ABANTE: KAMARA MAY SAPAT NA BOTO PARA KAY VP SARA

MALI umano si Iloilo Rep. Lorenz Defensor sa pahayag na hindi uusad ang impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte. Ito ang giit ni Manila Rep. Bienvenido Abante Jr., na nagsabing may sapat na bilang ang Kamara para maipasa sa Senado ang impeachment at maisalang sa trial ang Bise Presidente. “More than enough number,” diin ni Abante. Nauna nang sinabi ni Defensor na malamang hindi makalusot sa House Justice Committee ang apat na impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte at agad itong mababasura. Batayan ni Defensor ang…

Read More

TAAS-PASAHE SA JEEPNEY TINABLA NG MALACAÑANG

HINDI pa napapanahon ang hirit na taas-pasahe ng mga jeepney operator at driver sa gitna ng pagtaas ng presyo ng langis, ayon sa Malacañang. Sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary Claire Castro na may umiiral nang provisional fare increase na P1.00, at base sa komputasyon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), sapat pa ito upang masakop ang fuel cost ng jeepney. Dagdag pa niya, ayon kay LTFRB chairperson Atty. Vigor Mendoza III, mas nakatuon umano ang ilang grupo sa kampanya laban sa colorum kaysa sa agarang fare hike.…

Read More

KHO NAGHAIN NG ADMIN COMPLAINT LABAN SA RTC JUDGE

NAGHAIN si Rosales, Pangasinan Vice Mayor John Isaac Kho ng administrative complaint sa Judicial Integrity Office ng Korte Suprema laban kay Presiding Judge Roselyn Andrada-Borja ng Regional Trial Court Branch 53, sa nasabi ring bayan, kaugnay ng patuloy na alitan sa halalan para sa pagka-bise alkalde noong Mayo 2025. Kasabay nito, naglabas ang Commission on Elections (Comelec) ng preliminary injunction noong Pebrero 18, 2026 na nagpapanatili ng status quo habang patuloy na dinidinig at sinusuri ang mga isyu sa kaso. Ang reklamo ay kasunod ng desisyon ng korte na binaligtad…

Read More

MOTORCADE KASADO SA UNANG ANIBERSARYO NG ‘STATE KIDNAPPING’ KAY DIGONG

MAGDARAOS ng motorcade sa Marso 11, 2026 ang koalisyon ng PANA at KAMPILAN bilang paggunita sa unang anibersaryo ng pag-aresto kay dating pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Villamor Air Base at ang kasunod na pagdadala sa kanya sa The Hague. Ayon sa mga organizer, layunin ng aktibidad na balikan ang naturang pangyayari at ipahayag ang kanilang paninindigan sa mga isyung may kinalaman dito, kabilang ang usapin ng soberanya at proseso ng hustisya. Sinabi ng koalisyon na magsisilbi rin ang motorcade bilang plataporma upang ilahad ang kanilang panawagan laban sa katiwalian…

Read More

PANINIKTIK NG MONGOLIAN SA MGA KAMPONG MILITAR, SINISILIP NG PNP

BINIBERIPIKA ngayon ng Philippine National Police (PNP) at Bureau of Immigration (BI) ang umano’y espionage activities ng isang Mongolian national na naaresto sa Zambales at sinasabing may koneksyon sa People’s Liberation Army ng China. Sa pulong-balitaan sa Kampo Crame, sinabi ni PNP Spokesperson PBGen. Randulf Tuaño na sa ngayon, apat pa lamang na paglabag sa Immigration Law ang kumpirmado laban sa 30-anyos na dayuhan na nag-enroll bilang aviation student sa bansa. Inaresto ang suspek ng BI matapos umanong hindi tumugma ang kanyang mga aktibidad sa idineklara nitong layunin sa visa.…

Read More

3 HINATULAN NG LIFE SA ₱998-M SHABU SMUGGLING

HINATULAN ng Manila Regional Trial Court ng reclusion perpetua ang tatlong indibidwal kaugnay ng ₱998-milyong drug smuggling case, ayon sa Bureau of Customs (BOC). Sa ulat, napatunayang guilty beyond reasonable doubt sina Muktasil Abundol Assimudin, Emmanuel Paulo Delos Reyes Landicho at George Sim Fernandez sa paglabag sa Section 1401(g) kaugnay ng Section 118(g) ng Republic Act No. 10863 o Customs Modernization and Tariff Act. Bukod sa habambuhay na pagkakakulong, pinagmulta rin ang mga akusado ng ₱50 milyon. Nag-ugat ang kaso sa pagkakasamsam ng 146.81 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng…

Read More

BI: BANTAG, HINDI PA LUMALABAS NG BANSA

KINUMPIRMA ng Bureau of Immigration (BI) na wala silang record na nakalabas ng bansa si dating Bureau of Corrections chief Gerald Bantag. Ito’y sa gitna ng patuloy na pagtugis sa kanya kaugnay ng pagpaslang sa broadcaster na si Percy Lapid noong Oktubre 2022. Ayon kay BI Spokesperson Dana Sandoval, nananatiling nasa bansa si Bantag base sa kanilang datos. Nauna nang inilagay ang dating opisyal sa Immigration Lookout Bulletin Order at may Hold Departure Order na rin laban sa kanya mula sa Muntinlupa City RTC noong 2023. Nahaharap si Bantag sa…

Read More

PRO-CAR: WALANG VALIDATED INFO NA NASA CORDILLERA SI BANTAG

ITINANGGI ng Police Regional Office–Cordillera (PRO-CAR) na may kumpirmadong impormasyon na nasa kanilang rehiyon si Bantag. Ayon kay PRO-CAR Regional Director BGen. Ericson Dilag, wala pa silang validated report sa eksaktong kinaroroonan ng dating BuCor chief, bagama’t pinaigting na ang manhunt operations. Nauna nang sinabi ni Jonvic Remulla na base sa huling impormasyon ay posibleng nasa Cordillera si Bantag. May inilabas nang arrest warrant ang Muntinlupa court noong Abril 2023 kaugnay ng pagpatay kina Percy Lapid at inmate na si Jun Villamor. Samantala, naglaan ang Department of Justice ng ₱2…

Read More

17,525 NAGPAREHISTRO SA BARMM; MAGUINDANAO DEL NORTE, PINAKAMARAMI

UMABOT na sa 17,525 ang kabuuang aplikante na nagparehistro para sa 2026 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) at sa kauna-unahang Bangsamoro Parliamentary elections, ayon sa pinakahuling datos ng Commission on Elections. Batay sa tala hanggang Pebrero 19, 8,616 ang kababaihan habang 8,903 naman ang kalalakihan na nakapagpatala sa rehiyon ng Bangsamoro. Pinakamataas ang bilang sa Maguindanao del Norte na may 4,654 registrants. Sinundan ito ng Maguindanao del Sur (3,428), Basilan (2,911), Special Geographic Area sa Cotabato (2,353), at Tawi-Tawi (2,151). Pinakamababa naman ang naitala sa Lanao del Sur na…

Read More