PNA SUPORTADO ‘NURSE IN EVERY BARANGAY BILL’ NI CAMILLE VILLAR

NAGPAHAYAG ng suporta ang Philippine Nurses Association sa panukalang Nurse in Every Barangay Act ni Sen. Camille Villar. Sa pulong na ginanap nitong Lunes, sinabi ni Villar na layunin ng panukala na matiyak na may sapat na akses ang mga komunidad sa maaasahang serbisyong pangkalusugan. Sa ilalim ng panukala, bawat barangay ay magkakaroon ng hindi bababa sa isang rehistradong nars upang tumulong sa paghahatid ng pangunahing serbisyong medikal. Pinahihintulutan din ang mga local government unit na magtalaga ng karagdagang nars depende sa laki ng populasyon at pangangailangan ng komunidad. Ayon…

Read More

CAYETANO PABOR SA PANUKALANG SUPORTAHAN MGA PAARALAN SA LIBLIB NA LUGAR

Suportado ni Alan Peter Cayetano ang pag-apruba ng Senado sa panukalang magpapalakas ng suporta sa mga paaralan sa liblib at mahihirap na komunidad. Nilagdaan ng Senate Minority Leader ang committee report para sa GIDA Schools Act na naglalayong palawakin ang access sa kalidad na edukasyon para sa mga mag-aaral sa Geographically Isolated and Disadvantaged Areas. Ayon kay Cayetano, mahalaga ang edukasyon upang mabigyan ng mas maraming oportunidad ang mga Pilipino. “When the education system becomes number one in priority, talagang gaganda ang buhay ng mga Pilipino. Much more opportunities will…

Read More

FFCCCII NAGLUNSAD NG TIKTOK VIDEO COMPETITION

Naglunsad ng TikTok video competition ang Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry Inc. upang ipakita ang kontribusyon nito sa pagtatayo ng mga pampublikong paaralan sa kanayunan. Ayon kay Victor Lim, bukas sa publiko ang kompetisyon at hinihikayat ang mga kalahok na gumawa ng maiikling video na may habang isa hanggang dalawang minuto. Ang mga video ay dapat nakatuon sa Operation Barrio Schools, pangunahing civic project ng FFCCCII na nakapagpatayo na ng mahigit 6,500 pampublikong paaralan sa kanayunan mula pa noong 1961. “Ang Operation Barrio Schools ay patunay…

Read More

MGA MAG-AARAL HINIKAYAT SUMALI SA PHLPOST LETTER-WRITING CONTEST

INAANYAYAHAN ng Philippine Postal Corporation ang mga mag-aaral na edad 9 hanggang 15 na lumahok sa 55th Universal Postal Union International Letter Writing Competition for Young People hanggang Abril 10, 2026. Ang tema ngayong taon ay: “Write a letter to a friend about why human connection matters in a digital world.” Layunin ng paligsahan na hikayatin ang mga kabataan na paunlarin ang kanilang kakayahan sa pagsusulat habang pinagninilayan ang kahalagahan ng ugnayan ng tao sa gitna ng pag-usbong ng digital communication. Bukas ang kompetisyon sa mga mag-aaral mula sa pampubliko…

Read More

BALASAHAN SA PNP, IPINATUPAD NGAYONG LUNES

NAGSAGAWA ng balasahan sa ilang matataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP) ngayong araw ng Lunes. Pirmado ni Police Major General Constancio Chinayog Jr., Director ng Personnel Records and Management, ang nasabing kautusan na epektibo ngayong Marso 9. Itinalaga bilang Regional Director ng Police Regional Office 4A si PBGen Hansel Marantan na dating hepe ng Highway Patrol Group. Samantala, si PBGen Kenneth Lucas na dating Regional Director ng Police Regional Office 4A ay itinalaga bilang bagong director ng Special Action Force. Pumalit naman kay Marantan bilang hepe ng Highway…

Read More

DAWLAH ISLAMIYA SUB-LEADER NAPATAY

ISANG aktibong Dawlah Islamiya sub-leader na kumikilos sa Cotabato province, ang napatay nitong Linggo sa military operation sa bayan ng Banisilan lalawigan ng Cotabato. Kinilala ni Maj. Gen. Jose Vladimir Cagara, commander ng 6th Infantry Division, ang napatay na sub-leader ng Dawlah Islamiya-Hassan Group na si Amarudin Kulaw, alyas “Alpha King,” na minsang nagsilbing “Amir” (pinuno) ng DI Hassan Group. Batay sa ibinahaging impormasyon, nakatangap ng intel report ang Philippine Army hinggil sa presensya ni Kulaw sa Barangay Tinimbacan, Banisilan, Cotabato province kaya agad nagsagawa ng operasyon ang military bandang…

Read More

DUBAI TRAVEL NG BULACAN VICE MAYORS IIMBESTIGAHAN

POSIBLENG imbestigahan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at Commission On Audit (COA) ang mga vice mayor sa lalawigan ng Bulacan na bumiyahe patungong Dubai, United Arab Emirates, matapos ang panibagong isyu na kumakalat ngayon sa social media na ang kanilang pagbiyahe ay personal pero nag-release umano ng government funds. Nabatid sa nasabing post sa social media na sa isang panayam kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico Roque, sinasabing mayroon pinirmahan ang alkalde na travel authority para sa kanyang bise alkalde na si Vice Mayor Cris Castro. Base…

Read More

4 MOTOR INARARO NG TRUCK; 2 PATAY, 3 SUGATAN

RIZAL – Patay ang isang rider at angkas nito habang sugatan ang tatlo pang driver ng motorsiklo matapos na sila ay araruhin ng isang dump truck na nawalan ng preno habang nakahinto sa stop light sa Marilaque highway, Brgy. Sampaloc sa bayan ng Tanay sa lalawigan noong Biyernes ng hapon. Batay sa imbestigasyon ng Tanay Municipal Police Station, bandang alas-2:30 ng hapon nang mawalan umano ng preno ang dump truck habang bumabagtas sa J.P. Rizal Avenue patungo sa Sampaloc proper. Sinubukan pa umanong iwasan ng driver ng truck ang sasakyan…

Read More

DEPLOYMENT NG 800 TOURIST POLICE OFFICERS INUTOS NG DILG

NAKATAKDANG mag-deploy ng 800 tourist police officers ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa major tourism spots sa bansa sa susunod na buwan ng Abril. Ayon kay Interior Secretary Jonvic Remulla, inaprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang planong deployment ng tourist police officers sa pakikipag-ugnayan sa Department of Tourism. “The initiative aims to increase police visibility in high-traffic tourist areas, deter criminal activity, and ensure faster emergency response while creating a safe and welcoming environment for both visitors and local businesses,” sabi pa ni SILG Remulla.…

Read More