TULOY-TULOY ang imbestigasyon ng National Capital Region Police Office (NCRPO) para alamin kung may kasabwat ang isang opisyal na nauna nang inaresto matapos umanong palabasin ang isang murder suspect sa Caloocan na aniya’y para sa isang “case build-up.” Kinilala ang suspek na si Police Lt. Col. Emmanuel Gomez, 54-anyos, hepe ng District Special Operation Unit (DSOU) ng Northern Police District (NPD), na agad isinailalim sa inquest proceeding matapos ang kanyang pagkakaaresto. Nahaharap ngayon si Gomez sa kasong paglabag sa Article 223 ng Revised Penal Code o “conniving with or consenting…
Read MoreCategory: BALITA
Facebook Live gamit sa operasyon 11 DINAMPOT NG QCPD SA ILLEGAL ONLINE GAMBLING
NAARESTO ng Quezon City Police District (QCPD) ang labing-isa katao na sangkot umano sa online illegal gambling operation sa lungsod noong Oktubre 24, 2025. Ang operasyon ay bahagi ng kampanya ni QCPD Acting District Director PCol. Glenn Silvio laban sa lahat ng uri ng ilegal na sugal. Kinilala ang mga suspek sa mga alias na Joel (35), Oliver (45), Florentino (49), Roel (45), Emerson (46), Jerwin (34), Angelito (43), Luis (47), Carlos (63), Alma (42), at Felicidad (56) — pawang mga residente ng Quezon City at Marikina City. Ayon sa…
Read MoreAFP, COAST GUARD SUPORTAHAN SA HALIP GAWAN NG PANINIRA – GOITIA
IPINAHAYAG ni Chairman Emeritus Dr. Jose Antonio Goitia ang kanyang buong suporta sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine Coast Guard (PCG) sa gitna ng mga batikos at alegasyong bumabalot sa kanilang katapatan. “Ang ating mga sundalo at coast guard ay naglilingkod hindi para sa pulitika o para sa ibang bansa, kundi para sa sambayanang Pilipino,” diin ni Goitia. “Ang pagdududa sa kanilang katapatan nang walang patunay ay insulto sa bawat Pilipinong nagsasakripisyo para sa bayan.” Nagpahayag si Goitia kasunod ng palitan ng pahayag nina Rep. Paolo “Pulong”…
Read MoreKaya walang nakukulong DOJ, BOC, AT DA MAY SABWATAN SA SMUGGLING?
POSIBLE umanong may sabwatan ang ilang tauhan ng Department of Justice (DOJ), Bureau of Customs (BOC), at Department of Agriculture (DA) sa pagpasok ng mga smuggled agricultural products sa bansa. Ito ang ibinunyag ni Sen. Kiko Pangilinan, chairman ng Senate Committee on Agriculture, Food and Agrarian Reform, matapos nilang mag-inspeksyon sa ilang container vans sa Manila International Container Port (MICP). Ayon kay Pangilinan, may circumstantial evidence na magpapatunay ng sabwatan sa loob ng tatlong ahensya. “Matagal nang may batas laban sa smuggling, pero hanggang ngayon — wala pa ring nakukulong,”…
Read MoreP8.8-B NG GSIS “NATALO SA SUGAL”
MISTULANG tinamaan ng kasabihang “walang nananalo sa sugal” ang Government Service Insurance System (GSIS) matapos itong malugi ng halos ₱8.8 bilyon sa mga kumpanyang pinuhunanan nito kabilang na ang dalawang gambling firms. Kahapon, naghain ng House Resolution (HR) No. 415 ang Makabayan bloc upang paimbestigahan ang GSIS dahil sa umano’y sunod-sunod na pagkatalo ng pondo ng mga kawani ng gobyerno sa “high-risk” investments. Ang resolusyon ay inakda nina ACT Teachers party-list Rep. Antonio Tinio, Kabataan party-list Rep. Renee Co, at Gabriela party-list Rep. Sarah Elago. Giit nila, kailangang silipin kung…
Read MoreLCSP: May selda na, ‘yung mga ikukulong wala pa ZALDY CO, ET AL TULOY ANG LIGAYA
(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) TILA pinasaringan ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) ang pamahalaan matapos nitong ihayag na tila mas handa pa ang gobyerno sa kulungan ng mga sangkot sa flood control scam kaysa sa aktuwal na paghahain ng kaso laban sa mga tulad ni resigned congressman Zaldy Co. “Handang-handa na ang kulungan, pero si Zaldy Co — komportableng natutulog pa rin sa airconditioned suite sa mga mamahaling hotel gamit ang pera ng bayan,” banat ng grupo sa pamamagitan ng presidente nito na si Atty. Ariel Inton Inton.…
Read MoreUSAF Doomsday Plane nag-overnight sa NAIA 2 U.S. AIRCRAFTS BUMAGSAK SA SOUTH CHINA SEA
DALAWANG American aircraft, ang MH-60R Sea Hawk helicopter na nakatalaga sa aircraft carrier USS Nimitz (CVN-68), at US Navy F/A-18F Super Hornet fighter, ang bumagsak sa South China Sea nitong Linggo sa magkahiwalay na insidente. Kinumpirma ng US Pacific Fleet ang pag-crash ng dalawa nilang air asset na unang inilabas ng US Naval Institute’s online news outlet USNI News Linggo ng gabi. Habang nag-overnight naman sa Ninoy Aquino International Airport ang E4B NightWatch, na kilala bilang United States Air Force (USAF) Doomsday Plane, para umano sa brief technical stop. Walang…
Read MoreWalang kanselasyon sa tourism activities CEBU NANATILING LIGTAS KASUNOD NG LINDOL – DOT
IPAGPAPATULOY ng Department of Tourism (DOT) ang lahat ng nakatakdang kaganapan at aktibidad sa Cebu, na nagpapatunay na nananatiling ligtas at bukas ito sa mga bisita kasunod ng magnitude 6.9 na lindol noong Setyembre at kasunod na aftershocks. Sa pagpapakita ng suporta sa mga lokal na manggagawa at negosyo, binigyang-diin ni Tourism Secretary Christina Garcia Frasco na ang mga operasyon ng turismo sa buong Cebu at rehiyon ng Central Visayas ay ‘business as usual’ kung saan karamihan sa mga pampublikong lugar, heritage sites, at mga pasilidad ng tirahan ay siniyasat…
Read MoreTRUCK NAWALAN NG PRENO, HELPER TUMALON PATAY
QUEZON – Nasawi ang isang helper matapos na tumalon mula sa sinasakyang trailer truck na nawalan umano ng preno habang binabagtas ang pababang bahagi ng Maharlika Highway sa Barangay Sta. Catalina sa bayan ng Atimonan sa lalawigan noong Linggo ng madaling araw. Kinilala ang biktimang si Robbie Bacang Umandac, 35, residente ng Brgy. San Jose del Monte, Bulacan. Batay sa ulat ng Atimonan Police, bandang alas-4:00 ng madaling-araw, tinatahak ng trailer truck na minamaneho ng isang “Roger”, 55, residente ng Tondo, Maynila, ang pababang bahagi ng nasabing kalsada nang biglang…
Read More