnayan sa pag-aresto sa dating Pangulong Duterte. Nabatid na maging ang pagdiriwang ng ika-80 kaarawan ni dating Pangulong Duterte ngayong Biyernes, Marso 28,2025, ay mino-monitor ng…

Read More

AFP TINIYAK MANANATILING TAPAT SA KONSTITUSYON

“THE Armed Forces of the Philippines (AFP) remains …steadfast in its sworn duty to protect the Filipino people, defend the Constitution, and uphold democracy.” Ito ang ginawang pagtiyak kahapon ng pamunuan ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas kaugnay sa mga isyu at katanungan hinggil sa papel na ginagampanan at responsibilidad ng AFP. Ayon kay AFP Vice Chief of Staff Lt. Gen. Jimmy Larida, patuloy na pinaalalahanan ni AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner ang mga sundalo na manatiling tapat sa watawat ng Pilipinas at gawin ang trabaho nang naaayon sa…

Read More

PRO-6 REGIONAL DIRECTOR HINIRANG NA PRO-NIR OIC

ITINALAGA simula kahapon Marso 27, si Police Regional Office (PRO) 6 Director PBGen. Jack Wanky bilang Officer-in-Charge ng Police Regional Office – Negros Island Region (PRO-NIR) kasabay ng activation ng PRO-NIR. Pinasalamatan naman ni General Wanky sa kanyang talumpati sa pagtatatag ng NIR sina DILG Sec. Juanito Victor Remulla, PNP Chief General Rommel Marbil at sa pagtatalaga sa kanya na pamunuan pansamantala ang PRO-NIR. Kabilang sa dumalo sa seremonya ang Local Chief Executives ng Negros Occidental, Negros Oriental at Siquijor. Pangangasiwaan ni Wanky, bilang officer-in-charge ng NIR ang mga pulis…

Read More

MAGKAKAGULO ‘PAG NAMATAY SI DIGONG SA THE NETHERLANDS – PANELO

PINANGANGAMBAHAN ni dating Chief Presidential Legal Counsel Atty. Salvador Panelo na mag-aklas ang taumbayan at maging hudyat ng madugong kaguluhan sakaling sa The Hague, Netherlands abutan ng kamatayan si dating pangulong Rodrigo Roa Duterte. Sa idinaos na Meet the Manila Press Forum sa Orosa St., Ermita, Manila walang nakikitang masamang epekto sa ekonomiya ng bansa ang planong no remittance week ng OFW na supporters ng pamilya Duterte. Mas dapat umanong katakutan ang posibleng madugong resulta dahil kalusugan ni PRRD ang nakataya sa pagmamatigas ng gobyerno na huwag itong iuwi ng…

Read More

VP SARA LALONG NADIDIIN SA HINDI PAGSAGOT SA CIF ISSUE

LALONG nadidiin sa kasong ‘betrayal of public trust’ si Vice President Sara Duterte dahil sa patuloy nitong pagtanggi na sagutin at ipaliwanag ang mga kwestiyonableng paggasta ng kanyang confidential and intelligence funds (CIF) noong 2022 hanggang 2023, partikular na sa isyu ng mga lumitaw na pangalang nakatanggap ng pondo at pinagdududahang gawa-gawa lamang. Deklarasyon ito ng isa sa 11 House prosecution panel na si House Deputy Majority Leader Lorenz Defensor kaugnay ng patuloy na pagbabalewala ni VP Duterte sa mga inimbentong pangalan na naging recipient umano ng kanyang CIF sa…

Read More