MANILA — Nanawagan si FPJ Panday Bayanihan Party-List Representative Brian Poe na tiyaking madaling ma-access ng mga overseas Filipino workers (OFWs) na napipilitang umuwi dahil sa kaguluhan sa Middle East ang tulong mula sa Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Ayon kay Poe, libu-libong manggagawang Pilipino ang apektado ng patuloy na tensyon sa rehiyon, kung saan mahigit isang libong OFW na ang humiling ng repatriation at marami pa ang posibleng sumunod. “Our hearts go out to every Filipino worker affected by…
Read MoreCategory: BALITA
PRIVATE SECTOR HINIKAYAT DIN SA FLEXIBLE WORK ARRANGEMENTS
UPANG makabawas sa epekto ng patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo, hinikayat ni Senador Francis Chiz Escudero ang mga pribadong kumpanya na ikonsidera na rin ang pagpapatupad ng 4-day onsite workweek o staggered work-hour schemes. Sinabi ni Escudero na malaki ang maitutulong ng flexible work arrangement para mabawasan ang pangangailangan sa pang araw-araw na transportasyon, mapababa ang gastos sa operasyon, at makapagbigay ng dagdag na ginhawa sa mga manggagawa. Mahalaga anyang maagap na kumilos ang buong bansa para maging mas handa sakaling lumala pa ang sitwasyon. Binigyang-diin ng…
Read More4-DAY WORKWEEK KASADO NA SA IBA’T IBANG AHENSYA
(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) MAGPAPATUPAD ng flexible work arrangements at mga hakbang sa pagtitipid ng enerhiya ang ilang ahensya ng pamahalaan alinsunod sa kautusan ng Malacañang. Kabilang dito ang hudikatura matapos ilabas ni Chief Justice Alexander G. Gesmundo ang Memorandum Circular No. 02, Series of 2026 na epektibo sa buong judicial branch. Sa ilalim ng circular, magpapatupad ang Supreme Court at Court of Appeals ng apat na araw na on-site work at isang araw na work-from-home (WFH) kada linggo. Mananatili namang limang araw na on-site workweek ang Sandiganbayan at Court…
Read More6 SUSPEK SA HAZING SA CAVITE, HAWAK NA NG PNP
HAWAK na ng Philippine National Police (PNP) ang anim na suspek sa hazing na ikinasawi ni Kenneth Alcedo, 19-anyos, ng General Trias, Cavite. Sa isinagawang press briefing nitong Lunes ng umaga, sinabi ni PNP PIO PBGen. Randulf Tuaño, apat sa mga suspek ang sumuko sa General Trias Police Station at isa pang suspek ang sumuko sa Dasmariñas Police Station. Nasa 18 hanggang 21 ang edad ng mga suspek na boluntaryo ang pagsuko sa mga awtoridad. Dalawa sa mga sumukong suspek ay napag-alamang sila ang nagdala sa biktima sa ospital. Ang…
Read MorePULIS BINAUNAN NG TINGGA SA BATOK
ISANG tama ng bala sa batok ang ikinasawi ng isang 50-anyos na pulis matapos barilin ng isang lalaki habang isang babae naman ang sugatan sa nangyaring pamamaril sa Barangay Panginay, Guiguinto, Bulacan, noong Linggo ng gabi, Marso 8. Kinilala ni PCol. Angel Garcillano ang biktimang si Police Master Sergeant Jose Uring, nakatalaga sa PNP Provincial Intelligence Unit ng Bulacan Police Provincial Office (PPO) sa Camp Gen. Alejo Santos sa Malolos City, habang sugatan naman si Jorelyn Acedera, 54-anyos, residente ng Brooklyn Heights Subd. sa nabangit na lugar. Nabatid sa imbestigasyon…
Read MoreP16.1-M MARIJUANA WINASAK
NASA mahigit P16.1 milyong halaga ng marijuana mula sa 18 taniman sa Ilocos Sur, ang winasak sa isinagawang cannabis eradication ng mga awtoridad nitong weekend, ayon sa Philippine National Police (PNP). Ayon sa PNP, nagsagawa ng malawakang operasyon laban sa natunton na marijuana plantations ang kanilang mga yunit kasama ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) nitong nakalipas na linggo. Natuklasan ng mga awtoridad ang 18 taniman ng marijuana na may kabuuang lawak na 13,000 square meters. Dito binunot ang nasa 63,000 fully grown marijuana plants, 27.7 kilo ng tuyong dahon,…
Read MorePERJURY COMPLAINT VS 18 ‘MALETA BOYS’ ISINAMPA SA DOJ
DUMIRETSO sa Department of Justice (DOJ) sina Rep. Leila de Lima at Fr. Flavie Villanueva upang magsampa ng hiwalay na kaso laban sa 18 dating sundalo na tinaguriang “maleta boys,” matapos nauna nilang magsumite ng reklamo sa National Bureau of Investigation (NBI). Sa DOJ, sinampahan nila ng reklamong perjury ang mga dating sundalo na lumagda sa isang joint affidavit na kamakailan ay isinumite sa Office of the Ombudsman. Itinuring ni De Lima na kasinungalingan ang alegasyon sa affidavit na nakipagpulong umano siya kay dating House Speaker Martin Romualdez. Muli rin…
Read MoreDOJ MAGPAPATUPAD NG 4-DAY WORKWEEK
MAGPAPATUPAD ng apat na araw na workweek ang Department of Justice ngayong linggo bilang bahagi ng hakbang ng pamahalaan upang makatipid sa enerhiya sa gitna ng tensyon sa Middle East. Ayon kay Justice Secretary Fredderick Vida, bukas ang mga tanggapan ng DOJ mula Lunes hanggang Huwebes habang mananatiling operational ang mga frontline services tuwing Biyernes. “Tulong-tulong tayo para mapababa ang negative impact ng conflict sa Middle East sa atin,” ani Vida. Dagdag pa niya, plano rin ng ahensya na bawasan ang konsumo sa kuryente sa pamamagitan ng limitadong paggamit ng…
Read MorePAGREPASO SA OIL DEREGULATION LAW HINIRIT SA PAGTAAS NG PRESYO NG LANGIS
NANAWAGAN si House Committee on Ways and Means Chairman at Marikina Rep Miro Quimbo sa Kongreso na repasuhin ang Downstream Oil Industry Deregulation Act of 1998 matapos ang sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng langis kasunod ng tensyon sa pagitan ng United States at Iran. Sa briefing ng House Committee on Ways and Means na dinaluhan ng mga kinauukulang ahensya, sinabi ni Quimbo na nagsisilbing “wake-up call” ang sabay-sabay na oil price hike ng mga kumpanya ng langis ilang araw matapos sumiklab ang sigalot sa Middle East. Ayon sa mambabatas,…
Read More