Pasok sa eskwela at trabaho kinansela LA UNION NIYANIG NG MAGNITUDE 4.8 LINDOL

NAGSUSPINDE ng pasok sa eskwela at trabaho ang ilang local government units (LGUs) sa La Union, Pangasinan, at Benguet nitong Huwebes, matapos maramdaman ang magnitude 4.8 na lindol na tumama sa bayan ng Pugo, La Union. Batay sa inisyal na ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), tumama ang lindol dakong alas-10:30 ng umaga, Oktubre 9, at may lalim na 10 kilometro. Ang epicenter ay tinukoy na 2 kilometro hilagang-silangan ng Pugo. Naramdaman ang Intensity V sa Baguio City, habang Intensity III naman sa Aringay, La Union; Bontoc,…

Read More

HANDBOOK PARA MAPALAKAS PEACEKEEPING ROLE NG MGA TANOD SA BANSA, INILABAS NG DILG

NAGLABAS kahapon ng manual ang Department of the Interior and Local Government (DILG) para sa libo-libong barangay tanod sa buong bansa bilang bahagi ng kampanya ng pamahalaan para sa mas ligtas at mapayapang mga komunidad. Ang bagong Barangay Tanod Handbook ay inilunsad alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na paigtingin ang peacekeeping efforts sa lokal na antas. Ayon kay Interior Secretary Jonvic Remulla, layon ng handbook na gawing mas epektibo at makabuluhan ang tungkulin ng mga tanod bilang unang tagapagpatupad ng kapayapaan at seguridad sa barangay. “With this…

Read More

LUXURY VEHICLES NA ISINUKO NI ENGR. HERNANDEZ SA ICI, IIMBESTIGAHAN DIN NG BOC

IIMBESTIGAHAN din ng Bureau of Customs (BOC) ang luxury vehicles na isinuko ni dating DPWH Bulacan Assistant District Engineer Brice Ericson Hernandez sa Independent Commission for Infrastructure (ICI). Sinabi ni Customs Deputy Chief of Staff of the Office of the Commissioner Atty. Chris Bendijo, bukod sa dating opisyal, magsasagawa rin sila ng imbestigasyon sa iba pang mga empleyado ng DPWH sa Bulacan. Ayon pa kay Atty. Bendijo, kasalukuyan ding sinusuri ng bureau ang mga tugon ng ilang kawani ng ahensya na nabigyan ng show cause order hinggil sa isinasagawang imbestigasyon…

Read More

AFP SA IKINAKALAT NA DESTAB PLOT: PURE DISINFORMATION

PINABULAANAN ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang mga kumakalat na alegasyon sa social media hinggil sa umano’y destabilization plot laban sa pamahalaan, at iginiit na ito ay pawang disinformation lamang. Ayon kay Col. Xerxes Trinidad, chief ng AFP Public Affairs Office, namo-monitor nila ang mga ganitong ulat, ngunit walang katotohanan ang mga ito. “But definitely, there are no plans of destabilization among the ranks of the AFP,” diin ni Trinidad. Kasabay nito, nanawagan siya sa publiko na maging maingat sa mga impormasyong nakikita online at kumalap lamang ng…

Read More

DAGDAG NA KALINGA AT DIGNIDAD HIRIT SA GOBYERNO NG NAKATATANDA

HINIKAYAT ni Bulacan 6th District Rep. Salvador Pleyto, ang pinakamatandang miyembro ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, ang pamahalaan na bigyan ng higit na atensyon, aruga, at dignidad ang mga matatanda, lalo na ang mga mahihirap at nakatira sa malalayong lugar na patuloy na nagdurusa. Sa kanyang privilege speech sa plenaryo, umapela si Pleyto sa Kongreso at sa ehekutibo na huwag pabayaan ang mga senior citizens habang sila ay nabubuhay pa. Ayon sa 81-anyos na mambabatas, bagama’t ang mga nakatatanda ang nagtayo ng pundasyon ng bansa sa pamamagitan ng kanilang sakripisyo…

Read More

UNCONSTITUTIONAL ACT NG DBM – ATTY. RODRIGUEZ

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) BINIRA ni dating executive secretary Atty. Vic Rodriguez ang Department of Budget and Management (DBM) dahil sa patuloy nitong pagpopondo sa Department of Public Works and Highways (DPWH) sa kabila ng pagtutol ng mamamayan. Sa kanyang Facebook post kamakailan, nagpahayag ng pagka-intriga ang abogado sa ‘hawak na alas’ ng DBM laban sa Malakanyang kaya mistulang hindi ito mapigilan sa paglustay ng pondo. “Sa kabila ng mahigpit na pagtutol nating mga Pilipino sa ginagawang paglapastangan ng Marcos administration sa kaban ng bayan at paglabas ng mga ebidensya’t…

Read More

CONG. LUISTRO MANOK NI SANDRO MARCOS SA DOJ?

UMIINIT ang usap-usapan sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na si Batangas 2nd District Rep. Gerville “Jinky Bitrics” Luistro ang itatalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. bilang bagong kalihim ng Department of Justice (DOJ) kapalit ni Jesus Crispin “Boying” Remulla, na lumipat sa Office of the Ombudsman. Ayon sa impormasyon, si House Majority Leader Sandro Marcos umano ang nagmumungkahing italaga si Luistro sa puwesto. “Marami nang bumabati kay Cong. Jinky,” ayon sa impormanteng tumangging magpakilala. Napaulat din na ipinatawag si Luistro sa Malacañang kaugnay ng kanyang posibleng appointment. Bago naging…

Read More

GOBYERNO, MAY P182.8-B PANG PONDO SA REHABILITASYON NG MGA PINSALANG DULOT NG MGA KALAMIDAD

KINUMPIRMA ni Senador Sherwin Gatchalian na mayroon pang kabuuang P182.8 bilyon ang gobyerno upang palakasin ang mga hakbang sa pagtugon at rehabilitasyon ng mga pinsalang dulot ng mga nagdaang kalamidad sa bansa. Batay sa datos mula sa opisina ng senador, kabilang sa 2025 national budget na magagamit para sa rehabilitasyon at pagtugon sa mga sakuna ang ₱7 bilyong balanse mula sa National Disaster Risk Reduction and Management Fund, ₱6.4 bilyon mula sa Quick Response Fund, at ₱287 milyong pondo para sa Disaster Response Operations ng Office of Civil Defense. Bukod…

Read More

PONDO PARA SA AFP MODERNIZATION, SUPORTADO NG SENADOR

TINIYAK ni Senator JV Ejercito ang suporta sa pagkakaloob ng sapat at tuloy-tuloy na pondo para sa modernization program ng Armed Forces of the Philippines sa gitna ng patuloy na pagbabawas ng budget at lumalalang mga banta sa panlabas na seguridad ng bansa. Sa pagdinig ng Senado sa panukalang budget ng Department of National Defense at mga attached agencies, nanawagan si Ejercito sa pamahalaan na tiyaking may sapat at tuloy-tuloy na pondong nakalaan para sa AFP modernization upang mapalakas ang depensa ng bansa, lalo na sa gitna ng tensyon sa…

Read More