TULAD ng ginawa ni dating Bulacan Assistant District Engineer Brice Hernandez, nais ni Senate Blue Ribbon Vice-Chairman Erwin Tulfo na ituro na rin ng contractor na si Curlee Discaya at District Engineer Henry Alcantara sa Independent Commission for Infrastructure (ICI) ang mga kasabwat nila na matataas na opisyal sa pamahalaan. “Si Brice nagbigay na raw ng mga sensitibong impormasyon sa ICI ani Mayor Magalong, so dapat gayahin na rin nina Discaya at Alcantara ito,” ayon kay Sen. Tulfo sa isang panayam. Aniya, “Kung natatakot silang kumanta sa Blue Ribbon, e…
Read MoreCategory: BALITA
PNP INIIMBESTIGAHAN PAGBABALIK NG NINJA COPS SA MAYNILA
INIUTOS ni Acting PNP Chief Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. ang masusing imbestigasyon laban sa mga miyembro ng Manila Police District-Drug Enforcement Unit (MPD-DEU) na inakusahang sangkot sa ilegal na pag-aresto, pananakit, at pagnanakaw sa ilang delivery riders sa Sampaloc, Maynila noong Setyembre 9. Lumabas ang hinala na nabuhay ang mga tinaguriang ninja cops matapos magsumbong ang dalawang delivery riders na sila’y dinampot ng mga pulis, pinahirapan, at kinuhaan ng pera, gamit, at maging ng kanilang motorsiklo. Isa sa kanila ang nakatakas at agad nagsumbong sa National Police Commission…
Read MoreNAIA SAN MIGUEL-DOTr PPP DEAL PINASASAMA SA IMBESTIGASYON
NAKIISA ang Pagkakaisa ng mga Users, Stakeholders at Obrero ng NAIA (Puso ng NAIA) sa sentrong Kilusang manggagawa sa pagtuligsa at paglahok sa malawakang pagkilos bukas laban sa malaganap na korapsyon sa pamahalaan. NANAWAGAN ang mga manggagawa sa aviation at mga kaalyadong grupo mula sa civil society na isama sa imbestigasyon ng mga maanomalyang proyektong pang-imprastruktura ang ₱900-bilyong NAIA PPP sa pagitan ng DOTr at San Miguel Corporation. Ayon kay Gilbert Bagtas, pangulo ng Samahan ng mga Manggagawa sa Paliparan ng Pilipinas (SMPP), “sobrang nakakasuka at nakakapaghimagsik ng kalooban kung…
Read MoreTRUCK DRIVER INATAKE HABANG NAGMAMANEHO
CAVITE – Hindi umabot nang buhay sa ospital ang isang truck driver na bumagsak at nawalan ng malay habang nagmamaneho sa Trece Matires City noong Huwebes ng gabi. Isinugod sa General Emilio Aguinaldo Memorial Hospital ang biktimang si alyas “Jesus” subalit idineklarang dead on arrival. Ayon sa truck helper na si Nelson, nagmamaneho ang biktima sa kahabaan ng Governor’s Drive, Purok 2, Brgy. Hugo Perez, Trece Matires City nang mawalan ito ng malay at bumagsak bandang alas-9:45 ng gabi. Humingi ng tulong ang truck helper hanggang sa dumating ang transport…
Read MoreMAGSASAKA TINANGAY NG BAHA SA QUEZON
QUEZON – Wala nang buhay nang marekober ang isang 27-anyos na magsasaka na tinangay ng baha habang tumatawid sa isang ilog sa bayan ng Lopez sa lalawigan. Ayon sa report ng Lopez Police, nangyari ang trahedya noong Miyerkoles ng umaga, Setyembre 17, habang ang biktimang kinilala sa pangalang “Bert”, residente ng Barangay Vergaña, ay patawid sa ilog papunta sa kanilang lugar na pinag-aanihan ng niyog kasama ang dalawang katrabaho sa bukid. Subalit dahil sa walang tigil na pag-ulan, lumaki ang tubig sa ilog at bumilis ang agos nito. Ligtas na…
Read More1 patay, ilan pa missing masamang panahon 10 MANGINGISDA NASAGIP SA KARAGATAN NG AURORA
AURORA – Umabot sa 10 mangingisda ang magkakasunod na nasagip sa mga insidente ng paglubog ng ilang bangkang pangisda sa karagatan ng lalawigan sa kasagsagan ng pananalasa ng nagdaang masamang lagay ng panahon. Base sa ulat, apat na mangingisda na sakay ng bangkang Jek-Jek na lumubog malapit sa Casiguran, Aurora dahil sa Bagyong Mirasol, ang nasagip nong Miyerkoles. Kinilala ang mga ito na sina Jose Bilo, Jhon Bilo, Jerson Dela Torre, at Jerome Dela Torre, pawang mga residente ng Dingalan, Aurora. Nasagip sila ng kanilang mga kapwa mangingisda habang nakakapit…
Read MoreNABAGSAKAN NG NIYOG SA ULO, LOLA PATAY
QUEZON – Nasawi ang isang 88-anyos na lola matapos mabagsakan ng bunga ng niyog sa Barangay Villa Belen, sa bayan ng Quezon sa lalawigan noong Huwebes, Setyembre 18. Kinilala ang biktimang si Andrea, isang biyuda at residente ng naturang barangay. Ayon sa ulat ng pulisya, nangyari ang insidente dakong alas-9:00 ng umaga habang nag-aalis ng damo ang biktima sa kanyang bakuran sa Sitio Paraiso. Bigla na lang siyang nahagip ng nahulog na bunga ng niyog na tumama sa kanyang ulo at mukha. Agad itong binawian ng buhay dahil sa tindi…
Read More1 PANG BIKTIMA NG HULIDAP NG MPD COPS DUMULOG SA NAPOLCOM
DUMULOG sa tanggapan ng National Police Commission ang isa pang delivery rider na biktima ng hulidap ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD). Nakilala ang bagong complainant na si Nicole Owen Solleza, na sinuportahan ng naunang delivery rider na si alyas “Chester” na hinuli rin ng kaparehong grupo ng mga pulis noong Setyembre 9. Nauna nang naghain ng reklamo sa Napolcom si alyas “Chester” noong Setyembre 12 laban sa mga pulis na nanghuli sa kanila. Batay sa salaysay ng bagong complainant na si Solleza, ilegal umano ang pagdakip sa…
Read MoreSOUTH AFRICAN HULI SA BITBIT NA P27.2-M DROGA SA AIRPORT
ISANG high value target na South African national ang nadakip ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency kasunod ng isinagawang joint airport interdiction operation ng mga operatiba ng (PDEA) Regional Office 7, Bureau of Customs, at iba pang law enforcement agencies sa Mactan-Cebu International Airport, Terminal 2, noong Setyembre 18, 2025. Tinatayang may street value na aabot sa P27.2 milyon ang halaga ng shabu na bitbit ng inarestong foreign high-value target (HVT) na kinilalang si Keith Charles Moore Koeremoer, 33, South African national, isang I.T. technician. Nasa Mactan Airport…
Read More