RIZAL — Isang 15-anyos na estudyante ang binangga umano nang sadya ng isang driver ng electric vehicle (EV) habang papasok sa eskuwela sakay ng motorsiklo nitong Lunes ng umaga sa Teresa, Rizal. Batay sa post ni Jonald Reynaldo, pinsan ng ama ng biktima, nangyari ang insidente noong Oktubre 7, 2025 sa tapat ng palengke ng bayan. Ayon sa ulat, nagkaroon muna ng sagian sa pagitan ng motorsiklo ng estudyante at kotse ng suspek. Dahil dito, tinakbuhan umano ng bata ang drayber, dahilan para habulin ito ng suspek hanggang sa Alas…
Read MoreCategory: BALITA
AKTIBONG PULIS HINULI NG IMEG SA PAGSUSUGAL SA NEGROS ORIENTAL
KALABOSO ang isang aktibong pulis na may ranggong Patrolman matapos maaktuhan ng PNP-Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) na nagsusugal ng “Hantak” o cara y cruz sa Bayawan City, Negros Oriental noong Oktubre 5. Kasama ng pulis, inaresto rin ang isang sibilyan sa isinagawang operasyon ng IMEG Visayas Field Unit sa Purok Nalundan, Barangay Dawis. Ayon sa IMEG, nagsimula ang operasyon matapos silang makatanggap ng reklamo hinggil sa presensiya ng pulis na sangkot sa ilegal na sugal. Nakumpiska mula sa suspek ang kanyang service firearm, police ID, at marked money…
Read MoreSinampahan ng rape ng detainee DEPUTY POLICE CHIEF INILAGAY SA RESTRICTIVE CUSTODY
ISANG deputy police chief sa Cavite province ang inilagay sa restrictive custody matapos sampahan ng kasong panggagahasa sa kanilang police station ng isang illegal drug detainee, ayon sa Philippine National Police (PNP). Sa ginanap na pulong balitaan sa Camp Crame kahapon, inihayag ni PNP Public Information chief, Brig. Gen. Randulf Tuaño na sinibak na sa puwesto ang nasabing deputy police chief at ikinostodiya ng Cavite PNP noong Setyembre 19 at sinampahan ng kaso noong Setyembre 23, 2025 dahil sa paglabag sa Republic Act No. 8353 o the Anti-Rape Law, ani…
Read MoreOBRERO TINUSOK HABANG NAG-AALMUSAL, PATAY
CAVITE – Hindi na natapos sa pag-aalmusal ang isang 32-anyos na construction worker nang atakehin ng saksak sa kanilang barracks sa Bacoor City noong Martes ng umaga. Namatay sa pinangyarihan ng insidente ang biktimang si Eduardo Arbie Butac, 32, stay-in sa JJM Barracks sa Brgy. Mambog 4, Bacoor City Cavite dahil sa saksak sa katawan. Pinaghahanap naman ang suspek na si alyas “Alvaro”, 40, ng Mutya Compound, Brgy. mambog IV, Bacoor City, na tumakas matapos ang insidente. Ayon sa ulat, nag-aalmusal ang biktima at kasama nitong si alyas “Diane” sa…
Read MoreVLOGGER ARESTADO SA BANTANG ‘HEADSHOT’ SA PANGULO
INARESTO ng National Bureau of Investigation (NBI) ang uploader ng isang imahe ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. sa social media na may caption na “headshot”. Sinabi ni NBI Director Jaime Santiago, ang ibig sabihin ng ‘headshot’ para sa law enforcement agencies ay barilin sa ulo. Sinabi ni Santiago na ang usapin ay kanilang sineryoso na kalaunan ay ipinaliwanag ng vlogger na iyon ay biro lamang “Sabi ko sa inyo, pagdating sa mga pananakot o anomang pagtatangka sa Pangulo, Pangalawang Pangulo, Pangulo ng Senado, Tagapagsalita ng Kamara, at Punong Mahistrado, ito…
Read MoreNAG-POST NG DISINFORMATION SA FACEBOOK IPATATAWAG NG PNP-CIDG
MARIING itinanggi ni Philippine National Police chief, Lt. Gen. Melencio Nartatez ang kumalat na paskil sa Facebook na nagsasaad na hinihikayat ng PNP top cop ang mga pulis, mga sundalo at iba pang uniformed personnel na sumuway sa lawful orders ng Pangulo ng Pilipinas. “These statements are fabricated and malicious, intended to spread confusion and discredit our institution,” pahayag ni Gen. Nartatez. Bunsod nito, ipinag-utos ng heneral na magsagawa ng imbestigasyon sa pinagmulan ng mali at malisyosong impormasyon at isakdal ang mga responsable sa likod nito. Nabatid na inihahanda na…
Read MoreLUXURY VEHICLES NG DISCAYA COUPLE IPASUSUBASTA
NAGSUMITE si Bureau of Customs (BOC) Commissioner Ariel Nepomuceno ng mga dokumento sa Independent Commission for Infrastructure (ICI) hinggil sa kanilang isinasagawang pagsisiyasat sa multibillion flood control projects anomaly. Kabilang sa mga isinumiteng dokumento ay may kaugnayan ilang luxury vehicles na pag-aari ng mag-asawang government contractors na sina Pacifico “Curlee” at Sarah Discaya. Nakapaloob sa mga dokumento ang search warrants, certificate of payments, car registration, progress report ng kanilang imbestigasyon at iba pang pertinent papers na maaaring magamit na ebidensiya na posibleng makatulong sa isinasagawang pagsisiyasat. “Ang nais kasi ng…
Read More100 DAYS QUAKE DRILL IPATUTUPAD SA 896 BARANGAYS SA MAYNILA
OBLIGADONG magsagawa ng sabayang earthquake drill ang 896 barangay ng lungsod ng Maynila matapos itong ipag-utos ni Manila Mayor Isko Moreno-Domagoso sa kanyang ulat sa unang 100 araw sa pwesto na ginanap sa San Andres Sports Complex. Ayon sa alkalde, paghahanda ito sa posibleng pagtama ng malakas na lindol o ang “The Big One”. Sinabi ni Domagoso, layunin ng hakbang na palakasin ang kahandaan at koordinasyon ng bawat barangay sa pagtugon sa mga kalamidad. Partikular na inatasan ni Domagoso ang Manila City Disaster Risk Reduction and Management Office (MCDRRMO) na…
Read More100% BIRTH REGISTRATION TARGET NG MUNTINLUPA
TINUTUTUKAN ng Pamahalaang Lungsod ng Muntinlupa ang 100% birth registration ng mga batang nasa Early Childhood Care and Development (ECCD) program sa ilalim ng kampanyang “Batang Rehistrado, Kinabukasan Sigurado.” Ayon kay Mayor Ruffy Biazon, layon ng programa na marehistro ang lahat ng batang Muntinlupeño, lalo na yaong walang birth certificate, upang masiguro ang kanilang legal na pagkakakilanlan at karapatan bilang mamamayan. Sa ilalim ng programa, libre ang birth registration at sasagutin ng lungsod ang lahat ng bayarin. Libre rin ang late registration para sa mga batang limang taong gulang pababa…
Read More