GOITIA: PBBM IBINABALIK ANG DANGAL AT DISIPLINA SA PAMAHALAAN

PINURI ni Chairman Emeritus Dr. Jose Antonio Goitia si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa matatag nitong paninindigan laban sa korapsyon at kapabayaan sa gobyerno. Ayon kay Goitia, ang mga hakbang ng Pangulo ay hindi lang reporma kundi pagbabalik ng dangal at moralidad sa pamahalaan. “Simple pero makapangyarihan ang mensahe ng Pangulo — walang dapat masayang na pera, at walang sinuman ang mas mataas sa batas,” ani Goitia. “Iyan ang uri ng pamumuno na may respeto ng taumbayan.” Binigyang-diin ng Pangulo na bawat piso ng badyet ay dapat maramdaman ng…

Read More

REMULLA MAKIKIPAGDAYALOGO SA SANDIGANBAYAN PARA PABILISIN KASO NG MGA TIWALING OPISYAL

TARGET ni outgoing Justice Secretary Crispin Remulla na makipagdayalogo sa Sandiganbayan upang mapabilis ang pagsasampa ng mga kaso laban sa mga tiwaling opisyal ng gobyerno pag-upo niya bilang bagong Ombudsman. Ayon kay Remulla, tututukan niya ang transparency at accountability sa ahensya at pabibilisin ang proseso ng mga kaso, lalo na ang may kaugnayan sa maanomalyang flood control projects sa Bulacan. Kabilang din sa kanyang susuriin ang mga nakabinbing kaso sa Ombudsman, kabilang ang isyu ng confidential funds ni Vice President Sara Duterte. Tiniyak ni Remulla na magiging patas at walang…

Read More

Passport pinakakansela sa DFA SOLON: BRING HOME ZALDY CO ASAP

KINALAMPAG ni Navotas Rep. Toby Tiangco ang Department of Foreign Affairs (DFA) na kanselahin ang passport ni dating Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co upang mapilitang umuwi sa bansa at harapin ang mga kasong katiwalian kaugnay ng anomalya sa flood control projects. “Bring him home ASAP,” giit ni Tiangco. “The DFA should cancel Zaldy Co’s passport at once to make sure he comes back and faces the administrative and criminal charges against him.” Ang panawagan ay kasunod ng subpoena na inilabas ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) para kay Co…

Read More

PAGSIBAK SA SECURITY CHIEF NI VP SARA WALANG ABISO

HINDI inabisuhan ang Office of the Vice President (OVP) hinggil sa dahilan ng pagkakaalis ni Col. Raymund Dante Lachica bilang pinuno ng Armed Forces of the Philippines (AFP) Security and Protection Group, ang yunit na nakatalaga upang magbigay ng seguridad kay Vice President Sara Duterte. “The Office of the Vice President was informed of the relief of Col. Raymund Dante Lachica upon his receipt of the order yesterday, October 6, 2025,” ayon sa pahayag ng OVP. “No message or explanation was given to the OVP,” dagdag pa sa kalatas. Gayunman,…

Read More

SUSPEK SA ESTAFA NASILO SA CASINO NG CITY OF DREAMS

NAARESTO ng mga elemento ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang isang tinaguriang ‘Estafa King’ sa City of Dreams Casino sa Parañaque City, Metro Manila. Sa report na ipinadala ni Col. Nicolas Salazar Pinon, officer-in-charge ng Paranaque City Police Station, kay Southern Police District (SPD) acting director Gen. Randy Arceo, ang suspect na si Mark Allan Carvajal, 45-anyos, residente ng 212-A Mascardo St., Singkamas, Makati City ay inaresto sa bisa ng arrest warrant na inilabas ni Hon. Judge Louie Brian Rosello Sze, Quezon City Regional Trial Court Branch 87.…

Read More

P110-M SHABU NASABAT SA 2 CUSTOM REPRESENTATIVES

DALAWANG custom representatives ang dinakip sa isinagawang interdiction operation ng mga miyembro ng NAIA Inter Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG) matapos mahulihan ng halos P110 milyong halaga ng shabu sa NAIA Complex, Pasay City noong Lunes ng gabi. Ayon sa report na ibinahagi ng Bureau of Customs at Philippine Drug Enforcement Agency, kinilala ang dalawang nadakip na mga suspek na sina alyas “Glowin”, 39-anyos, residente ng Abucay St., Manuguit, Tondo, Manila; at “Justine”, 28, ng Brgy. Antonio, Dolores, Quezon. Nangyari ang pagdakip sa mga suspek bandang alas-7:55 ng gabi…

Read More

PNP HANDA NA SA ROUND 2 NG TRILLION PESO MARCH

HANDA na ang Philippine National Police (PNP) para sa inaasahang round 2 ng Trillion Peso March at iba pang kilos-protesta sa susunod na buwan, ayon kay PNP Acting Chief Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. Ayon kay Nartatez, may nakahanda nang security template o nakasanayang sistema ang PNP upang matiyak ang kaayusan at kaligtasan sa tuwing may mga kilos-protesta. Aniya, subok na ang kakayahan ng pambansang pulisya sa pagtugon sa malalaking aktibidad gaya ng Mayo Uno, EDSA People Power Anniversary, at mga nagdaang rally noong Setyembre 21. Dagdag pa ni…

Read More

PNP TUTULONG SA ‘ZONE OF AVOIDANCE’ SA BOGO FAULT

TINIYAK ng Philippine National Police (PNP) na makikipagtulungan ito sa local government ng Cebu sa pagpapatupad ng five-meter “zone of avoidance” sa paligid ng Bogo Bay Fault sa northern Cebu, alinsunod sa rekomendasyon ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs). Layunin ng hakbang na maiwasan ang pagtatayo ng mga istruktura malapit sa aktibong fault line para maprotektahan ang buhay at ari-arian ng mga residente. Ayon kay PNP acting chief Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., inatasan na niya ang mga tauhan sa Central Visayas na tumulong sa pagtatakda ng…

Read More

KAILANGAN NG BATAS PARA SA SNAP ELECTION – COMELEC

KAILANGAN ng batas sakaling magpatupad ng Snap elections sa bansa, ayon sa Commission on Elections (Comelec). Sinabi ni Comelec spokesperson Director John Rex Laudiangco, kung sakaling maipapasa ng Kongreso ang batas, ituturing itong national elections at kinakailangan din ng pondo kaya naman kailangan din ng sapat na panahon para sa paghahanda. Para maisagawa ang automated snap elections, sinabi ni Laudiangco na humigit-kumulang isang taon ang sapat na panahon para sa Comelec kabilang ang procurement ng automated election system, mga posibleng pagkwestiyon sa certificate of candidacy na maaaring umakyat pa sa…

Read More