TINIYAK ni Senate Blue Ribbon Committee Chairman Panfilo Lacson na daraan sa tamang proseso ang chain of custody sa mga dokumento, computer at iba pang nakuhang bagay ni Engineer Brice Hernandez na posibleng sumuporta sa kanyang mga pahayag sa anomalya sa flood control projects. Kaugnay nito, itinakda ni Lacson ngayong Martes, September 22, alas-9 ng umaga ang susunod na pagdinig ng Blue Ribbon Committee dahil sa mga bagong developments. Matatandaang pinayagan ng Senado na lumabas nitong Sabado si Hernandez upang kumalap ng mga ebidensya. Iginiit ni Lacson na kung may…
Read MoreCategory: BALITA
MGA KONGRESISTA PINAGLALANTAD NG SALN
INATASAN ni House Speaker Faustino “Bojie” Dy III ang lahat ng kongresista na isapubliko ang kanilang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) para maibalik ang tiwala ng taumbayan sa Kongreso. Sa ambush interview sa Kamara, iginiit ni Dy na hindi lang mga mambabatas ang dapat maglabas ng SALN kundi pati na rin ang mga opisyales at empleyado ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno. “Sa ngayon, kailangan talagang makita ng taumbayan ang SALN ng bawat isa,” ani Dy. Huling nailabas ang SALN ng mga kongresista noong 2020. Tumigil ang…
Read MorePAGKABIGO NG KAGULUHAN TAGUMPAY NG DIWA NG PILIPINO – GOITIA
NAGKAGULO sa Mendiola nitong Setyembre 21 matapos umatake ang mga nakamaskarang raliyista na nanghagis ng bato, bote, at pampasabog laban sa mga pulis. Maraming pulis ang nasugatan at ilang ari-arian ang nawasak. Para kay Chairman Emeritus Dr. Jose Antonio Goitia, malinaw na hindi ito protesta kundi krimen. “Hindi sila repormista kundi bayarang tao na layong manggulo lang,” buwelta ni Goitia. “Hindi hustisya ang habol nila kundi ang pabagsakin ang nakaupong Pangulo. Pero bagsak ang plano nila — hindi sila nagtagumpay.” Mariing kinondena ni Goitia ang karahasan at iginiit na malinaw…
Read More8 SUGATAN SA NAKATULOG NA PICK-UP DRIVER
CAMARINES SUR – Walo katao ang nasugatan nang araruhin ng isang pick-up ang isang tindahan sa gilid ng highway sa bayan ng Del Gallego sa lalawigan. Nangyari ang insidente bandang alas-2:20 ng hapon noong Sabado sa Barangay Pinagdapian. Ayon sa imbestigasyon ng Del Gallego Police, nakatulog umano ang nagmamaneho ng itim na Nissan Navara pick-up na si alyas “Laniog”, 42, na noon ay bumibiyahe patungong Naga City. Nawalan ito ng kontrol sa sasakyan at unang sinalpok ang isang tindahan. Nasugatan ang limang tao na nagpapahinga sa loob nito. Bukod sa…
Read MoreMGA APEKTADO NG BAGYONG NANDO PATULOY SA PAGLIKAS
PATULOY ang isinasagawang evacuation and rescue operation sa mga apektado ng bagyong Nando sa Ilocos Sur at Cagayan. Katuwang ang BFP, inilikas ng PCG ang mga apektado sa Sta. Catalina, Ilocos Sur kabilang ang 37 pamilya o 80 residente mula sa Barangay Paratong, Cabittaogan, at Subec gamit ang ambulansya. Lahat ay dinala sa evacuation center upang maiwasan ang panganib. Samantala, sa Barangay Rapuli, Santa Ana, Cagayan, nagsagawa ng house-to-house inspection ang Coast Guard Deployable Response Group (DRG). Natagpuan ang dalawang pamilya na binubuo ng walo katao, kabilang ang anim na…
Read MoreP3.7-M MARIJUANA BINUNOT SA ILOCOS SUR
SA kabila ng banta ng paparating na bagyo noong Linggo, matagumpay na nagsagawa ng marijuana eradication ang mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office I – Ilocos Sur Provincial Office (PDEA RO I-ISPO), katuwang ang Ilocos Sur Police Provincial Office – Provincial Drug Enforcement Unit at sa suporta ng Ilocos Sur 1st Provincial Mobile Force Company (1st PMPC), sa Barangay Licungan, Sugpon, Ilocos Sur. Ayon sa ulat na ipinarating sa tanggapan ni PDEA Director General Undersecretary Isagani Nerez, bandang alas-8:00 ng umaga nang pinasimulan ang pinagsanib na operasyon.…
Read MoreSIMULA NA NG PANINGINGIL SA MGA MANDARAMBONG
SIMULA pa lamang ng paniningil sa mga magnanakaw sa gobyerno ang Trillion Peso March na isinagawa kahapon sa iba’t ibang panig ng bansa, partikular sa EDSA People Power Monument at Luneta, na dinaluhan ng libu-libong Pilipino. Ito ang binigyang-diin ni Akbayan party-list Rep. Chel Diokno na nagsabing hindi titigil ang mamamayan hanggang hindi napapanagot ang mga sangkot sa pagnanakaw ng pondo, hindi lang sa flood control projects kundi maging sa iba pang programa ng pamahalaan. “Eto ay simula pa lang ng ating martsa para sa pananagutan. Matagal nang hinahangad ng…
Read MoreBBM-SARA HAHABULIN SA CAMPAIGN DONATION
HINAMON ng Makabayan bloc sina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., at Vice President Sara Duterte na isapubliko ang lahat ng natanggap nilang campaign donations sa mga kontratista na may proyekto sa gobyerno. Kasabay nito, sinabi nina ACT Teachers Rep. Antonio Tinio, Kabataan Rep. Renee Louise Co At Gabriela party-list Rep. Sarah Elago na dapat panagutin din ang dalawang pinakataas na lider ng bansa sa paglabag ng mga ito sa election laws. Ginawa ng mga nabanggit na mambabatas ang pahayag kasunod ng expose’ ng Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ) na…
Read MorePAGTATAYO NG CLASSROOMS HINDI NA EKSKLUSIBO SA DPWH
MULING nagpahayag ng pagkadismaya ni Senator Win Gatchalian nang matuklasan ng Department of Education (DepEd) na may 1,000 silid-aralan na itinayo ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang hindi magamit. “Nakakagalit na matuklasan ito sa gitna ng matinding kakulangan sa classroom at mga ulat ng malawakang korapsyon sa mga infrastructure projects ng pamahalaan,” saad ni Gatchalian. “These findings affirm the direction we plan to take: the DPWH will no longer have the sole authority to build classrooms,” giit pa niya. Binigyang-diin ng senador na sa gitna ng lumalalang…
Read More