PAIIGTINGIN ng Philippine National Police (PNP) ang information drive laban sa pagbebenta ng smuggled at illicit manufactured cigarettes sa mga sari-sari store sa buong bansa. Kasunod ito ng banta ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na paglulunsad ng mas maigting na kampanya laban sa economic saboteurs kasabay ng paalala na walang piyansa ang mga makakasuhan ng economic sabotage. Matatandaan, nauna nang nagbabala si Interior Secretary Jonvic Remulla na magsasagawa ang mga awtoridad ng mga raid sa mga pampublikong pamilihan at maging sa maliliit na retailer bilang bahagi…
Read MoreCategory: BALITA
SHABU LAB NADISKUBRE, HIGH-VALUE DRUG PERSONALITY ARESTADO
ISANG high-value drug personality ang nadakip sa ikinasang anti-narcotics operation ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency na nagresulta sa pagkakadiskubre sa hinihinalang kitchen type shabu laboratory sa Barangay Viente Reales, Valenzuela City. Ayon sa ulat na ibinahagi ng tanggapan ni PDEA Director General Undersecretary Isagani Nerez, nadiskubre ng kanyang mga tauhan ang clandestine shabu laboratory matapos madakip sa inilatag na anti-illegal drug operation ng pinagsanib na pwersa ng PDEA Cavite Provincial Office, PDEA Regional Office-National Capital Region-Northern District Office, at Valenzuela City Police Station, ang kanilang target nitong…
Read MoreP200-M TOBACCO PRODUCTS, MANUFACTURING MACHINES, RAW MATERIALS NADISKUBRE SA CAVITE
NADISKUBRE ng pinagsanib na pwersa ng Bureau of Customs (BOC), kasama ang Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP), at Department of the Interior and Local Government (DILG), ang mahigit P200 milyong halaga ng illicit cigarette manufacturing equipment, raw materials, at finished products kasunod ng inilunsad na joint inter-agency operation na layuning wasakin ang sindikato sa likod ng large-scale violations ng customs at economic sabotage laws. Ayon sa ulat na ibinahagi ng BOC, mahigit P200 milyong halaga ng mga pekeng sigarilyo at mga gamit sa paggawa nito…
Read MoreLCSP: EDSA, 40 YEARS NATRAPIK NA PANGAKO
HINDI lamang mga sasakyan ang natatrapik sa EDSA. Kahit ang pangako ng pagbabago ay 40 taon nang natrapik. Nanatili pa rin ang political dynasties. Lumawak pa nga at mas dumami pa ang mga ito. Lumala ang korupsyon sa pamahalaan at kahirapan ng masa. Kahit sa paggunita ng EDSA revolution, mismong mga organizer na ang nagsasabi ng mga kondisyon, ano ang pwede at hindi. Bawal ang “Resign Marcos” na panawagan pero tahimik naman sila kung bawal ang “Impeach Sara”. Panagutin daw lahat ng korap pero hindi matukoy sino ang dapat isama…
Read MoreABANTE: KAMARA MAY SAPAT NA BOTO PARA KAY VP SARA
MALI umano si Iloilo Rep. Lorenz Defensor sa pahayag na hindi uusad ang impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte. Ito ang giit ni Manila Rep. Bienvenido Abante Jr., na nagsabing may sapat na bilang ang Kamara para maipasa sa Senado ang impeachment at maisalang sa trial ang Bise Presidente. “More than enough number,” diin ni Abante. Nauna nang sinabi ni Defensor na malamang hindi makalusot sa House Justice Committee ang apat na impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte at agad itong mababasura. Batayan ni Defensor ang…
Read MoreTAAS-PASAHE SA JEEPNEY TINABLA NG MALACAÑANG
HINDI pa napapanahon ang hirit na taas-pasahe ng mga jeepney operator at driver sa gitna ng pagtaas ng presyo ng langis, ayon sa Malacañang. Sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary Claire Castro na may umiiral nang provisional fare increase na P1.00, at base sa komputasyon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), sapat pa ito upang masakop ang fuel cost ng jeepney. Dagdag pa niya, ayon kay LTFRB chairperson Atty. Vigor Mendoza III, mas nakatuon umano ang ilang grupo sa kampanya laban sa colorum kaysa sa agarang fare hike.…
Read MoreKHO NAGHAIN NG ADMIN COMPLAINT LABAN SA RTC JUDGE
NAGHAIN si Rosales, Pangasinan Vice Mayor John Isaac Kho ng administrative complaint sa Judicial Integrity Office ng Korte Suprema laban kay Presiding Judge Roselyn Andrada-Borja ng Regional Trial Court Branch 53, sa nasabi ring bayan, kaugnay ng patuloy na alitan sa halalan para sa pagka-bise alkalde noong Mayo 2025. Kasabay nito, naglabas ang Commission on Elections (Comelec) ng preliminary injunction noong Pebrero 18, 2026 na nagpapanatili ng status quo habang patuloy na dinidinig at sinusuri ang mga isyu sa kaso. Ang reklamo ay kasunod ng desisyon ng korte na binaligtad…
Read MoreMOTORCADE KASADO SA UNANG ANIBERSARYO NG ‘STATE KIDNAPPING’ KAY DIGONG
MAGDARAOS ng motorcade sa Marso 11, 2026 ang koalisyon ng PANA at KAMPILAN bilang paggunita sa unang anibersaryo ng pag-aresto kay dating pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Villamor Air Base at ang kasunod na pagdadala sa kanya sa The Hague. Ayon sa mga organizer, layunin ng aktibidad na balikan ang naturang pangyayari at ipahayag ang kanilang paninindigan sa mga isyung may kinalaman dito, kabilang ang usapin ng soberanya at proseso ng hustisya. Sinabi ng koalisyon na magsisilbi rin ang motorcade bilang plataporma upang ilahad ang kanilang panawagan laban sa katiwalian…
Read MorePANINIKTIK NG MONGOLIAN SA MGA KAMPONG MILITAR, SINISILIP NG PNP
BINIBERIPIKA ngayon ng Philippine National Police (PNP) at Bureau of Immigration (BI) ang umano’y espionage activities ng isang Mongolian national na naaresto sa Zambales at sinasabing may koneksyon sa People’s Liberation Army ng China. Sa pulong-balitaan sa Kampo Crame, sinabi ni PNP Spokesperson PBGen. Randulf Tuaño na sa ngayon, apat pa lamang na paglabag sa Immigration Law ang kumpirmado laban sa 30-anyos na dayuhan na nag-enroll bilang aviation student sa bansa. Inaresto ang suspek ng BI matapos umanong hindi tumugma ang kanyang mga aktibidad sa idineklara nitong layunin sa visa.…
Read More