VILLAR: GAWING PERMANENTE MATATAGAL NANG NAGSISILBING JOB ORDER AT KONTRAKTWAL SA PAMAHALAAN

MANILA — Ipinanawagan ni Senator Camille Villar sa pamahalaan na tuldukan na ang paulit-ulit na job order at kontraktwal na sistema sa gobyerno, kasabay ng pagpuno sa libu-libong bakanteng posisyon sa iba’t ibang ahensya. Sa gitna ng deliberasyon ng panukalang 2026 national budget, binunyag ng Civil Service Commission (CSC) na mahigit 83,000 posisyon sa gobyerno ang nananatiling bakante — at marami rito, higit 15 taon nang hindi nababago ang qualification standards. “Ang bawat bakanteng posisyon ay katumbas ng mabagal na serbisyo, mas mabigat na trabaho para sa iba, at sayang…

Read More

SUPREME COURT TUTUTUKAN PLANONG MADALIIN ANG FLOOD CONTROL CASES

HIHIMAYIN ng Korte Suprema (SC) ang plano ng Sandiganbayan na tuldukan sa loob ng anim hanggang walong buwan ang lahat ng kasong may kinalaman sa anomalya sa flood control projects. Sa pagdiriwang ng ikatlong anibersaryo ng Strategic Plan for Judicial Innovations, sinabi ni Chief Justice Alexander Gesmundo na handa silang aksyunan agad ang anumang panukala ng Sandiganbayan para mapabilis ang pagresolba ng mga kaso. “Any suggestions or recommendation coming from Sandiganbayan to expedite the cases involving flood control projects, for sure, we will review immediately and see to it that…

Read More

2 PATAY SA PAGSABOG SA ILEGAL NA PABRIKA NG PAPUTOK SA BULACAN

BULACAN — Dalawang lalaki ang nasawi matapos sumabog ang isang ilegal na pagawaan ng paputok sa Brgy. Partida, Norzagaray nitong Miyerkules ng umaga. Ayon sa ulat na nakarating sa Camp Crame, bandang alas-11:00 ng umaga nang yumanig ang lugar sa malakas na pagsabog mula sa nasabing pabrika. Agad rumesponde ang Bureau of Fire Protection (BFP) at rescue team, at naapula ang apoy dakong alas-11:50 ng umaga. Pagkatapos ideklarang fire out, tumambad sa mga rumesponde ang dalawang sunog na bangkay ng mga lalaki sa loob ng gumuhong istruktura. Inaalam pa ng…

Read More

PULIS NA SANGKOT SA PAMAMASLANG SA BARANGAY KAGAWAD AT KINAKASAMA, IPINASISIBAK NI PNP CHIEF NARTATEZ

ILOCOS NORTE — Ipinag-utos mismo ni PNP acting chief Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. ang agarang pagsibak sa isang police corporal na sangkot sa pagpatay sa barangay kagawad at live-in partner nito sa bayan ng San Nicolas, Ilocos Norte. Ayon kay Nartatez, sasampahan ng kasong kriminal at administratibo ang suspek na pulis, na ngayon ay hawak na ng mga awtoridad matapos ang ikinasang follow-up operation. Batay sa imbestigasyon, kumakain umano sa beranda ng kanilang bahay ang biktimang si Joshua Bernardo, barangay kagawad, at ang kanyang kinakasama na si Eloisa…

Read More

NATAKOT SA GALIT NG BAYAN? ICI ISASAPUBLIKO NA FLOOD CONTROL PROBE

NATAKOT din ang Independent Commission for Infrastructure (ICI) sa galit ng taumbayan kaya nagpasya ang mga ito na isapubliko na sa susunod na linggo ang imbestigasyon sa anomalya sa flood control at iba pang proyekto ng gobyerno. Ayon sa Makabayan bloc, malinaw na takot sa public outrage ang nagtulak sa ICI para buksan ang mga pagdinig — pero binalaan nila ang publiko na maging mapagmatyag laban sa posibleng cover-up para iligtas ang mga “big fish” na sangkot. “The public outrage has now forced them to livestream the proceedings. We call…

Read More

CONG. MEOW BARZAGA SINIBAK NA SA RESERVE FORCE NG AFP

KINUMPIRMA kahapon ng Philippine Army ang isinagawang delistment kay Cavite Representative Francisco “Kiko” Barzaga mula sa kanilang Reserve Force, effective 21 September 2025. Ayon kay Col. Louie Dema-ala, ang nasabing aksyon ng Hukbong Katihan ay kasunod ng masusing pag-aaral sa sirkumstansya kaugnay sa kaso nito batay sa Armed Forces of the Philippines (AFP) Rules and Regulations, specifically GHQ, AFP SOP No. 7, “for actions deemed equivalent to grave offenses.” Inihayag din ni Col. Dema-ala na isa sa mga naging batayan sa delistment ni Cong. Meow Barzaga ang pagpapahayag umano nito…

Read More

MARCOS, ICI TENGANG-KAWALI SA PULSO NG MAMAMAYAN – SOLON

NAGTETENGANG-KAWALI si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at ang itinatag nitong Independent Commission of Infrastructure (ICI) sa panawagan ng sambayanang Pilipino na isapubliko ang imbestigasyon sa anomalya sa flood control projects. “Ang ICI kaya, kailan? Huwag namang magtengang-kawali ang ICI sa ganitong panawagan,” ani Mamamayang Liberal (ML) party-list Rep. Leila de Lima. Giit ng kongresista, dapat buksan sa publiko ang imbestigasyon para malaman ng taumbayan kung ano talaga ang nangyayari sa loob ng komisyon. “Kahit araw-araw may press conference ang ICI, kulang pa rin. Gusto ng mamamayan makita kung sino…

Read More

Kaya hindi pinauuwi – solon ROMUALDEZ ITUTURO NI ZALDY CO?

PABOR umano kay dating House Speaker Martin Romualdez ang tila pagpapaliban sa pag-uwi sa bansa ni dating Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co, ayon kay Navotas Rep. Toby Tiangco. Ayon kay Tiangco, posibleng sinasadya raw na hindi pauwiin si Co dahil baka maglabas ito ng mga pangalan ng kasabwat sa umano’y anomalya sa flood control projects at sa pagmamanipula ng pondo para sa 2026 national budget. “Kung magtatagal nang magtatagal ‘yan (ang pagkansela ng pasaporte ni Co), magdududa na rin ako. Mabubuo ang duda ko,” ani Tiangco. “Sino ba ang…

Read More

eSERVICES PLATFORM, OPISYAL NA INILUNSAD NG BI

OPISYAL nang inilunsad ng Bureau of Immigration ang kanilang eServices platform na konektado na ngayon sa eGovPH Super App. Layon ng bagong sistema na mapabilis at mapadali ang serbisyo para sa publiko sa pamamagitan ng Single Sign-On o SSD feature. Sa ilalim nito, sinabi ni BI Commissioner Joel Anthony Viado na maaaring magamit ang iisang account para ma-access ang iba’t ibang online services ng BI gamit ang kanilang eTravel o eGovPH Super App account. Bahagi ito ng direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magpatupad ng iisang digital framework sa…

Read More