Sa ‘insertion’ ni PBBM BERSAMIN, PANGANDAMAN IGINIIT IMBESTIGAHAN

HINDI sapat na nag-resign sina dating Executive Secretary Lucas Bersamin, dating Budget Secretary Amenah Pangandaman at Presidential Legislative Liaison Office (PLLO) Undersecretary Adrian Bersamin bagkus ay kailangang imbestigahan ang mga ito sa anomalya sa flood control projects, giit ni House committee on public accounts chairman at Bicol Saro party-list Rep. Terry Ridon at ng Makabayan bloc. “The ICI and the Ombudsman must continue investigating the alleged involvement of the two resigned officials in flood-control corruption, as well as the other executive officials mentioned in the affidavit and testimony of former…

Read More

Imee kay Sandro: DNA SA AKIN, HAIR FOLLICLE TEST SA INYO

SINAGOT ni Senador Imee Marcos ang pahayag ni Cong. Sandro Marcos matapos ang pasabog ng senadora kamakalawa ng gabi hinggil sa paggamit umano ng droga ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. Sinabi ng kongresista na hindi asal ng isang tunay na kapatid ang ginawa ng senadora. Sa kanyang Facebook post, sinabi ni Sen. Imee na gustong paingayin ni Sandro ang usap-usapang hindi siya tunay na kapatid. Kaya naman, isa lamang anya ang solusyon at ito ay ang pagpapa-DNA test niya. Kasabay nito ay ang kanyang hamon sa kapatid at mga…

Read More

AWAY NG PAMILYANG MARCOS BUNGA NG POLITICAL DYNASTY

LALONG lumutang ang pangangailangan na ipagbawal na ang political dynasties sa bansa kasunod ng bangayan ng pamilya Marcos na malinaw na nag-aagawan sa kapangyarihan at walang pakialam sa kapakanan ng mamamayan. Pahayag ito ni Kabataan party-list Rep. Renee Co matapos ang pasabog ni Sen. Imee Marcos na bata pa lamang sila ay alam na umano ng kanilang pamilya na gumagamit ng ilegal na droga si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. “The Marcos sibling meltdown is a prime example of why public office should not be a family business. Ang sumisira…

Read More

ZALDY CO NILILITO PILIPINO — SPEAKER DY

INAKUSAHAN ni House Speaker Faustino “Bojie” Dy III si dating Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co ng lalo pang paglikha ng kalituhan sa publiko matapos maglabas ng video message tungkol sa umano’y P100 bilyong insertion sa 2025 national budget na ibinibintang niya kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Sa naturang video, sinabi ni Co na nagpasok umano ang Pangulo ng P100 bilyong halaga ng proyekto at na ang 25% komisyon o katumbas ng P25 bilyon ay dinala umano sa bahay ng Pangulo, kay dating House Speaker Martin Romualdez sa Forbes…

Read More

ZALDY CO KASAMA SA 1ST BATCH NA KINASUHAN NG KATIWALIAN SA SANDIGANBAYAN

GUMANA na ang resbak ng pamahalaan laban kay dating congressman Ako-Bicol Partylist Elizaldy “Zaldy” Co matapos isampa ng Ombudsman sa Sandiganbayan ang patung-patong na kaso kaugnay ng flood control scam sa Oriental Mindoro. Makaraan ang dalawang buwang imbestigasyon, pagkalap ng ebidensya at testimonya, inanunsyo ng Ombudsman ang resolusyong nagpapahintulot na magsampa ng kasong kriminal laban kay Co at iba pang sangkot sa kontrobersya. Ayon kay Assistant Ombudsman Mico F. Clavano, sinampahan nila ng kasong kriminal sina Co, ilang opisyal ng Department of Public Works and Highways Region IV-B, at pati…

Read More

NAVY, MARINES PUMALAG SA PAGDAWIT SA KANILA SA ‘NAWAWALANG’ SI GUTEZA

INALMAHAN ng Philippine Navy at ng Philippine Marine Corps ang muling pagdawit sa militar sa umano’y pagkawala ni Orly Regala Guteza, ang sinasabing “surprise witness” sa multibillion peso flood control scandal, kasabay ng patuloy na malawakang protesta sa bansa. Ayon kay Navy Spokesperson Capt. Marissa Martinez, walang katotohanan ang pinalalabas na nasa kustodiya ng Navy o ng Marine Corps si Guteza, na matagal nang nagretiro sa serbisyo. “To those who continue to fabricate stories and weaponize misinformation at the expense of the AFP, we respectfully appeal: please spare the Navy…

Read More

IMEE DAPAT MAGLABAS NG EBIDENSYA – GOITIA

HINAMON ni Chairman Emeritus Dr. Jose Antonio Goitia si Sen. Imee Marcos na magpakita ng matibay na ebidensiya kaugnay ng alegasyon nito na gumagamit ng illegal na droga si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., matapos ang kanyang pahayag sa Quirino Grandstand. Ayon kay Goitia, ang akusasyon ng paggamit ng ipinagbabawal na gamot ay dapat suportado ng test results, medikal na ulat, o opisyal na dokumento. Wala umanong maipakitang anomang patunay si Sen. Marcos. “Kung seryoso ang paratang, dapat seryoso rin ang ebidensya. Hindi puwedeng puro galit at drama ang ihain…

Read More

3 DRUG PERSONALITIES ARESTADO SA TARLAC

TARLAC – Tatlong drug personalities ang naaresto sa isang makeshift drug den kasunod ng isinagawang buy-bust operation noong Linggo ng tanghali sa Barangay San Joaquin sa lalawigan. Nagresulta ang operasyon sa pagkakasamsam ng humigit-kumulang P54,400.00 halaga ng umano’y shabu at mga gamit sa paggamit ng illegal na droga. Kinilala ng PDEA Tarlac Provincial Office ang naarestong operator ng drug den na si alyas “Pepe”, 37-taong gulang. Kinilala naman ang dalawa pang suspek na nahuli na sina alyas “Mar”, 49, at “Mimi, 52-taong gulang. Nakumpiska ng mga operatiba ng anti-narcotics ang…

Read More

LALAKING PINAGBANTAAN, TINULUYAN

CAVITE – Hindi na nakauwi sa kanilang bahay ang isang lalaki nang pagbabarilin ng suspek na nagbanta sa pamilya nito sa Bacoor City noong Linggo ng gabi. Namatay sa pinangyarihan ng insidente ang biktimang si alyas “Gudo” habang pinaghahanap ng pulisya ang suspek na si alyas “Nono” na tumakas matapos ang pamamaril. Ayon sa ulat, naglalakad ang biktima pauwi sa kanilang bahay ngunit pagsapit sa isang pataas na bahagi ng kalsada sa Tabing-Ilog, Brgy. Molino 4, Bacoor City ay walang sabi-sabing pinagbabaril ito ng suspek. Matapos ang pamamaril ay mabilis…

Read More